"Ang tagal naman" nayayamot kong sabi. Nandito ako sa napakalaki nilang sala at tahimik lang na nakaupo.
Inikot ko ang aking paningin, namangha ako sa napakalaki nilang chandelier mas malaki kaysa samin. Puno nang nagniningning na bato na nagbibigay ng napakagandang liwanag sa buong sala.Sa bandang kanan ko naman ay ang napakalaki nilang flatscreen TV na nakapatong sa isang malaking malaantigong kwadrado na gawa sa kahoy.
Tumayo ako at tinignan ang aking repleksyon mula sa telebisyon. Suot ko parin ang bestidang pasalubong sakin ni mommy nung galing sila nang Singapore para sa meeting nila with investors. May desenyo ito ng paborito kong cartoon character na si hello kitty. Naalala ko dati nagtampo pa ako sa kanya dahil puro desenyong barbie ang binibili n'ya sakin imbes na hello kitty, ayaw na ayaw daw n'ya kasi yon. Ngunit nang umiyak ako dahil ayaw nila ako isama pinangako ni mommy na simula nung araw na yun na bibilhan n'ya nako ng mga gamit na may hello kitty na desenyo. Alam n'ya talaga kung ano ang nagpapasaya sakin kahit sa maliit na bagay lang.
"Mommy" mahinang bulong ko sa sarili at napahawak ng mahigpit sa aking bistida.
Nakarinig ako ng mahinang yabag na mga paa mula sa taas. Na baling ang paningin ko sa taas ng hagdan. Wala sa sariling bumababa ang isang bata ngunit ng napako ang paningin sa mga mata ko, nagmadali s'yang bumaba papunta sakin.
"Hey what's wrong why are you crying?" nag-aalalang tanong ng batang lalaki. Hahawakan n'ya sana ang mukha ko pero iniiwas ko yun sa kanya.
Kinapa ko ang aking mukha at may naramdamang basa. Hindi ko namalayang napaluha na pala ako. Ibinalik ko ang paningin sa kanya at hindi parin nagbabago ang emosyon sa mga mata n'ya puno parin ng pag-aalala.
"A-ano nagugutom na kasi ako" pagdadahilan ko. Huli na nang maisip ko na nakakahiya ang lumabas sa labi ko.
Ngumiti ang batang lalaki at tumalikod sakin. Talikuran ba naman ako. Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at bago pa lumapat ang pang-upo ko ay syang pagtawag nya sakin. Napatingin ako sa kanya ng naguguluhan. Kita din sa mga mata nya ang pagtataka sa ginagawa ko.
"Hey! What now? akala ko ba nagugutom ka?" tanong nya.
"O-Oo nga" nag-aalangan kong sagot at sabay tayo ng tuwid.
"follow me" tango nya sakin sabay ngiti ng katamis tamis.Nakanguso lang ako ng makarating kami sa kusina. May napakahabang lamesa sa gitna at kung susumahin pang dose katao ang pwede umupo. Umupo sya sa pinakadulong kanan at umupo naman ako sa harap nya. Habang naglalagay ang mga kasambahay ng pagkain sa hapag napansin kong pinagmamasdan ako ng bata. Ngumiti sya ng nahuli ko sya.
"What's your name?" tanong nya. Mukhang palakaibigan ang isang to kaysa dun sa isa nyang kapatid.
"Tanya" nakangiti ko ring sagot.
"Ako si Isaac" sabay lahad nya sakin ng kamay. Nung una nagdadalawang isip pako pero tinanggap ko rin sa huli.Sabay kaming napabitaw sa isa't isa nang may biglang may pumasok. Napatingin sa amin yung supladong bata at nag-iwas ng tingin samin na parang walang pakialam sa nangyayari. Napaikot na lang ang mata ko sa kawalan.
"He's my brother khenjie" ani ni Isaac. Sinundan namin ang galaw ng kapatid nya na khenjie daw ang pangalan. Parang wala lang kami sa paligid nya at dire-diretsong umupo sa tabi ni Isaac.
Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Mga tunog lang ng kutsara at plato ang bumabasag sa katahimikan. Naparami ako ng kain dahil kagabi pa pala ako walang kain. Napakarami naman nang inihain ng mga kasambahay parang may fiesta lang.
Nasa kalagitnaan kami ng katahimikan ng pumasok ang mag-asawa at tatay Berto sa bulwagan.
"Sige Berto ako na mismo ang kakausap sa kanya" nakangiting sabi ng babae kay tatay Berto.
"Oh! nandito na pala ang mga bata tara sabayan na natin sila" gulat na sabi ng lalaki ng makita kami. Naglakad sila palapit sa amin. Umupo ang lalaki sa pinakadulo sa pagitan namin ni Isaac at umupo naman ang babae sa tabi ni Khenjie samantalang si tatay Berto ay sa tabi ko umupo.
Nakangiting bumaling sakin si tatay berto at ginulo ang aking buhok. Pilit na ngumiti ako sa kanya bago tinuloy ang pagkain.
Puro kamustahan ang naging topic sa hapagkainan. Bored na bored ako sa usapan nila kaya kahit tapos na ako kumain hindi parin ako umalis sa kinauupuan ko. Halos mapatalon ako nang may naramdaman akong humaplos sa paa ko. Inilibot ko ang aking paningin sa kanila. Si tatay berto ay busy sa pakikipag-usap sa mag-asawa. Si Isaac naman parang may sariling mundo habang kumakain. Nabaling ang aking paningin kay khenjie. He smirk!! nanliliit ang mata kong tinitigan sya.
Inusog ko paurong ang inuupuan ko.
"Ok ka lang?" tanong ni tatay Berto. Nasa akin narin ang atensyon ng lahat dahil sa pagpansin sakin ni Tatay Berto."Mukhang may kumagat po yatang PAPANSING lamok sa paa ko" nakapout kong sabi pero may diin at sabay tingin kay khenjie. Nagulat sya sa pagbawi ko kaya nag-iwas sya ng tingin.
Ngumiti ako sa kanilang lahat. Pinagpatuloy nila ang pagkain at usapan.
Habang palabas kami ng kusina minuwestra ako ni tatay Berto sa babae. Nagtataka ang dalawang magkapatid sa nangyayari maski ako wala ring alam. Bumaling ako kay tatay berto at tumango sya bilang pagsang-ayon nya at parang sinasabing -sige sumama ka-."Halika Tanya kakausapin lang kita" malambing na sabi ng babae.
Dinala nya ako paakyat sa hagdan. At pinapasok sa pangalawa mula sa dulong kwarto. Dumiretso ako sa kama at doon umupo. Lumuhod sya sa harap ko at hinawakan ang mukha ko.
"Tanya kinuwento saming mag-asawa ni Berto yung nangyari sa inyo sa Maynila" tinitimbang nya ang emosyon ko dahil puno ng pag-iingat habang sinasabi nya yun.
Nangilid agad ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Bumabalik ang mga ala-ala nung gabing puno ng takot at sakit. Umusbong ang galit ko sa mga taong yun. Bakit nila ginawa yun? bakit kailangan nilang patayin si mommy at nanay Myrna?
"Alam ko masakit parin sayo pero sana maintindihan mo ang plano namin ni tatay Berto mo" inalis nya ang mga luha ko sa mukha at inayos ang buhok ko.
"Ano pong plano?" nagtatakong kong tanong habang nahikbi .
"A-Aampunin ka namin ni tito Rodrigo mo nang sa ganun mabago ang epilyido mo para hindi ka mahanap ng mga pumatay sa mommy mo" nahihirapan nyang sabi.
Napatigil ako sa paghikbi at napatitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nya.
"Ayaw mo ba yon? may bago ka nang mommy?" nakikiusap na sabi nya.
Biglang nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya. Bagong mommy? ganun na ba kadaling palitan si mommy? ano sa tingin nya ang sinasabi nya?
"Hindi! walang sino man ang makakapalit kay mommy!" malakas kong sigaw sa mukha nya.
Nagulat cya nang tinulak ko sya at tumakbo ako paalis doon. Wala akong paki kung lahat sila ay napatingin sakin mula sa sala pagbaba ko ng hagdan. Dire-diretso akong tumakbo ng mabilis palabas ng bulwagan. Walang pakialam sa pagtawag nila sa akin. Ayoko. Ayoko dito gusto ko bumalik sa amin.
Patuloy na tumutulo ang aking luha habang tumatakbo sa madilim na lugar. Tinatangay ng hangin aking buhok at pinapanalangin na sana pati sakit ng puso ay tangayin na rin. Hindi ko kayang kalimutan at palitan si mommy. Nahihirapan nako huminga dahil sa pag-iyak pero patuloy parin ako sa pagtakbo makaalis lang sa kanila.
Si tatay Berto na syang pinagkatiwalaan ng mga magulang ko ay ganito na lang ako kadaling ipamigay sa hindi ko kilalang tao. Napagod na ba syang alagaan ako? nagsawa na ba syang ilayo ako sa mga monster na yun?
Naramdaman ko ang patak mula sa langit hanggang sa lumakas ito ngunit hindi ko yon alintana dahil mas gusto kong makaalis dito.Hindi ko alam kung ilang minuto na ako tumatakbo ng walang tigil pero nang makita ko ang fountain na nagsasabing malapit nako makalabas ay sya namang pagkadapa ko sa maputik na daan . Nanghihinang umiiyak ako habang pinipilit na tumayo. Hindi ko na kaya mommy !!! ang sakit. ang sakit sakit. Hindi ko na alam ang lahat ng nangyari ng bigla akong nanghina at pagdilim ng paligid.

YOU ARE READING
He's My Life
RomanceHe may not be the one who can change my life but he gave me reasons to continue this fucking life -- Tanya Sanchez.