"Berto Let's go" ani ni mommy sa driver namin. Her eyes filled with tears while glancing at the window in the passenger seat.
Gusto ko tanungin kung bakit sya umiiyak kasi mas sanay akong nakikitang masaya si mommy. Tinignan ko si nanay Myrna nang may pagtatanong sa mga mata.
"Nanay Myrna?" I whisper while my lips are trembling. We're on the backseat. She just look at me with pity and then hug me tight.
Habang nasa byahe Iyak ng iyak lang si mommy habang si nanay Myrna naman yinayakap ako ng mahigpit para hindi ko makita ang paghihirap ni mommy.
Pagkagarahe ng sinasakyan namin biglang bumaba si mommy at tinawag si nanay Myrna."Nanay Myrna pakiakyat na lang si Tanya sa kwarto nya" sabi ni mommy. Kinuha na ng mga katulong ang gamit sa sasakyan pati ang bag ni mommy. Aangal pa sana ako para kausapin sana si mommy kaso bigla na lang akong hinatak ni nanay Myrna sa taas.
"Mang Berto asan ba talaga si Rafael?" naghehesteriyang tanong ni mommy kay mang berto habang hinahatak ako ni nanay Myrna. Yun na lang ang huli kong narining sa usapan nila hanggang nakarating kami sa kwarto ko. Pinaupo kaagad ako ni nanay Myrna sa kama at tinabihan.
"Nanay Myrna why mommy's crying?" nanginginig ang labi ko habang nakitingin sa kanya.
"Tanya baby malungkot lang si mommy kaya s'ya umiiiyak diba ganun din naman ako pagnamimiss ko yung anak ko sa probinsya?" pagkukumbinsi sakin ni nanay Myrna.
"She will be ok right?" nakapoute kong tanong.
"Syempre naman Tanya" nakangiti nyang tanong habang minamasahe ang likod ko.Bigla kaming nakarinig ng malakas na ingay galing sa baba at malakas na sigaw galing kay Mommy. Biglang napatayo si nanay Myrna dahil sa gulat.
"Nanay Myrna sa'n ka pupunta?" natatakot kong tanong .
"Huwag kang aalis dito Tanya titignan ko lang kung anong nangyayari sa baba" hirap na hirap na sabi nya.Bigla na lang s'yang bumaba at sinarado ang pinto hindi ako mapakali sa mga sigawang naririnig ko mula sa baba. Bumaba ako sa kama at nanginginig na binuksan ang pinto.
Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang rinig na rinig ko ang mga halinghing ni mommy. Nakita ko si nanay Myrna sa pinakataas na hagdanan na tahimik na umiiyak habang nakitingin sa baba ng hagdan. Nanginginig ang mga paang tumakbo ako papunta sakanya."Tanya bat' ka lumabas?" kinakabahang bulong sakin ni nanay Myrna habang pulang-pula na ang mata dahil sa pag-iyak.
Nabaling ang tingin namin sa malakas na sigaw ni mommy. "Anong bang kailangan n'yo sa asawa ko? Hindi na sya umuuwi dito sa bahay maniwala naman kayo!" may pagmamakaawa sa tinig nya.
Pagkatingin ko sa babang hagdanan nandun si mommy nakaluhod at magkalapat ang dalawang palad habang nagmamakaawa.Ang tindi ng kabog ng puso ko at parang luluwa na sa sobrang kaba.
"Sabihin mo na kung nasaan ang asawa mo Ms. Sanchez dahil napakalaki ng utang nya sa boss namin hindi mo magugustuhan ang gagawin namin pagpinatagal mo pato!" may pagbirong sabi ng isang lalaki na hindi abot ng paningin ko.
"Ms. Sanchez kailangan namin ng impormasyon kung nasaan ang asawa mo dahil Kami ang malalagot kay boss" malambing na sabi pa ng isang lalaki.
Hindi ko alam kung ilan sila pero nararamdaman ko na marami sila dahil sa mga yabag ng paa.
Laking gulat ko ng biglang may tumutok na baril sa noo ni mommy na nagpatigil ng kanyang hininga. Wala s'yang ibang ginawa kundi ang walang tigil na pagluha habang nakatingin sa lalaki.Bigla akong napahakbang upang tulungan si mommy sa mga monsters pero agad akong nahila ni nanay Myrna.
Napatingin si mommy sa amin ni nanay Myrna at kita sa mukha nya ang gulat. Puno ng awa at takot habang nakitingin s'ya mga mata ko.

YOU ARE READING
He's My Life
RomanceHe may not be the one who can change my life but he gave me reasons to continue this fucking life -- Tanya Sanchez.