Third

9 0 0
                                    

Naglalakad pa rin ako hinahanap yung silid na tutuluyan ko.Hindi man lang ako pinasamahan nung Mister na yun alam naman niyang wala akong kaalam alam dito.

Hindi ko alam kung bakit nagtaasan lahat ng balahibo ko alam ko namang mahangin.Nagulat na lamang ako na may katabi na pala ako dito siya yung lalaking nakausap ko kanina.

"Nakakagulat ka naman sulpot ka ng sulpot" galit kong sabi sa kanya kainis kasi kaya pala ako kinalibutan gawa nya.

"Ihahatid kita sa silid mo at sumunod ka sa akin" binaliwala lang nya yung sinabi ko sa kanya kasura talaga itong lalaking ito.

"Alam kong itatanong mong kung bakit wala ditong mga estudyante ay hindi pa nagsisimula ang klase sa kabilang linggo pa" seryosong sabi nya saka wala naman din akong tanong sa kanya.Feeling nya masyadong kaiinis.

Hindi ako umimik sa kanya bahala sya dyan.Tumigil na kami at alam kung ito na ang silid na gagamitin ko saka ako tumingin sa kanya.

"Maiwan na kita rito" sabi nya kala ko aalis na sya pero hindi pa pala at nagulat akong bigla sya lumapit sa akin at parang may ibubulong sa akin.

"why did you came back here Braithe?"  naglakad na sya papalayo sa akin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya kung matutuwa o mababahala dahil may alam siya.Kailangan ko na bang gawin pero hindi pa may tatlong linggo pa ako bago gawin iyon.

Bahala na kailangan kong magpahinga ngayon at bukas ko gagawin kung ano dapat gawin ko.

•••

Naguguluhan at nalilito ang lalaking nakaharap sa isang malaking salamin na kita ang hardin na puno ng mga rosas.

"Paano nalaman at nakapasok ito sa barrier kung wala itong alam kung anong klase ang pinasukan niya" natutuwang sabi niya sa sarili na may halong galit.

Alam ng lalaki na wala ng nakakapasok dito kundi ang mga nakakaalam lamang nito.Depende na lamang kung may sumpa ang makapasok dito o humingi ng tulong sa Kanya.

Kailangan masigurado nito na tama ang kanyang hinala upang malaman nya ang kanyang gagawin rito.

•••

alam kung nandito naman ako sa lugar na ito at alam kung sya ang may gawa nito sa akin.ano naman ba ang sasabihin nya sa akin.

naglakad na ako papunta sa itaas ng bundok na kung saan mo makikita ang napakagandang paraiso ngunit napapalibutan ito ng kadiliman.

nakarating na din ako wala paring binagbabago ito simula nung huling punta ko dito.malinis parin ang lawa napuno ng mga pitas na rosas, maraming mga ibat ibang halaman sa paligid at ang pulang buwan.

"nandito ka na pala,Eu amo isso" nakangising sabi nya sa habang papalapit sa akin.

"ano naman ang kailangan mo sa akin Zereff ? at pinapunta mo pa ako dito" inis na sabi ko sa kanya

"hindi mo ka ba natutuwang makita muli ako,Eu amo isso" hinawakan nya ako sa pisngi ko habang nandun parin ang nakakainis niyang ngisi sa labi.

"wala akong panahon sa mga kadramahan mo ngayon sabihin mo sa akin kung bakit ako nandito" sabay hawi ng kanyang kamay sa mukha ko na kinatuwa pa niya.

"hindi ka naman mabiro.sige sasabihin ko na sayo kailangan ko nagsumama sayo at naiinip na ako dito habang wala ka" naglalakad na kami patungo sa parola habang naguusap kami.

"hindi pa maaari kailangan mo pang magintay ng dalawang araw bago sumama sa akin" sabi ko sa kanya

"ayoko ng magintay dito sawang sawa na ako gusto ko ng sumama sayo" pagalit nyang sabi sa akin.naiintindihan ko ang nararamdaman nya sobrang hirap dito kaya gusto nya ng sumama sa akin.

"pangako makakaalis ka na dito at ikaw na mismo ang pupunta sa akin doon ngunit bigyan mo muna ako ng oras upang maghanda" hinawakan ko ang kamay niya at alam kung malapit na makakalabas din sya dito.

lumapit sya sa akin kaya lumayo ako sa kanya ngunit bumulong sya sa akin na nagpatinding ng balahibo ko saka siya naglaho bago ako halikan sa labi.

"kapag nakalabas ako dito makikita mo na ang ayaw mong ipakita sa iba kaya maghanda ka, Braithe"

Nagising ako bigla sa sinabi niya at biglang kinabahan.

Bumangon na ako at nagayos na.Kailangan ko makaisip ng paraan upang hindi niya malaman ang plano ko.Alam ko kung ano ang tinutukoy ng headmaster sa akin at hnada akong ipakita sa kanya.

Sino ba namang tanga ang papasok dito na hindi alam ang pinasukan nya saka nakalagay na sa pangalan ng paaralan ito ang tinutukoy nya' Winx Academy of Magic' na word magic does it make sense diba.

Aware ako dito pati sa sarili ko dahil alam kong meron saking kakaiba.Bata pa lamang ako meron na hindi ko ito pinapaalam sa tiyahin dahil alam kung sasabihan niya lang ako ng baliw.Kailangan ko lang maghanda sa mga mangyayari.

Si Zereff lang ang nagbigay ng nito sa akin at pinaliwanang nya lahat sa akin simula una hanggang dulo kung bakit ako meron nito at gamitin.

Isa ito sa mga mahiking nakalimutan na dahil sa sumpang nakalagay dito ngunit marami rin ang naghahanap nito nagustong mapasakamay nila.

Isa itong Death Magic nakayang patayin lahat ng mahika at buhayin ang napatay na.

Kaya dapat magingat ako ipalabas ang  kapangyarihin iti at kailangan kong gumawa ng ibang kapangyarihan na malakas.

Maraming nagagawa ang  Death Magic na hindi nagagawa ng lahat kaya ito gusto ng lahat.Wala dapat akong pagkatiwalan kundi ang sarili ko lamang.

Kailangan kong magpanggap bilang isang witch ang kapangyarihan ito lang ang paraan upang magtagumpay ako sa misyon ko.

Meron pa akong isang araw para ipakita sa kanya ang gusto niyang makita at pagkatapos nito ay magbabago na ang lahat sa mga kamay ko.

Forsaken MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon