“O!” Gulat niya saka akmang aagwat dito. “Bakit ba?” Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa pagkagulat. Sa pagkagulat nga ba o sa sobrang pagkakalapit nila?
Luminga-linga muna ito saka bumulong sa kanya. “Ano kasi…” Naalangan pa ito. “A…”
“Ano nga?” Siya na ang naguguluhan sa inaakto nito.
“May ano kasi…” Hindi pa rin niya maintindihan.
“Ano?” Salubong na ang kilay niya. “Mamaya-maya babatukan na kita!”
Medyo namumula ito. Halata naman dahil sa maputi ito at makinis pa ang mukha na parang endorser ng sikat na facial soap. Kaya nga napagkakamalan nyang bakla. HAHAHA. May itinuturo ito sa baba ng likuran niya na hindi niya ma-gets. “M-May dalaw ka ba ngayon?” Bulong nito sa kanya na nagkakanda-utal pa.
Mabilis siyang pinamulahan ng mukha. Tiyak na para na siyang hinog na kamatis ng panahon na yon. Tsssk. Gusto na nyang mag-evaporate. Ang hirap naman kasi kapag lalaki ang best friend mo. Kaya pala timatamad siya simula pa kanina. “Anong date ba ngayon?”
“Seven?” Mukhang hindi rin ito sigurado sa sagot.
“Tssk. Nakakahiya naman.” Mukha na siyang iiyak pero syempre acting lang yon para mabawasan ang hiya niya.
Ngumiti ito saka kinuha ang jacket sa bag. “Akala ko kasi uulan kaya nagdala ako ng jacket. Gamitin mo muna.” Itinakip nito sa likuran niya ang jacket saka itinali sa beywang niya ang dalawang manggas nito. “Mahigpit ba?” Tanong pa nito.
Lalo tuloy siyang namula sa ginawa nito. HUHU. Napaka-gentleman naman ng best friend nya. “Hindi. Okay lang.” Nahihiya pa niyang sagot dito at paiwas na tumingin.
Tumawa naman ito. “Hoy! Wag ka ngang mahiya. Lalo kang nagiging cute e. Natural lang yan dahil babae ka. Naiintindihan ko naman yon. Teka, babae ka nga ba?” Nang-asar pa ito. Inis siyang tumingin dito na lalong nagpalawak sa ngiti nito. “Buti ako pa ang nakakita. Kung sakali, maglalakad ka na ng may red map.” Tumawa ulit ito.
Sobra na. Sobra na ang biro nito. Gusto na talaga niyang mag-evaporate. Tumahimik nalang siya saka tumungo. Hindi naman niya kasalanan yon di ba? Maiinis ba siya sa nakakainis naman talaga na biro nito? Tinulungan nga sya. Tinukso naman. Bigla itong tumigil sa pagtawa ng mapatingin sa kanya. “Hoy Rapunzel,” iniangat nito ang mukha niya. Agad naman siyang pumalag. “Joke lang. Ito naman!” Ginulo-gulo ni Kyle ang buhok niya. “Sige. Ayusin mo muna sarili mo. Mauuna na ako sa music room. Sunod ka nalang ha?” Hindi siya umimik. “Nagtampo na? Biro lang yon. Sorry na.” Yumuko ito para titigan siya. Halos isang dangkal rin kasi ang tangkad nito sa kanya. Hindi siya pandak ha! Sadyang matangkad lang talaga ang best friend nya.
Hindi na ito ngumingiti at mukhang seryoso sa paghingi ng sorry sa kanya kaya umimik na rin siya. “Oo na! Nang-aasar ka pa kasi.”
“Sorry na nga. Sunod ka ha?” Pagkasabi noon ay ngumiti ito saka tumakbo na ito paalis.
Saka lamang siya nakahinga ng maluwag. Hayyy! Kaasar naman kasi! Nakakahiya tuloy. Dali-dali siyang nagpunta sa pinakamalapit na CR. Buti nalang at girl scout siya. Lagi siyang may dalang pad. Yon nga lang kakailanganin talaga niya ang mahiwagang jacket ng best friend niya kundi katapusan na ng maliligayang araw niya. Nai-imagine nya tuloy kung lalaki ang nagkaroon ng monthly period. Ano kayang mangyayari? HAHAHA. Natawa na lamang siya sa kalokohang naisip.
BINABASA MO ANG
Hey, Superstar! [On-Hold]
Teen FictionThey grew up together. They dreamed together. And together, they have learned the difference between what was right and what was not. They were solid best friends — sina Kyle at Yvagne. Isang trying hard at isang prodigy. Magkanoon pa man, tanggap n...