Chapter 3
CHARITY
Paikot-ikot ako sa aking kwarto, hindi mapakali habang hawak-hawak ang aking labi. Tumigil ako sa harap ng malaking salamin sa kwarto ko at tinitigan ang aking mukha, pinamulahan ako ng pisngi nang makita ko kung gaano kapula ang aking labi na walang kahit na anong bahid ng kolorete. This is Nicoló's fault! Siya ang dahilan kung bakit mapula ang aking labi. He didn't popped my cherry pero wala naman itong ginawa kundi ang halikan ako ng halikan, ako namang si gaga hindi makatanggi hindi lang iyon! Talagang tumutugon pa ko!
Biglang kumunot ang noo ko ng may makita akong pula sa leeg ko, I touched it and my eyes opened widely when I realized what is it! A d*mn hickey! At hindi lang isa! One...two...three... Inilislis ko ang sleeve ng damit ko at meron akong nakitang isa sa balikat! F*ck you, Nicoló Montier!
I heard a knock kaya agad kong itinaas ang damit ko inilagay ko din ang mahaba kong buhok sa leeg ko para matakpan iyong hickeys. Binuksan ko ang pinto.
"Hija, nandito ang Tita Liz mo." My mom said.
"Sige po, My. Bababa na po ako, mag-aayos lang po ako." Sabi ko.
"Ok."
Nang umalis si Mommy ay sinarado ko ang pinto at nagbihis. Bwisit na lalake!! Kailangan ko pa tuloy takpan ang kababalaghang ginawa nya sa akin. I decided to wear a turtle neck long sleeves blouse and a short shorts kapagkuwan ay bumaba na.
"Tita!" Sinalubong ko siya ng yakap. Kahit naman bwisit ako kay Nicoló ay mahal na mahal ko pa rin ang Mommy niya, she's my second mother.
"I missed you, hija! Kamusta ka na? Ang ganda-ganda mo na!" Tuwang-tuwang sabi niya.
"Thank you po, Tita."
Umupo kami sa sofa. "Ano ng balita sa'yo? I heard sumisikat na ang brand mo." She said
"Yes, tita." Mainit ang pagtanggap ng publiko sa mga designs ko sa Belguim at maging dito sa Pilipinas unti-unti ng nakikilala ang brand na itinayo ko, ang The Soletress, shoes especially for girls.
"May balak na rin po akong magpatayo ng store dito."
"Yes, nakwento na nga iyon ng mommy mo she said that you want it in Montier Malls."
"Opo, kakausapin ko po si Stefan about that."
"Bakit si Stefan? Si Nicoló na ang nagma-manage ng mga malls together with Pietro."
Gosh! So it means ay si Nicoló ang kakausapin ko? No! Si Pietro na lang.
"I'll get in touch with Pietro, Tita." I said.
"Why him? Why not me?" I freezed when I heard a cold baritone voice.
"O Nicoló, mabuti naman at nandito ka na." Tita Liz said to her son then looked at me. "Pinapunta ko siya dito para makausap mo siya tungkol sa store at para naman magkamustahan kayo." Aniya sabay iwan sa aming dalawa ni Nicoló.
Tinitigan ko siya kapagkuwan ay tumayo. "Let's talk in the garden." Sabi ko, kailangan ko siyang makausap privately at dapat malayo sa mga tao dahil baka may makarinig sa amin.
Nang nasa garden na kami ay isang nakakabinging sampal ang pinakawalan ko.
"That's for molesting me last night!" I hissed.
"I did?" Tanong niya.
"Yes, moron!"
Nicoló laughed. "Why are you laughing? Are you insane?" I asked.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Cha. You still have the sharpest tongue."
I rolled my eyes. Umupo ako sa bench na nandoon. "Let's talk about my business. I want a space."
"Gaano kalaki?"
"Ayoko ng masyadong malaki, the usual size for a store." Sabi ko. Ayoko ng masyadong malaki lalo pa't nag-uumpisa pa lang ako. "So...mabibigyan mo ba ako?"
"Hindi."
"What?!"
"Puno na lahat, wala ng bakante."
"Sa labing-dalawa niyong mall ay walang bakante ni isa?!" Imposible naman yata iyon.
"We already have 24 malls nationwide." Pagtatama niya.
"At ni isa walang bakante?"
Tumango siya.
Kumunot ang noo ko. "Kung ganoon ano pang silbi ng pag-uusap natin ngayon?"
"Sino bang may sabi sa'yo na pumunta ako dito para sa business?" He asked.
"Ang mommy mo!"
"Well, she's wrong."
"Kung ganoon bakit ka pumunta dito, aber?"
"I'm here to talk about our wedding."
"Ano? Anong wedding ang pinagsasabi mo?"
"Remember the deal? When you reached 25 and you're not married yet pakakasalan kita." He said while smiling.
Naningkit ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. "The deal? Ang pagkakaalam ko when I reached 25 at hindi pa ko kasal ay kakapunin kita." Paalala ko sa kaniya.
Tumawa siya dahilan para lalo akong mairita. "You're really funny, Cha."
"Oh guess what, Nicolo hindi ako nagpapatawa. Walang kasal na magaganap sa pagitan nating dalawa. I won't marry a cheating bastard."
"You won't marry a cheating bastard, you will be marrying me, babe."
Babe? I feel disgusted.
"I'm not your babe, Nicoló. I already told you that I'm not yours anymore sabagay 8 years na rin naman ang lumipas at tumatanda ka na, I can't blame you and by the way I'm not gonna marry a cheating bastard especially with a name Nicoló Montier, you are definitely out of my list. "
BINABASA MO ANG
Love Ain't Enough
Ficción GeneralThey say love conquers all but they are wrong or maybe it's true but our love doesn't count.