Kabanata 1

21 1 0
                                    

"Mommy! 'Wag ! Mommy!" nakaramdam ako ng malakas na pag uga sa katawan na s'yang nagpabukas sa mata ko.

"Tanya Tanya Ok ka lang?" Bumungad sakin ang mga mata ni tatay Berto na puno ng pag-aalala.

"Tatay Berto napaniginipan ko po si mommy pinatay daw po s'ya ng mga Monsters!" malakas na sigaw ko kay tatay Berto punong-puno ng luha ang mata ko at ang sakit-sakit ng buong katawan.

"Tanya makinig ka hindi panaginip yun mga nangyari kanina. Totoo yun" sabay daloy na mga luha ni tatay Berto sa mga mata nya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko at parang namanhid ang buo kong katawan. Napatulala ako kay tatay Berto at hindi napigilang umiyak ng umiyak.

Hindi

Hindi yun totoo

Patuloy kong inaalala lahat ng nangyari kung saan kitang-kita ko kung paano pinatay si nanay Myrna at Mommy. Hindi ko alam kung pano ako nakaalis dun pero ito ako ngayon kasama si tatay Berto.

Nang mahimasmasan ako dahil narin sa mga magagandang salita mula kay tatay Berto para pagaanin ang loob ko muli kong nilibot ang aking paningin. Nasa sasakyan pala kami at maliwanag na.

"Tay Berto saan po tayo pupunta?" nagtataka kong tanong.

"Iuuwi muna kita sa probinsya namin Tanya kailangan kita itago at ilayo dito  hindi pa nila nahahanap ang ama mo nandun yung asawa ko at mga kamag-anak n'ya pwede ka muna naming alagaan dun" diretso ang tingin ni tatay Berto sa harap ng daan habang nagmamaneho.

"Tay Berto nasan po ba si Daddy? I'm scared they might also kill him" Umiiyak kong sabi habang pinupunasan ang mga luha.

"Shhh Tanya ako na ang bahala magpahinga ka muna nagugutom kaba?" sabay tigil ng sasakyan sa may gilid at baling sakin.

"Hindi po" binaling ko na lang ang aking mga mata sa labas ng bintana. Hindi ko gusto matulog baka mapanaginipan ko na naman ang mga nangyari wala rin akong ganang kumain parang ayaw na gumana ng mga bahagi ng katawan ko.

Bigla akong nahimasmasan nang madaanan na namin ang madamong lugar na punong-puno ng mais. Napatingin ako sa bahagi ni tatay Berto at kita ko ang mga kulay berdeng lugar na may mga hayop. Ngayon lang ako nakakita nento.

"Tay asan na po tayo?" nagtatakang tanong ko habang tinititigan ang mga hayop. May nakita akong mga bata na naglalaro sa putikan at masayang nagbabatuhan ng putik. Bumaling ako kay tatay Berto.

"Nandito tayo sa Probinsya namin Tanya tara baba na tayo alam ko gutom na gutom kana" naunang bumaba si tatay Berto at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkababa ko napansin kong may pasa s'ya sa bandang kaliwa ng mukha nya at madumi rin ang suot. Hindi ko napansin ito knina dahil wala ako sa sarili.

Dumiretso s'ya sa bandang likod ng sasakyan at may kinuha. Nilabas n'ya ang pink Hello Kitty kong bag na halatang punong-puno ang laman dahil halos masira na ang zipper sa dami.

"Ahhhh nagdala ako ng onting damit galing sa drawer mo at mga kailangan mo pero wala na akong oras kunin yung mga gadgets mo" nahihiyang paliwanag ni tatay Berto.

"Salamat po" pilit kong ngiti kay tatay Berto. Nagpapasalamat ako at pinalaki akong malapit sa mga kasambahay at driver namin kaya parang sila na rin ang tinuturi kong pangalawang magulang. Pag busy sa trabaho si mommy at daddy sila ang lagi kong kasama at kausap pagnalulungkot ako.

Inalalayan ako ni tatay Berto sa isang malaking bahay na gawa sa kawayan at tuyong dahon na hindi ko alam kung ano.
May bumungad sa aming dalawang mag-asawang matanda at mga batang kalalabas lang para salubungin kami.

He's My LifeWhere stories live. Discover now