Mga Titik Ng Dahilan

7 0 0
                                    

A..-AYOKO NA

Di ko kailangan magpanggap.
Pero baket ko ginagawa?

Di ko kailangan magtago.
Pero baket hindi ko hinahayaan na magkita tayo?

Di ako dapat umiiwas.
Pero baket ako pa yung nahihiya?

Sa kwentong to ako naman yung talunan,
Pero baket parang ikaw yung pinasakitan?

"Miss na kita"
"Magkita tayo"
"San ka ngaun?"

TAMA NA ! UTANG NA LOOB! NAHIHIRAPAN AKO LALO NA KALIMUTAN KA EH.

AYOKO NA, AYOKO NA SAYO.
AYOKO NA NASAKTAN MO NA AKO.
AYOKO NA, IIYAK NA NAMAN AKO.
AYOKO NA... AYOKO NA NG IKAW AT TSAKA AKO.

--
A.B.-BAKET ? BASTA BAHALA NA.

Pero baket sa kabila ng pananakit mo ay bahala pa rin ang sagot ko?

baket di ko kayang panindigan yung AYOKO NA.

baket sa lahat ng baket ko may baket ka rin.
baket may salitang basta.
baket may bahala na.

dapat AYOKO NA.
dapat AYAWAN NA.

di naman ako yung unang umayaw di ba ?
di naman ako yung bumitaw sa pangako nya.

pero baket umaasa pa rin ako.
na ako pag sinuyo mo,
basta, bahala na ang magiging sagot.

----
A.B.C. -CHOICES

Seen.

Ang sakit pala ano?
kapag yung taong pinili kang mahalin ay sinaktan mo ay iba na ang pagpipilian ngaun.

marami ka namang mga pagpipilian noon, pero ako pa rin yung pinili mo
baket ngayon na ako lang yung pipiliin di mo ko mapili ?

gago talaga ako noh ? pagkatapos ng ginawa ko talagang umaasa pa rin ako na babalikan mo ko. ako pa rin yung pipiliin mo.

tarantado ko ano ?
nung mahal mo ko, may mahal akong iba
nung mahal na kita, di mo na ko kilala.

"Dahilan, saan at kailan"

--

A.B.C.D.- DESISYON

Nakapag desisyon na ako.
handa na kong harapin ang takot ko.

hindi ako ang dapat mawalan ng loob.
ikaw na syang nanakit ang dapat mahiya.

ito na ang gusto kong huli.

HAHARAP AKO SA TAKOT.
HAHARAP AKO SAYO NG KAYA KO AT SAKA NGINGITI.

DESISYON, para sayo at para sa sarili ko.

hindi para sa iba.
hindi para sa kanya.

"NGAYON, sa lugar kung nasaan ka kasama ng iyong pamilya."

---

Mga Tula Ni HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon