Madilim,napakalawak na kagubatan,at ang may halong pulang buwan sa langit nagbibigay liwanang sa tinatahak kong landas kung saan man ako mapunta.
Kung bakit ako nandito ngayon sa loob ng isang napakalaking kagubatan ay umalis ako sa malamansyon na bahay ko na merong walang kwentang kasama kundi ay ang aking tiyahin na sobrang galit na galit sa akin na di ko alam kung bakit saka wala din akong pakialam sa kanya mas gugustuhin ko pa ang magisa kesa makasama siya at sanay naman din ako.
Hindi ako nakikisalamuha sa ibang tao,laging gusto ko ang magisa at ang tumitig sa buwan tuwing gabi hindi ko alam pero natutuwa ako rito kapag nakikita ko.
Kahit ngayong naglalakad ako magisa hindi man lang ako natatakot.Hindi ko alam kung saan ako pupunta nung umalis ako sa bahay pero may nakita akong isang litrato sa gamit ng aking ina na wala na at ang alam ko ay namatay siya saka wala akong alam tungkol sa kanya kahit sa aking ama wala namang nakukwento si tiya tungkol sa kanila.
Ang nasa litrato ay parang isang paaralan o kastilyo na hindi ko mawari kung ano nga ba ito, kapansin pansin rin dito ang buwan na kulay pulay at ito ay parang nasa isang kagubatan nakatayo sa pinakalikod nito ay may nakasulat 'Winx Academy for Magic' naguguluhan ako bakit magtatayo ng isang paaralan sa gitna ng kagubatan.
Kaya ngayon hahanapin ko ang paaralan na ito dahil ito lang ang paraan upang malaman ko kung sino nga ba talaga ang nanay ko at mahanap ang tatay ko kung buhay pa siya.
Napatuloy lang ako sa paglalakad malayo layo rin ang nalakad ko simula kanina di ko alam kung nasa gitna na ba ako ng kagubatan kasi sobrang daming punong nagtataasan dito at sobrang lamig ng simoy ng hangin dahil gabi, alam kung mahahanap ko rin ang hinahanap ko.
May napansin akong anino ng isang nilalang sa isang puno alam kung nakatingin ito sa akin nakakulay puti siyang damit sobrang ganda nyang tingnan at may nararamdaman akong kakaiba sa kanya na parang may ibinibigay siya sa akin na hindi ko alam ngunit nawala agad ito ng lalapitan ko sana ngunit nawala ito.
Sa hindi kalayuan may nakita akong apoy na lumulutang sa ere kaya binilisan ko ang lakad ko upang pumunta dito.
Hindi din nagtagal nakarating din ako nakalutang nga ang apoy sa harap ng isang malaking tarangkahan na kulay itim hindi ko alam kung saan ako papasok para malaman kung ito na ba ang paaralan.
Nagulat na lamang ako na biglang naglalaho ito na nagawa ng isang pinto upang makapasok ako kaya nagawa kong makapasok sa loob ng walang kahirap hirap.
Sobrang lawak nga talaga nito mas malawak pa sa nasa litrato isa itong kastilyong paaralan,mapapansin mo rin ang nasa itaas nitong dalawang bilog na parang tubig na cristal,nagtataasan ang mga puno nito sa likod na bahagi ng paaralan, at ang buwan na tuluyan na naging pula na kagayang kagaya na nasa litratong hawak ko ngayon.
Sobrang kakaiba ang pakiramdaman ko sa lugar na ito na sobrang lakas na hindi ko maipaliwanang.
Maraming tanong ang tumatakbo sa isipan ko.Magtatagumpay kaya ako sa misyon ko? Ang alam ko lang gawin ay gawin ang nararapat kong gawin at wag hahayaang maging mahina ako at ipakita ang totoong ako sa harap nila.
