4

172 2 5
                                    

Akmang lalapit na si Reina sa dalawang taong magkayakap nang may tumawag sa kanya mula sa likod. Wait..

“Babe?” Malambing ang boses nito. Humarap siya para makita si Dave na may dala-dalang iba't ibang snacks.

Nagtatakang tumingin ulit siya sa likod. Gusto niyang matawa sa sarili. Paano 'yon? Napagkamalan niya na si Dave ang lalaking nakita niyang may kayakap na babae.

“Hey.. Baby, sinong tinitingnan mo?” Kunot na kunot ang noo ni Dave nang hinarap niya ulit ito.

Umiling agad siya bilang sagot at dali-daling hinila ang nobyo papunta sa cart nila.

Natatawa siya sa sarili habang namimili ng mga kailangan niyang bilhin. Sayang ang kaba na naramdaman niya kanina. Ang akala niya ay si Dave ang lalaking 'yon. Natakot siya. At kung sakaling si Dave nga 'yon ay ano nga ba ang gagawin niya? Sa totoo lang, hindi niya alam.

Pilit na inalis na lamang ni Reina ang mga hindi magandang bagay na naiisip, hindi naman mangyayari 'yon. Mahal siya ni Dave at hindi nito hahayaang masaktan siya.

“Babe? May problema ka ba?” Nagtatakang tanong ng boyfriend niya sa kanya. Kasalukuyang nagda-drive na ito pauwi.

Kanina pa kasi napapansin ni Dave ang biglaang pagbabago ng mood ni Reina. Mula kanina na balikan niya ito pagkatapos kumuha ng mga snacks ay parang nag-iba ang mood nito. Kanina lamang ay napakasigla at napakasaya nito.

Nakita niya ang tipid na ngiti ni Reina bago nito sinagot ang tanong niya. “Ah, wala.. May naisip lang ako.. Tsaka napagod lang din siguro ako.”

Hinawakan niya ang kamay ni Reina at pinisil 'yon. “Just tell me kung may problema ka.” Sincere na sabi niya dito habang diretso ang tingin sa kalsada.

Naramdaman niya ang pagpatong ni Reina sa kanyang kamay na nakahawak sa kanya kaya nilingon niya ito at nakita niya ang magandang ngiti nito sa kanya.

“Tumingin ka na sa daan, babe.” Natatawang paalala nito sa kanya.

Ngumiti siya at pinisil ulit ang kamay nito bago bitawan. Nagfocus siya sa pagda-drive.

Mabilis na nakarating sila sa bahay nina Reina. Walang masyadong traffic kaya naging mabilis ang kanilang naging byahe pauwi.

Nauna ng lumabas si Reina at diretsong pumasok sa loob ng bahay. Maya maya’y sumunod na rin si Paul sa kanya. Nadatnan siya nito sa sala na nakaupo sa mahabang sofa, mukhang may malalim na iniisip.

Naglakad siya papalapit dito.

 

“Babe, as I’ve said earlier.. Kung may problema ka, tell me. Now. What’s wrong?” Marahang tanong niya rito. Pansin na pansin kasi na hindi maganda ang timpla nito. She’s into something and he really wanna know what is it, what’s bothering her.

Napatingala ito sa kanya at tinitigan siya. She sighed. “Wala. Pagod lang talaga siguro ako.” Paiwas na sagot nito.

Huminga din ng malalim si Dave para mapigilan ang sarili. He doesn’t want to be mad. Kailangan niyang intindihin na ayaw na munang pag-usapan ni Reina kung ano man ang bumabagabag sa kanyang isipan.

 

“Okay. Magpahinga ka na. Uwi na muna ako.” He said at lumapit dito para mahalikan ito sa pisngi.

 

“Magpahinga ka.” Ulit nito. Nakita niyang ngumiti ng tipid si Reina at tumango.

“I will. Ingat ka.” Sabi nito sa kanya.

***

Sorry sa update. Sobrang ikli at walang sense. Nagdadalawang isip kasi ako kung ano talaga ang gagawin ko sa story. *Sigh Baka i-edit ko kasi from the beginning. Ayun lang, salamat sa paghihintay. Especially to Ate Joyce, salamat po! :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon