dani's
"Sa tapat nalang po ng gate manong."
Agad kong isinukbit ang bag ko sa balikat at bumaba ng taxi. Ang lapit lang pala nitong smr university sa bahay namin tapos nag taxi pa 'ko.
Hays Dani ang engot mo, uso kasi mag google maps or di kaya tanungin si kuya diba?
Inilibot ko ang paningin sa university na nasa harap ko. In fairness ang laki—nung school hehe. Plano ko pa sanang tumanga run sa labas nang makita kong pasara na 'yong gate.
hALA PUTAKTE
Dali-dali akong tumakbo papasok at muntik pa 'kong sumubsob pero okay naman, nakapasok naman ako. Sinamaan pa 'ko ng tingin nung guard pero wala 'kong pakialam.
Ang daming taong nakakalat sa campus. Kinakabahan tuloy ako. Ayaw ko kasi talaga sa crowded places.
I decided na pumunta nalang sa admin para makuha ko na 'yong schedule ko. Maghahanap pa kasi ng classrooms. Ang hassle tuloy, bakit ba kasi hindi ako sumama kay kuya nung ni-enroll niya ko?
"Good morning," bati ko run sa babae sa kabilang side nung glass. Basta 'yong glass na nakaharang tapos may butas na bilog.
"Uhm, kukuha po ng schedule," dagdag ko sabay ngiting awkard.
"Ah, transferee?"
"Yes po."
"Name niyo po ma'am?"
"Danielle Seo."
Nag type siya ng kung ano run sa computer at ilang sandali pa ay may ini-abot siya sa'kin na envelope. Nasa loob nun 'yong schedule ko at isang susi na sa tingin ko ay locker key?
Nagpasalamat ako at aalis na sana nang bigla siyang nagsalita ulit.
"Ah, wait lang miss!" tawag niya, "Since transferee ka, may naka-assign na mag tour sayo rito sa school para less hassle sa paghahanap ng classrooms."
"Ay wao bongga naman po pala here," bulong ko pero narinig niya yata kaya napa-giggle siya. In fairness maganda si cyst.
"Saglit lang ah, tatawag lang ako sa student council room."
"Sige lang po take your time."
Hinayaan ko lang siya magbutingting sa telephone or whatever na ginagawa niya. I glanced at my schedule habang hinihintay siya.
I saw na 5 ang pinaka late ko na uwi. Nakakapanibago, sa dati ko kasing school sa states super late na talaga ang uwian namin, mga 8 ganon. Share ko lang ulit.
I was about to put the schedule pabalik sa envelope nang narinig kong nagbanggit 'yong babae sa admin ng isang pangalang hindi ko inakalang maririnig ko rito.
"Yes, magkagrade level naman sila nitong transferee, please send Na Jaemin here."
___

BINABASA MO ANG
beautiful | jaemin
Conto❝ i keep trying to forget how you were beautiful. ❞ ˗ˏˋ jaemin x reader ˎˊ˗ [ epistolary & narration ]