“Babe, stop it.” Natatawang suway ni Dave kay Reina. Magkasama sila ngayon na namamasyal sa park habang pilit siyang kinikiliti ni Reina.
“Ang arte mo talaga.” Naka-pout na sabi sa kanya nito.
“Hindi maarte 'yon, masakit kaya.” Natatawa pa din ang boses niya habang nagsasalita at ginaya pa ang panguso ng labi na ginawa ni Reina kanina.
“Masakit ka dyan?! Kinikiliti lang naman kita.” Depensa nito. “Sungit.” Dagdag pa nito.
“Ikaw ang masungit.” Natatawang sabi niya pabalik rito. “Masakit kasi, baby. Tingnan mo 'yang mga kuko mo, nakakalmot mo na 'ko.” Paliwanag niya habang nakangiti.
Natutuwa kasi siya, hindi niya alam kung bakit. Basta kapag magkasama sila ni Reina, ganoon lagi ang nararamdaman niya kahit na minsan ay nakakainis na para sa iba ang ugali ng girlfriend niya, para sa kanya, hindi. Natutuwa pa rin siya. Ganun siguro talaga kapag mahal mo.
“Aww.. Sorry na, babe. Hindi ko alam.” Malambing na sabi ni Reina. Sumandal ito sa balikat niya.
Napangiti si Dave. Ganoon lang talaga si Reina. She's childish, sometimes. Madali itong magtampo at magselos but she is sweet, no doubt about that. Pero kahit na minsan ay mahirap itong intindihin, he managed to handle her attitude.
Sabi nga ng iba, total opposite ang dalawa. Dave known as the serious type of a person when it comes to things, especially sa school, work and such. But he can be playful at times. Marunong itong makisama. Matalino, masipag at mabait. Si Reina naman ay kilala bilang mataray at maldita. Pasaway din ito noon sa school, but when he met Dave and they became friends, unti-unti itong nagbago, and that's for the better. Naging masipag na itong mag-aral ng mabuti tulad ni Dave.
At noong maging sila ay mas naging maayos ang lahat. Sa school noon ay naging matunog ang relasyon nila. Halos lahat ng tao doon ay alam 'yon. Well, they're popular when they were in High School and even in College. Dahil na rin sa image ni Dave na good boy at good looking, while Reina as the mataray na habulin ng mga boys.
Kung marami ang mga nahuhumaling kay Dave noon dahil sa mga kahanga-hangang katangian niya. Ganun din kay Reina, sa kabila ng pagiging masungit nito ay marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya. Hindi naman kasi masama ang ugali nito. May pagka-masungit at maldita siya, yes. Pero mabait talaga ito kung kikilalanin. Nagsusungit lang naman siya tuwing hindi niya kilala ang isang tao, 'yung mga lumalapit sa kanya na alam niyang kina-kaibigan lang siya para gamitin. Naranasan na kasi niya ang ganon kaya nag-iingat lang siya. Ayaw niyang gamitin siya ng ibang tao. Kung gusto nila itong kaibiganin, ayos naman siya doon. Pala-kaibigan siya. Basta ba totoo ang intensyon ng mga ito sa kanya. 'Yung hindi lang nilalapitan dahil may kailangan ang mga 'to.
“It's okay. Don't worry, I'm fine.” Bulong niya rito at inakbayan. “Hindi ka pa ba gutom?” Nakangiting tanong niya dito.
“Hmm.. Hindi pa naman masyado.” Mabilis na sagot nito. “Ikaw ba? Gutom ka na, ‘no?”
BINABASA MO ANG
For Love
Romance“Would you do anything for love?” Meet Reina Louise Flores; she loved her boyfriend so much that even he cheated on her, she is still willing to forgive him, forget everything he has done and give their relationship a chance. How far can she fight f...