6th Chapter

50 10 0
                                    

Natapos ang buong piyesa ng wala man lamang notang pumalya kahit alam niya na kinakapa lamang ang mga ito ng best friend niya. Isang standing ovation ang ginawa ni Yvagne. “WOW! Ang cool! HAHA! Astig!” Sabi pa niya ng may paghanga. “Kelan ka pa natutong tumugtog ng piano? Hindi ko man lang alam.”

“Hindi ko rin naman alam na marunong akong tumugtog. HAHA! Narinig ko lang yan noong music competition.”

“May ipapakita pala ako sayo kaso…” Nag-alinlangan siya.

“Kaso?” Bakas sa mukha nito ang pagka-curious sa sasabihin pa niya. “Ano?”

Kinuha niya ang isang maliit na notebook sa bag niya. Hilig niya ang pag-compose ng mga kanta. Mga kanta na siya lang ang nakakaalam. Mga kanta na sa utak lang niya kinakanta at nailalabas lamang kapag mag-isa siya. Isa talaga itong lihim na kahit kay Kyle na best friend niya ay hindi niya sinasabi. Ngayon palang. “Ahh…” Sumulyap siya dito habang yakap-yakapa ang notebook niya. “Ano kasi… hmmm… wag na nga lang.” Ibabalik na sana niya ang notebook sa bag ng bigla itong agawin ng best friend niya. “Hoy! Ano ka ba? Akin na yan!” Pinilit nya itong agawin ngunit mabilis itong tumayo. Malas lang nya at mas matangkad ito sa kanya.

“Sandali lang!” Binuklat nito ang notebook na naglalaman ng mga composition niya.

Wala na. Nabasa na nito ang mga sinulat niya. “Napagtripan ko lang yan.”

Hindi ito umimik at nakatitig pa rin sa notebook niya. Binabasa siguro nito ang mga kantang ginawa niya doon. Sumulyap ito sa kanya saka ngumiti. “Ikaw ba ang gumawa ng lahat na ito?”

Paiwas siyang tumingin dito saka tumango. Alam niyang hindi ganoon kaganda ang mga kantang naisulat niya doon. “Wala akong magawa kaya yan. Sorry kung — …”

“Maganda.” Umupo ulit ito sa tabi niya. “Hindi ko alam na magaling ka palang composer.”

“Sus!” Hindi siya naniniwala sa sinasabi nito. “Wag mo nga akong bolahin. Alam kong hindi naman kagandahan yang mga yan. Akin na nga at itatago ko na.”

“Pwede bang akin nalang?”

“Hindi pwede. No!”

“Sige na!”

“Ayoko nga!”

Tumingin ito sa kanya ng ilag sandali. “Kahit isa lang?”

Ito na naman ang mga tingin nito. Ang hirap naman kasing hindi pumayag kapag isang maamong tingin na ang ginagamit nito sa kanya. “Sige na nga. Kung hindi lang kita best friend!”

Para naman itong bata na nabigyan ng isang lollipop ng marinig ang sinabi niya. “Gusto ko yong pinaka-special sa lahat.”

Natigilan siya. “Pinaka-special? Demanding naman to!”

“Wag mo ng pagdamutan ang gwapo mong best friend,” sabi pa nito saka siya kinindatan.

“Tss.” Irap niya. “Hindi mo ako madadala dyan sa pagpapacute mo.”

Hey, Superstar! [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon