Chapter 1

1.3K 47 8
                                    

Chapter 1



CHARITY



"Sabihin niyo nga sa amin kung bakit kayo naghiwalay?" Tanong ng mommy ko. Nasa bahay kami ngayon ng parents ni Nicoló at ngayon nalaman nilang hiwalay na kami matapos ng isang buwan. Yes, that was a month ago at kung hindi ko pa sinabi ngayon ay mukhang walang balak ang gago kong ex na sabihin na hiwalay na kami.



Sinulyapan ko si Nicoló na nasa tabi ko kapagkuwan ay bumaling sa parents namin.



"Nagloko ka ba Nicoló?!" Sigaw ni Tita Liz.



"Hindi po, tita. No one cheated." Pagsisinungaling ko.



"Then bakit kayo naghiwalay?" Malumanay na tanong ni Tita sa akin.



"Because of different priorities, mga bata pa po kami lalo na ako... nag-usap po kami that I should prioritize my studies while he should focus on the company besides natanggap na po ako sa fashion school na in-aplayan ko sa Belgium, ayaw ko rin po ng LDR."



"Belgium?" Tanong ni mommy



"Yes, mom doon ako magkacollege. I want to go there nakakuha na rin po ako ng scholarship actually ayos na po lahat pati ang matutuluyan ko."



"And you didn't bother to tell us that?"



Napangiwi ako. Sa totoo lang kung hindi naman kami naghiwalay ni Nicoló ay hindi ko naman tatanggapin iyon but things happened. "I want it to be surprise...so surprised!" Sabi ko na may hand gesture pa.



"I smell something here," sabi ni Tita.



Oh please, Tita. Huwag niyo po akong pilitin na sabihin na gago ang anak niyo.



"Hindi na po namin mahal ang isa't-isa." Sabi ko na ikinabigla nila.



"What?!" Sabay na tanong ng mga ina namin. Habang tahimik na nakikinig lang ang mga ama namin.



"Nakipaghiwalay po ako sa kaniya, I told him that I don't love him anymore at ganoon rin po pala ang nararamdaman niya so our separation is clean." Ngiting sagot ko. Nahuli kong nakatingin sa akin si Nicoló kaya tinignan ko siya at nginitian. "Di ba Nicoló?"



He just nodded. Siguradong gulong-gulo siya pero mas mabuting sumakay na lang siya dahil ikakabuti rin niya ito.



"And we're still friends." Dagdag ko pa



"Pero...paano na tayo balae?" Naiiyak na tanong ni Tita Liz.



"Hindi na tayo magiging magbalae!" Naiiyak na sabi rin ng mommy ko. Hindi ko na lang pinansin ang ka-oa-an ng mga nanay namin.



"So hindi na kita magiging sister-in-law?" Tanong ni Simone sabay akbay sa akin.



"Hindi na, isa sa mga dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Nicoló ay dahil ayokong magkaroon ng pangit na brother-in-law." Asar ko sa kaniya.



Inalis niya ang kaniyang kamay sa aking balikat. "Grabe ka ah! Baka nakakalimutan mo mas matanda ako sa'yo!"



"Alam ko iyon, lolo." Sabi ko na sinundan ng tawa. Kung sana kay Simone na lang ako na-inlove siguro hindi ako maloloko ng ganito sabagay di naman talaga niya ako lolokohin kung sakali man sa kaniya ako na-inlove dahil loyal ito sa isang babae. Buti pa si Simone loyal kahit pa hindi sila noong babae habang itong kakambal niya ay walang kaloyal-loyal sa katawan, libog ang meron!



"So tell me, why did you lie?" Tanong ni Nicoló ng dalhin niya ako sa balcony



"Aren't you glad I lied?" Tanong ko pabalik sa kaniya.



"Charity!"



"What?! What do you want me to say?! That you cheated on me? Gusto mo bang magmukha akong tanga sa harap ng pamilya natin?! No way, Nicoló! Tama ng pinagmukha mo kong tanga, that was enough! At hindi ko hahayaan na pati sa pamilya natin magmukha akong tanga at kaawa-awa!"



"Cha---"



"Will you shut up?! Huwag mo na kong kakausapin at huwag na huwag mo na kong lalapitan because to tell you frankly you disgust me!" I said then left him pero natigilan ako ng magsalita siya.



"When you reached 25 at wala ka pang asawa, papakasalan kita." He said.



What?



"When I reached 25 at wala ka pang asawa, kakapunin kitang gago ka."

Love Ain't EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon