Prologue

4 1 0
                                    

"hi mom! what time are you going to be home?" excited niyang tanong sa kanyang ina.

Nagpunta ang kanyang mga magulang sa Davao upang asikasuhin ang kanilang hacienda. Gustuhin man nyang sumama ngunit hindi maaari dahil graduating na sya sa taong ito at hindi sya maaaring lumiban ng dalawang linggo kung kaya naman napilitan na lang siyang hintayin ang mga ito.

"hija we're arriving tomorrow at 8am. Susunduin mo pa ba kami or diretso na kami sa bahay?" tanong ng kanyang ina.

"No way mom! Susunduin namin kayo! I think before 7:30am nasa airport na kami ni tita Gina"

"ok sweetie! be sure to be there ok!"

"yes mom I will! take care! luvyah!"

"love you too sweetie be careful! take care of yourself ! no matter what happen mommy will always be here for you."

Nagtataka man siya sa sinabi ng ina pinilit na lamang niya pasayahin ang kanyang tinig.

"love you more mom miss you too! tell dad I love him too! miss you both."

"ok! honey I need to hang up already, It's getting late, we need to wake up early because we're leaving first thing in the morning. Good night Princess I love you! sweet dreams."

"good night mom dream of me! (haha) love you! have a safe flight."

Pagbaba niya ng kanyang cellphone napagpasyahan niya munang bumaba upang uminom ng tubig ngunit bago pa siya makarating ng kusina narinig niya ang boses ng kanyang tiyahin ngunit hindi na niya ito pinansin. Tumuloy na lang siya sa fridge at uminom ngunit ng ilalagay na niya sa sink ang baso ay bigla na lang itong nadulas sa kanyang kamay. Dali dali niya itong nilinisan at pagkatapos ay dirediretso ng pumanhik sa kanyang silid.

Hindi niya namalayan na may nakasunod pala sa kanya.

"Bridge what happened?" tanong ng kanyang tiyahin.

"nothing tita, dala na lang siguro ng kaantukan kaya nabitawan ko yung baso." pagsisinungaling nya.

"ganun ba? ok matulog ka na kasi maaga pa tayo pupunta ng airport para sunduin ang parents mo."

"good night tita!"

"good night Bridge."

Hindi masyadong nakatulog si Bridgette matapos umalis ng kanyang tiyahin malakas ang kabog ng kanyang dibdib at parang pinagpapawisan siya ng malamig. Pinilit na lamang niyang makatulog at inisip na susunduin pa nya ang kanyang magulang bukas kaya naman nakatulog na rin siya.

Habang kumakain siya ng agahan ay nakita niyang pumasok ang kanilang guwardiya.

"Ms. Bridgette hinahanap po nila si Ma'am Gina."

"bakit daw po manong?"

"hindi ko rin po alam Ms. Bridgette ang sabi po nila mga taga NBI daw sila at kailangang-kailangan daw nilang makausap si Ma'am Gina."

"ok sige po manong ipahatid nyo na lang sila kay yaya Boni."

"sige po balik na po ako sa labas."

"sige po salamat manong."

Sinundan na lamang niya ng tingin ang yaya niya at mga taga NBI papunta sa opisina ng kanyang tiyahin. Pero out of curiosity sinundan niya ang mga ito ngunit hindi niya inaasahan ang balitang ihahatid ng mga ito sa kanila.

"Anong sadya ninyo at anung maipaglilingkod ko sa inyo? Nagmamadali pa kami dahil may naghihintay sa amin sa airport."

"ayun na nga ho ang dahilan ng pagpunta namin dito madam."

Hindi niya namalayan na sa sobrang kaba nakapasok na pala siya sa loob ng opisina.

"ang eroplanong kinalulunanan ng kapatid ninyo at asawa nito na galing sa Davao ay nagcrash at lumanding sa dagat. Wala pong nakaligtas sa ngayon ngunit hindi pa rin tumitigil ang aming rescue team sa paghahanap kung kaya naman napagdesisyunan ng airline na ipagbigay alam na sa mga kapamilya ng mga biktima."

Para siyang napako sa kanyang kinatatayuan hindi niya alam kung anung gagawin nag-uunahan na sa pagpatak ang kanyang mga luha.

"hindi maaari!" sigaw nya at pagkatapos ay bigla niyang naagaw ang atensyon ng mga ito.

"B-bridgette!" gulat ang tita niya na napatingin sa kanya. Hindi niya mabasa ang ekapresyon nito.

"tita! nag-usap pa kami ni mommy kagabi pano mangyayari yun?" paghihisterya niya.

"hija hindi pa natin sigurado kung hindi nga nakaligtas ang mga magulang mo! Remember magaling lumangoy ang parents mo sa kanila mo nga namana iyon hindi ba?"

"Im sorry madam pero shark-infested ang naturang bahagi na kinabagsakan ng eroplano. Pero wag pa po kayo mawalan ng pag-asa malay niyo milagrong nakaligtas ang mga ito." singit ng isa sa taga NBI.

"This isn't happening tita! Buhay pa ang parents ko ang saya-saya pa namin kagabi ni mommy habang magkausap kami." Napahinto siya bigla sa sinabi at naalala ang sinabi ng kanyang ina.

"no matter what happen mommy will always be here for you."

"no matter what happen mommy will always be here for you."

"no matter what happen mommy will always be here for you!"

paulit-ulit na naririnig niya ang boses ng kanyang ina.

"NOooooooooooooooo!!!!!!!!

Nailibing ng maayos ang kanyang magulang sa tulong na rin ng kanyang Tita Gina. Ito ang nagasikaso ng lahat na kailangan gawin, lagi itong nasa likuran niya at handang umalo sa kanya.

Kinabukasan binisita sila ng abogado ng kanyang ama kung saan binasa ang last will and testament nito. Nakasaad dito na ang lahat ng ari-arian ng mga ito ay mapupunta sa kanya at sa tita Gina naman niya mapupunta ang commercial building nila sa Eastwood.

Ngunit bago pa man ito matapos ay sinabi nitong ibinilin ng kanyang ama na mawala man ang mga ito ng wala pa siya sa tamang edad ang tita Gina muna niya ang mamamahala lahat ng ari-arian na namana niya at mapapasakamay lamang niya ito sa edad na 21.

"tita paano na ako? sino na mag-aalaga sa akin?"

"don't worry hija I will always be here for you."

Tinignan niya ang kanyang tita Gina. Naisip niyang okay lang iyon dahil ito na lang din ang natitirang kamag-anak niya dito sa Pilipinas. Marami na rin itong nagawang mabuti para sa kanya at matagal na rin nila itong kasama. Puro kabutihan din ang pinapakita nito sa kanya. Malaki ang tiwala ng kanyang magulang dito at alam niyang hindi siya pababayaan nito.

"thank you tita! kung wala ka paano na lang kaya ako?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I ❤️ YOU SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon