Chapter 29: Car Crash

7.2K 130 16
                                    

Chapter 29: Car Crash

KAISER'S POV

Ilang taon na rin ang nakakalipas, nasanay na rin ako sa takbo ng buhay ko. Aral sa umaga, trabaho sa gabi. Lahat na yata ng klase ng trabaho napasukan ko. Mula sa pagiging waiter, delivery boy, staff, clerk, maging part time server din sa Salma Corporation lahat na napasukan ko, kinaya ko ang lahat kahit itakwil pa kami ng mga kamag-anak sa side ni Mama.

FLASHBACK

Mayaman ang family ni Mama na siya ring naging dahilan nang pagtutol nila na pakasalan si Papa kaya ang nangyari, sila'y nagtanan at bumuo ng pamilya. Masaya kami noon, simpleng buhay at puno ng pangarap. Panganay ako sa tatlong magkakapatid, sinundan ako ng dalawang babae. Siguro kung may natira mang may malasakit na kamag-anak sa side ni Mama, masasabi ko ay ang kapatid niyang si Uncle Al lang na halos sabay na rin kami lumaki.

Highschool graduating student ako nun. Pauwi na ako sa bahay nang nakasalubong ko na lang ang kapitbahay namin at sinabing umalis ang Mama papuntang presinto dahil inaresto daw si Papa. Gulat na gulat ako at sobrang nag-alala sa nangyari kaya hindi ko na nagawang magbihis at sumugod ako agad sa presinto.

"Papa! A-anong nangyare? B-bakit nila kayo inaresto?" nakaposas ang magkaparehong kamay ni Papa at panay ang iling dahil paulit-ulit niyang sinasabi na hindi niya nagawa ang ibinibintang sa kanya.

"Hindi ako ang nakapatay sa babaeng yan! Maniwala kayo sa'kin Wala akong kinalaman diyan! Pamilyadong tao ako at hindi ko magagawa ang ibinibintang niyo!" kausap siya ng inspector. Inaresto rin ang limang kalalakihan na nandito ngayon.

"Tatang, ang gasgas na bahagi sa unahan ng minamaneho niyong truck ay tumutugma sa pinsalang nakita sa katawan ng biktima."

"Sinungaling siya! Inipit niya yung babae sa pagkakabunggo sa kotse ko!"sabi ng isa sa limang inaresto.

"Tama na ang paliwanag tatang, bukod sa reckless imprudence resulting to murder hintayin niyo pang susunod na kasong isasampa sa'yo ng pamilya ng biniktima mo. Ikulong na yan."

"Papa! Hindi totoo yang binibintang niyo! Papa!"

"Anak, Karina! Wala akong kasalan maniwala kayo sa'kin!" sigaw ni Papa.

"Sige na misis, humanap na lang kayo ng abogado niyo." sabi ng hepe.

Sa tulong ng mga kamag-anak ni Papa, nakahingi kami ng tulong sa public attorney. Ang pamilya ng babaeng namatay ay naghain pa ng kaso kay Papa. Naniniwala ako na inosente si Papa, mabuti siyang ama, hindi niya magagawang magsinungaling sa batas. Pero sa mundo ng maitim na pulitika, ang tama ay nagiging mali at ang mali ay naitatama. Naging guilty ang hatol. Ang limang inaresto ay pawang anak ng mga makakapangyarihang congressman. Halos naubos na ang ipinundar naming pamilya mula nang inihain sa korte ang kaso. Bakit ganito ang batas sa Pilipinas? Nasaan ang pantay na karapatan?

Hinatulan si Papa ng 17-20 taong pagkakailanggo. Halos gumuho ang buhay namin noon. Ni hindi tumulong ang family sa side ni Mama. Mga wala talaga silang pakialam. Hanggang sa nagkasakit si Mama sa sobrang pag-aalala sa sinapit ni Papa, huli na nang malaman namin na nasa stage 3 na ang cancer ni Mama sa kidney. Pakiramdam ko, pinagkaisahan ako ng panahon. Pati mismo ang nag-iisa kong kakampi sa side ni Mama na si Uncle Al ay naging malayo ang loob sa amin mula ng makulong si Papa. Akala ko mabuti siyang kaibigan at Uncle, pare-pareho lang sila ng mga kamag-anak ni Mama.

Namatay si Mama at hanggang ngayon pinagbabayaran pa rin ni Papa ang kasalanang hindi naman niya ginawa. Ang limang lalake na yun ang siya dapat nakulong! Mga mamatay tao sila! Nang dahil sa bangkay ng babaeng yun, nagkamalas-malas na ang pesteng buhay ko. Lahat ng taong may kinalaman sa Chanel Cruz na yan ay siya rin dapat mamatay! Mas pinagdiinan pa nila ang kaso kay Papa, anong alam nila sa totoong nangyari? Mga wala silang kwenta!

HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon