“Hey! What are you thinking?” Nakasimangot na sabi ni Reina sa kanyang boyfriend habang hinihila pa ng bahagya ang braso nito.
Magkatabi silang nakaupo ngayon sa sofa. Nasa bahay sila ng kanilang kaibigang si Levi, may kasama din silang iilan pang mga kaibigan na may kanya kanyang ginagawa habang naghihintay pa sila sa iba pa nilang makakasama. Birthday kasi ngayon ni Levi at inimbitahan silang dalawa kasama ang mga kaibigan para i-celebrate ang birthday ng kanilang kaibigan. Simple lang naman ang magaganap na celebration. Sila sila nga lang na magkakaibigan ang invited. Panigurado ay halos kain at inom lang ang gagawin ng mga ito doon.
“Uh, nothing.. Why, babe?” Marahang tanong naman pabalik ni Dave sa kanya, her boyfriend.
“Wala? Eh, kanina pa kasi ako nagsasalita dito pero mukhang hindi ka naman nakikinig na parang may napakalalim na iniisip.” Nakangusong sabi nito sa kanya.
“Ah, sorry. Ano ba 'yung sinasabi mo?” Interesanteng tanong niya sa girlfriend sabay inakbayan pa at tiningnan ito. Natawa nalang si Reina sa inasal ng boyfriend niya at nagkibit balikat. Naramdaman niya talaga kanina na hindi na nakikinig si Dave sa mga ikini-kwento niya dito. Nanahimik kasi ito bigla at hindi nagre-react sa mga sinasabi niya. Nagtataka man siya kung bakit at ano ba ang iniisip nito ay hindi na niya muna pinagbigyang pansin at sinimulan nalang ulit na magkwento sa nobyo.
Sina Ryan Dave Guzman at Reina Louise Flores ay matagal nang magkakilala. High school palang ay magkaibigan na sila hanggang sa nagka-develop-an at nauwi sa pagiging sweet couple na turing sa kanila ng barkada. Four and a half year na silang magka-relasyon. Tulad ng mga ibang magkarelasyon ay nagkakaroon din sila ng problema at hindi pagkakaintindihan pero sinisikap nilang maayos agad kung ano man 'yon para hindi na lumala pa. Sinisigurado nilang napag-uusapan nila ito ng maayos.
“Hey, love birds! Would you mind if I'll join you here?” Nabigla sina Dave at Reina nang magsalita si Rizle, isa sa mga kaibigan nila. Hindi nila napansin ang paglapit nito sa kinaroroonan nila, dahil siguro masyado silang busy sa pagkukwentuhan at paglalambingan. Tumango agad si Reina sa kanya at ngumiti.
“Oh, hi. Have a seat, Rizle! Kamusta?” Masayang bungad niya dito.
Ngumiti pabalik sa kanila ang kaibigan at sumagot. “I'm good. Kayo ba? Mukhang going strong pa din, ah?”
“Yeah, ofcourse. Still inlove with each other.” Nakangiti siya habang sinasabi ito at sumulyap pa sa kanyang boyfriend. Ngumiti din ito sa kanya at hinalikan ang gilid ng kanyang ulo.
Nakangiti si Rizle habang pinagmamasdan ang dalawang kaibigan na halatang inlove na inlove sa isa't isa. “Kung makangiti ka naman dyan, girl.” Natatawang puna ni Reina sa kanya. “Mag-boyfriend ka na kasi para hindi ka naiingit.” May halong pang-aasar pa na dagdag nito.
“Sira. I don't need a boyfriend, 'no? Mas masaya kapag single.” Ngumingising pahayag ni Rizle.
“Oh, believe me, Riz.. Mas masaya kapag may love life.” Kumindat ito ng pabiro sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
For Love
Romance“Would you do anything for love?” Meet Reina Louise Flores; she loved her boyfriend so much that even he cheated on her, she is still willing to forgive him, forget everything he has done and give their relationship a chance. How far can she fight f...