3rd Chapter

96 11 0
                                    

“Hoy Yvagne!” Gising ng ate niya sabay hila sa paa niya ng sumunod na umaga. Agad naman siyang napabangon ng maramdaman ang muntikan ng pagkahulog niya sa kama. Ang lakas rin ng topak ng ate niya. Hilahin ba naman ang paa niya sa kalagitnaan ng pagtulog niya. Ang sarap-sarap pa naman ng higa niya.

Kinusot-kusot niya ang namumungay pa na mga mata saka tumingin sa ate niya na nakaarko na ang kilay habang nakamasid sa kanya. “Ate naman e!” Maktol pa niya. “Anong oras na ba? Maaga pa naman ata!” Sumulyap siya sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng lamesa, katabi ng higaan nila. 6:00 palang! Hindi na maipinta ang mukha niya. An gaga-aga pa naman pala, ginising na siya ng ate niya! Bago pa siya makareklamo dito, naunahan na siya ng ate Yvonne niya.

“Alam ko na ang sasabihin mo,” maagap na sabi nito sa kanya saka kinuha ang nasabing alarm clock. Inilapit iyon ng ate niya sa mukha niya. “Tingnan mo ngang mabuti! Hindi na umaandar yan! Wala ng battery!”

Namilog ang mga mata niya sa narinig saka inagaw ang alarm clock sa kamay ng ate niya. Tinitigan niya itong mabuti. Hala! Hindi nga gumagalaw! Na-stroke na ang mahiwagang alarm clock niya! E di anong oras na pala? Tumingin siya sa ate niya. Mabilis naman nitong nakuha ang mga tingin niyang mukhang magpapanic na. “Alas siete na iha! May trenta minutos ka nalang bago ka malate!” Sabi nito. “Hinihintay ka nga pala ni Kyle sa labas. Kanina pa yon. Tssk. Tssk. Kung ako sa bestfriend mo, kanina pa kita iniwan!” Pahabol pa nito bago tuluyang umalis ng kwarto nila habang itinatali ang buhok nito ng lastiko.

Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig. Nawala lahat ng antok niya! Thirty minutes nalang! AAAAHH! 7:30 nga pala ang pasok nila pag Lunes! Dali-dali siyang bumangon at nagtungo sa banyo para maligo. Nakakahiya kay Kyle! Tiyak na kanina pa sya sa labas! Bakit ba kasi hindi siya ginising ng maaga ng ate niya? May pasok rin naman ito a! Baka may balak na magpa-late? Mala-buhawi na ang ginawa niyang pagligo. Diretso shampoo sabay sabon na rin. Buti nga at naisipan pa niyang maligo kahit papaano. Dati pumasok siya na hindi man lang nakakapagsuklay ni nakakaligo. Dinaan nalang sa cologne at puyod ang lahat. Ang laki naman ng hiya niya noon. At ayaw na niyang maulit pa. Tiyak na tutuksuhin na naman kasi siya ng loko niyang best friend. Ang hirap pag ganun. Limitado ang galaw. Baka kasi may makahalata na hindi siya naligo. HAHAHA! Matapos maligo ay nagbihis na siya. Isang simpleng T-shirt at skinny jeans lang ang suot niya na ka-match ng lumang dark blue doll shoes niya. Hindi niya alam kung dark blue pa nga ba ito. Mukha kasing light na sa kalumaan. Buti nalang at maingat siya sa mga gamit kaya nagtatagal ang mga ito ng taon. Konti lang ang matitino niyang damit o mas tamang konti lang ang damit niya. Pinag-iiba lang niya ng terno para hindi masyadong halata.

Isang malalim na buntong-hininga at iretableng tingin ang nakita niya sa bestfriend niya ng makita siyang lumabas ng kwarto. Bakas sa mukha nito ang pagkainip. Naku! Galit na nga siya. Pilit siyang ngumiti dito. Hindi alam kung papaano siya magpapaliwanag. Nagulat naman siya ng ngumiti rin ito sa kanya at napawi ang iritableng tingin na bumungad sa kanya. Eh? Hindi siya galit?

Tumayo ito saka ipinakita ang oras na nakalagay sa cellphone nito. Whoa! May bago na agad itong cellphone! Samantalang siya, nganga. “Ten minutes nalang. Bilisan na natin!”

Hindi na sila nagpatumpik-tumpik at agad na lumabas para mag-abang ng sasakyan. Isang sakay lang naman sa tricycle o kaya sa jeep ang kailangan para makarating sa University nila. Kung tutuusin, pwede namang lakarin. Kapag napagtitripan nila at maaga pa, naglalakad lamang silang dalawa. Extra exercise pa kapag nahabol ng aso. Nagkalat kasi ang mga aso sa lugar nila, kahit yong domesticated o asong-kalye lang. Mas malala kung asong kalye, mas mabilis. HAHAH! Mas marating fats ang mawawala sa kanya.

Hey, Superstar! [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon