Chapter 41: World of Anime
“Nom, come on wake up! Damn! She’s still unconscous!” Naririnig ko ang boses ni Damon at pag-ugong ng chopper. Nasan ako? Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
“Damon..” muka nya ang nakita ko.
“God, thank heavens! You’re awake!” niyakap ako ni Damon. Naramdaman ko pa rin ang kirot sa likod ko. Ang natatandaan ko, pinaputukan kami ng injectibles ng mga nakamaskarang yun kaya nawalan kami ng malay. Isa marahil yung tranqulizer.
“Damon, where is Khalil? Where are we? What happen?”
“Everything’s okay! He still lying unconscious right there! You have to get rested as we keep flying!” Sigaw ni Damon. Maingay kasi sa loob. Nasa backseat kami. Si Salma ang nagpapalipad ng chopper at nandun din sa unahan si Ivo. Nandito rin pala siya. Kung hindi siguro sila dumating ay marahil dinukot na kami pareho ni Khalil.
_____________
Mag-uumaga na at tumigil na rin ang malakas na pagbuhos ng ulan. Sinalubong kami nila Stephan at Kirsten sa helipad ng Collins Hotel. Agad nagpatawag ng ambulance para isugod si Khalil sa hospital.
“I’ll take care of him! I’ll call George for this matter! Take care Nom!” paalam ni Kirsten sa akin. Hindi na ako sumama pang magpahospital.
“Kung nagpahinga ka na lang sa ospital at hindi na sumama sa kanya hindi yan mangyayari sayo! Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan!” Galit na sabi ni Ivo. Ugh.. Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya. Ano bang pakealam nya! Ni wala naman talaga siyang pakealam saken kung may mangyaring masama saken sa school! Ano bang malay namin na susugurin kami sa beachhouse?! Fvck him! He’s an idiot! Hindi nya alam ang sinasabi nya!
“Oh, so utang na loob ko pa sayo? Kaya ko na ang sarili ko nun kaya ako sumama sa kanya! Sino ba makapagsasabi na aatakihin kami dun!” Itinulak ko yung dibdib nya at galit na galit akong sinagot siya!
“Ang sabihin mo, nawawala ka na sa konsentrasyon kapag kasama siya, baka nakakalimutan mo na kaya bumalik ng Pinas ay dahil sa misyon mo! Pinipilit mong ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya na alam mo naman sa sarili mong hindi mo kayang higitan si Chanel!”Nasampal ko siya sa sinabi nya. Anong karapatan niyang sabihin sakin to? Ako na ang nagbubulag-bulagan. Ni hindi nya alam kung gaano kasakit ang pakiramdam na yun. Ang isama ka sa lugar na araw ng anniversary nila. Ang halikan ka niya sa pag-aakalang ako siya, ang tingnan ka sa mga mata pero iba ang nakikita niya. Wala yung kasing-sakit.
“Wala kang alam! Sana pala hindi ka na sumamang sunduin kami! Bakit ka pa kasi nandito?! Kung ganyan ka rin lang, magkanya-kanya na tayo Ivo! Hindi ko kailangan ng tulong mo!”
“Fine! Yun naman yung gustong-gusto mo eh! Magpakasaya kayong dalawa!” Tiim-bagang niyang sabi. Nakakatakot ang mga mata niyang nakatingin sakin. Inilabas din nya ang totoong kulay nya!
“Ivo!!” Awat nilaSalma. Tumalikod na ito at marahas na umalis.
“Umalis ka na! Wala kang kwenta!” Galit na galit kong sabi. Napalingon siya.
“Tatandaan ko yang sinabi mo! Pakatatandaan ko yan.” Ang sama ng tingin nyang tumalikod samin at umalis. Ganung-ganon ang ugali nyang ipanakita sakin nung mga panahong pinagtangkaan nya akong patayin sa Ford Mansion.Nagpasama na lang ako kay Salma na magpalagay sa private doctor ng hotel nila ng bandage sa likod ko.
“What really happened Nom? Tell me.”Salma.
“We arrived in a beachhouse, we’re supposed to be back home but heavy downpour got us stuck. It was a dinner time when 6 masked men attacked us. I had no idea who were they! They’re going to kill us! Or maybe kidnap us after we’re both injected! Everything’s terrible! I’m just thankful you saved us! If you hadn’t come they might have killed us!” niyakap ko si Salma.
BINABASA MO ANG
Huntress
ActionFormer mafia-involved Huntress seeks vengeance after the mysterious death of her sister. She got a lead. No, she's got 5 names to be exact.