Chapter 4
Charity
I was on my way to Nicoló's office when I saw his secretary on her desk next to the office door. Napairap ako, hanggang ngayon pala ay magkasama pa rin sila sabagay bagay sila---parehong manloloko, I treated her as my friend tuwing dadalhan ko si Nicoló ng pagkain sinisiguro kong pati siya meron pero nagawa pa rin niyang magsinungaling sa akin, ni hindi man lang niya ako ininform na nagloloko ang sira-ulo niyang boss. Ano ba naman iyong sasabihin niya na: Cha, f*ckboy ang boss ko na boyfriend mo at nakikipagchukchakan siya ngayon. Huwag ka ng tumuloy sa loob masasaktan ka lang.
Edi sana hindi ako nabigla! Sana nagready ako ng granada at itinapon iyon sa office ni Nicoló habang nagpapa-you know siya.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari noon iyong time na nakita ko siyang sarap na sarap habang may nakaluhod na pugita sa harap niya. Oh my gosh, my innocent mind!!
"Where's Nicoló?" Medyo mataray kong tanong kay Edna.
"M-ma'am Cha." Kita ko ang gulat sa kaniyang mukha.
Tinaasan ko siya ng kilay. "I want to talk to Nicoló at kung wala siya call Pietro's secretary para siya na lang ang kakausapin ko."
"N-nandito po si Sir...n-nasa loob po." Kinakabahang aniya. Napangisi ako. Why are you stuttering, my dear?
"Pwede bang pumasok?"
"I-itatanong ko muna po kay S-sir, wala po kasi kayong appointment."
"Go ahead." Tinitigan ko ang lahat ng kaniyang galaw mula sa pag-angat niya ng telepono hanggang sa pagbaba niya dito.
"Pasok na po kayo, Ma'am."
Hindi na ako nagpasalamat at dire-diretso na akong pumasok. I saw Nicoló sitting comfortably.
"Good afternoon." Bati niya.
I rolled my eyes. "What's good in the afternoon kung ikaw na gago ka ang kaharap ko?"
Bahagya itong natawa sa aking sinabi. "What are you doing here, Cha? Do you miss me?"
Tinitigan ko siya ng masama. "Asa kang mamimiss kita." Umupo ako sa upuan na nasa harap ng mesa niya. "Sinungaling ka."
"What?"
"You told me na wala ng space sa mga mall niyo pero naglibot ako sa lahat ng mall niyo merong bakante."
"I'm not lying, Charity."
"Oh yeah?" Mabilis kong inilabas ang phone ko at pinakita ang litrato na kinuha ko noong naglibot ako, I let him see the vacant spaces. Bawat mall ay may isang bakante. "Hindi ba iyan vacant space, Nicoló?" Naiinis na tanong. Napakasinungaling talaga niya!
"That space is for Briana."
Napakunot ang noo ko. "For Briana?"
"Yes, Briana wanted a boutique so our grandfather promised her to give her own boutique when she turned 18 at lahat ng space na iyan ay para sa kaniya."
"No way..." Mahina kong sabi. Knowing that Briana's own those ay alam kong wala na akong pag-asa na makakuha ng space. Isa pa si Signore na ang nagsabi noon at kahit pa sino sa mga Montier ang kausapin ko ay wala silang magagawa para matulungan ako.
"I'm sorry, Charity." He said.
I let out a sighed. "It's ok, wala ka namang kasalanan."
"And I'm sorry for what I did before."
Bigla akong napasimangot. "To tell you frankly, Nicolo I'm still mad at you."
"I know, ramdam ko naman."
"Well that's good at least hindi ka pala manhid."
"Pero pakakasalan pa rin kita."
"Will you cut it off, Nicoló? Hindi tayo magpapakasal, walang kasalang magaganap sa pagitan natin." Naiiritang sabi ko.
"Nagbitaw na ako ng salita, Charity I can't take it back."
Natawa ako sa sinabi niya. Sinungaling! "Why not, Nicoló? Lahat naman ng pangako mo sa akin noon ay napako." Bigla kong naramdaman ang pag-init ng sulok ng aking mga mata.
No, Charity! You can't cry in front of this man. Ilang beses akong lumunok bago nagsalita.
I smiled bitterly. "You said hinding-hindi mo ko sasaktan, naniwala ako pero sa huli I saw you here...in this f*cking office with a woman kneeling at you. So tell me, Nicoló bakit mo pinipilit ang pangakong iyan?"
Tumayo siya at lumapit sa akin, pumantay siya sa akin at sinapo ang aking mukha. "Because I wanted to, alam kong marami akong kasalanan at hayaan mong bumawi ako sa'yo."
Tinanggal ko ang kamay niya sa aking mukha. "And by marrying me, you think makakabawi ka? Then you're wrong dahil ayoko na sa'yo, I don't want to be involve in your life again, I don't want you in my life." Tumayo ako at nagtungo sa pinto. "Have a good day." I said then left him.
I was already in my car when I dialed Safire's number. "Hello?" Sagot niya.
The tears I held when I was in his office fell down. "Saf, are you busy? Let's meet, please I need a friend."
"Are you ok?" Rinig ko ang pag-aalala sa kaniyang boses.
"No, I'm not ok."
"Ok, let's meet. Saan mo gustong magkita?"
"Sa unit ko na lang." I said then ended the call.
"F*ck you, Nicoló! Lagi mo na lang akong sinasaktan!" Sigaw ko. Mariin kong inapakan ang gas para lalong bumilis ang patakbo ko. "I will make you suffer! Gaganti ako! Gagantihan kita sa lahat ng pananakit mo sa akin!" Iyak lang ako ng iyak habang nagmamaneho ng mabilis hanggang sa nakaramdam ako ng malakas na pagsalpok sa aking kotse dahilan para panawan ako ng ulirat.
Ongoing pa rin po iyong Name Your Heroine. Hanggang December 17, 2018 11:59pm ang submission, just comment (name your heroine na nasa Rewrite the Stars former Fallen Over Again), follow the directions and get the chance to be a heroine.😊😊
BINABASA MO ANG
Love Ain't Enough
Fiksi UmumThey say love conquers all but they are wrong or maybe it's true but our love doesn't count.