Yung pakiramdam na, kapag nakikita kita,
nasasaktan ako.
Dumadating sa punto na sana ibang tao nalang ako.
Yung panahon na hindi dapat kita kilala.
Yung panahon na ako lang, tas masaya na.
Kasi ngayon...
Ayoko na sa pangalan mo.
Ayoko ng makita yang pagmumukha mo.
Ni ayoko na ring marinig yang malambing na tinig mo,
O kahit iyang titig mo at bawat titik ng pangalan mo.
higit sa lahat...Ayoko na ng alaala mo.