Chapter 42: Devil's Breath

6.2K 96 29
                                    

Chapter 42: Devil's Breath

“Nana!!” napahinto yung naka-Khorne warrior. Dumating si Ivo! Isinangga nya ang weapon ng character nya. Shit! Muntik na’ko dun! Sila naman ngayon ang nagtuos! I hurriedly jumped off1Muntik na akong mahulog! Nagbiblink pa ang ilaw. Nasipa nya sa dibdib si Ivo! Ako naman ang aatakihin nya! Shit! Ang lakas nya! Natisod ako sa division sa sahig at napadapa. Namatay ang ilaw! Tatamaan ako ng double-sided giant ax niya! Ugh! I need to take off my clothes kung hindi sasabog sa katawan ko ang tiny bomb na idinikit ng hayop na si Kauro!

“Nana!” Sigaw ni Ivo. Fcvk! Pagapang akong tumakbo! Pero wala akong narinig na tunog ng pagtama. Bumalik muli ang ilaw at nawala na siya.

KAISER’S POV

Namatay ang ilaw! Ang baliktad na tatsulok na nagliwanag sa batok niya! Hindi ako makapaniwala! Nagkataon lang ba ito? Iyon ang palatandaan na siyang nagpiyansa kay papa! Ginawa ba talaga ni Nana yun kung ang papa ko ang itinuturong na suspek sa pagkamatay ng kapatid nya? Bakit hindi siya nagpakilala? Nang may pagkakataon pa ay agad akong nagkubli. Kung kelan yun na ang pagkakataon na makakaganti na sana ako sa kanya! Nagpalit agad ako ng costume upang hindi mapagsuspetsahan. Bihira lang ang pagkakataon na meron ang isang tao ng glowing tattoo na yun. Hindi talaga ako makapaniwala na si Nana ang taong yun.

NANA’S POV

Bumalik ulit ang liwanag sa dulong bahagi ng yacht. In just a blink of an eye the Khone Warrior disappeared! Naihubad ko na ang pinakahuling bahagi ng costume ko and throw off the sea! Crap! It finally exploded and crashed into tiny pieces! Ang hayop na si Kauro! Thank heavens! Naka-beige tube ako underneath and black cycling shorts.

“Okay ka lang Nom? Nasaktan ka ba?” Nanggaling sa malayo si Ivo papunta sakin, mukang sinundan nya yung lalake na bigla na lang naglaho. Bumagay nga sa kanya ang character ni Takumi Uzui from Kaichou Wa Maid Sama. Spike long blonde hair matched with black outfit na may malaking kapa, sa inner nito ay kulay gray. Hinubad ko na yung white wig ko at itinapon na rin sa dagat yun. My gorgeous cosplay outfit has ruined!

“Okay lang. Kagagawan ni Kauro yun kung bakit dapat kong hubarin ang costume. Dumating siya dito kanina at sinugod ako! At yung isa pang umatake sakin ay hindi ko kilala!” Awkwardness ang namamagitan samin. Akala ko tinotoo nya huling masasakit na salitang nasabi ko sa kanya. Hindi kami magkatinginan sa mata habang nag-uusap.

“Anong ginawa nya sayo? Sinaktan ka na naman ba ng hayop na yun?! Napapadalas na ang pag-atake sayo! Hindi ko na naabutan ang isa pang sumugod sayo.” Hinubad niya yung itim nyang kapa. Ang seryoso nya. Ilang  weeks na kaming ganito at mas pinalala pa nung nagkasagutan kami 3 days ago. Hindi ako komportable.

“Isuot mo muna. Lalamigin ka nyan.” Ang lamig ng tono nya. Ipinatong nya sa balikat ko ang kapa nya, malaki to sa akin pero napawi nito ang ginaw. Ang tapang ng perfume nya. Pareho kaming napatingin sa dagat habang nakahawak sa handrails. Ang ganda pagmasdan sa malayo ang city of lights then nagrereflect pa ang liwanag nito sa dagat.

“Nom.” Ang tagal ko rin narinig ang pagtawag nya ng pangalan ko. Our eyes are drifting off to the far away tiny lights.

“Hindi, hindi naman nya ako gaanong nasaktan. Nagulat lang ako sa pagsugod nya.” Naalala ko yung itim na panali ng buhok. Alam kong sa kanya yun nang maalala ko yung chamomile scent. At nalaman ko sa senior nurse ng school na sya yung lalaking naghatid sakin nung time na nawalan ako ng malay. Walang binanggit si Ivo na ginawa nya yun sa pag-aakalang si Khalil lang ang nagmalasakit sakin. Akala ko wala na talaga siyang pakealam sakin. Masyado akong na-bother sa masasakit kong nasabi sa kanya. Nalaman ko pang palihim pala niyang inaalam din ang tungkol sa pumatay kay Ate Chanel. D@mn! I won’t be a liar admitting that I really missed him! Hindi dahil sa mga nagawa niya para sakin but he as a person, who really is, his presence, his existence..

HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon