...
"Palayain mo na ako mahal,"
Alam kong tulog ka na, kaya naman kaya ko ng sabihin ang mga salitang yan,
Hindi dahil, hindi na kita mahal... pero pakiramdam ko may nagbago na... hindi sayo kundi sakin...
Oo plastik ako nung sinabi ko na mahal kita, dahil una palang naman hindi na.
Masasaktan ka? syempre Oo, kasi alam ko minahal mo ko ng totoo, pero bumalik na kasi sya Mahal,
Yung tunay kong mahal...
Pero baket nung nabasa ko yung huli mong mensahe, baket masaket ? baket mabigat yung dibdib ko at parang gusto ng sumabog?
Nakita mo pala kame? Hindi ba talaga kita nakita o nagbulag-bulagan ako kasi kasama ko sya?
Masaya ba talaga ako? Eh baket nalulungkot ako ngayon? Sh*t !
gusto kong magreply pa sa chat mo, pero ang bilis mo, na-block mo kaagad ako.********** ********* is SINGLE
Ngayon malinaw na,
Malaya na nga ako sayo.
Pero hindi sa ala-alang binigay mo.Calling Bhie😍
"Wala na kayo?"
"Oo,"
"masaket?"
"Oo...usap tayo bukas, tapusin na din natin yung satin"End Call.