Namamangha parin ako sa mga nakikita ko ngayon kahit kanina pa akong nakatayo at nakatitig dito.Kaso walang ilaw na nagbibigay liwanang sa paligid kundi ang pulang buwan lamang sa kalagitan.
Nagsimula na akong maglakad sa isang napakagandang hardin na patungo sa kastilyong paaralan sa harapan ko.Maraming mga pulang rosas ang nadadaanan ko na nakakaaliw tingnan ngunit sa gitna may napansin akong kulay itim na rosas pangalawang beses ko na nakakita nito.Hindi ko na lamang ito pinansin dahil baka natuyo na ang isang rosas na iyon na hindi naalagaan ng maayos.
Papasok na ako sa loob ay nakaramdam muli ako ng kakaiba sa mga hangin maging sa paaralang ito na hindi ko alam kung bakit.Baka naninibago lamang ako sa mga nakikita ko ngayon.Tuluyan na nga akong nakapasok sa loob nito.
Katulad sa labas ay mas malawak pa ito para itong isang dungeon na isang paaralan.Matataas ang kisame may mga tourch bawat isang haligi na makikita mo at kapansin pansin rin ang isang malaking litratong nasa itaas nito na hindi ko makita dahil may taklob ito ng itim na tela.
Naglakad ako at naghanap ng mapagtatanungan kung saan ko makikita opisina ng namumuno dito.Hanggang may nakita akong anino ng isang tao sa di kalayuan kaya pinuntahan ko ito.
"Hey excuse me?"tanong ko sa kanya habang nakatalikod sya sa akin lalaki ito na matangkad na may maayos na pangangatawan base sa nakikita ko sa likod nya.
Nabigla ako nung humarap sya sa akin na seryoso ang kanyang mukha nakatingin sa akin saka ang kanyang mata ay kulay green na may halong brown na katulad ng akin.
"What do yo___hey!how do you get in here?" seryosong tanong nya sa akin na nagulat din na hindi makapaniwalang nakarating ako rito.
"Wait,let me explain okay?im here to enroll in your school and i want to meet the headmaster of this school okay" sabi ko sa kanya para kasing naiba yung aura nya kung bakit ako nandito kaya pinaliwanang ko na lang sa kanya kaya ayun parang bumalik ulit sa dati yung aura nya.
"Okay ill take you there" hindi ko alam kung matatakot ako sa kanya or matutuwa kasi naman napakaseryoso nya at may kakaparehas din kami di ko alam.Hays
Lahat ng nadadaanan namin puro may pinto bat naman sobrang dami ditong pinto isang halira kaliwa't kanan.Madilim rin di pa sila marunong gumamit ng kahit isang malaking ilaw para naman di sobrang dilim dito.
Tahimik lang kaming naglalakad habang sinusundan ko sya walang akong balak kausapin ulit sya saka wala naman ding balak atang masalita itong lalaking ito.Mahaba haba rin nilakad namin at tumaas din kami ng apat na palapag wala ba silang elevator dito.
Tumigil kami sa kulay puting pinto ito lang nakita kong pintong may kulay sa lahat ng nandito.Kumatok ang lalaki sa pinto at humarap sa akin.
"You may enter now, Miss " seryosong sabi sa akin ng lalaki at naglakad na papalayo sa akin ang weird nya talaga.
Pumasok na ako sa loob ng silid malawak ito madaming libro magagarang kagamitin at sa gitna nito may nakatalikod na lalaki baka ito na ang headmaster."What do you need,young lady?" nakatalikod parin sya sa akin ng nagsalita sya pwede namang syang humarap sa akin kapag kinakausap ako diba.
"Im here to enroll in your school,Mister" seryosong sabi ko sa kanya.
"Alam mo ba ang paaralang ito na gusto mong pasukan ay hindi para sa isang normal na katulad mo napakakapasok dito." sinabi nya na humarap din sya sa akin.Nagulat ako dahil parang ang bata nya pa para pamunuan ang isang paaralan.
"Oo at mali yata ang pakining ko sa iyong sinabi tungkol sa akin normal? bakit marami ka yatang alam tungkol sa akin ngunit ngayon lang tayo nagkita, Mister" seryoso kong sabi sa kanya.Kailangan kong makapasok sa paaralang ito dahil may mahalaga akong gagawin.
"Nagkamali nga ba ako o sadyang totoo ang sinabi ko.Hindi ka maaaring makapasok dito hanggang hindi mo naipapakita sa akin ang kaya mong gawin at kung ano ang kailangan ng paaralang ito upang makapasa ka" sabi nya sa akin.
"Ano naman ang gagawin ko para makapasok ako sa paaralang ito?" gagawin ko lahat para makapasok ako dito.
"Sa darating na kabilang linggo dapat ay maipakita mo sa akin kung anong meron ka at kapag nakita ko na ay makakapasok ka sa paaralan ko.May tatlong araw ka pa bago ipakita sa akin.Maaari ka ring tumuloy rito upang makapaghanda ka at maaari kana ring umalis." nakangising sabi nya sa akin na para bang hindi sya naniniwalang makakapasok ako dito.
Tumungo na lamang ako sa kanya at lumabas sa silid.Alam kong magagawa ko ito ngunit may problema ako saka ko na ito aalamin kung paano ko masosolusyonan.Magpapahinga muna ako at hahanapin ang silid na gagamitin ko.Sana naman makasalubong ko ulit yung lalaki kanina para mapagtanungan ko kung saan ako matutulog ngayon.
Ano ng mangyayari sa akin dito? magtatagumpay ba ako sa gagawin ko dito? sana at matapos ko ito.