.L.
(Dedic note ni CF)
Ganito ko siya nakilala. Buti na lang, alam na alam ko pa.
***
Abril 2012.
Ito yung mga panahon na bagong salta lang ako sa isang website na kinagigilawan ng mga kabataan .. partikular na ang mga kababaihan. Nangangapa pa 'ko ng tunay sa site na 'to, at hindi ko pa alam ang lahat ng pasikut - sikot.
Sa sobrang desperada ko kasing mahanap ang profile ni peach_xvision, ginoogle ko siya at dyaran .. lumabas 'tong site na isa sa kinabibilangan ko ngayon. Nabasa ko sa mga resulta na .. na ipost niya doon yung isang istorya na una kong nabasa .. in formatted and coloured fonts pa.
Kung anu - ano ang pinagpipipindot ko. Nandoon lang kasi ako lagi noong una sa homepage. Hanggang sa makuha ng atensyon ko yung isang parte ng site na 'yon. Isang pindot. At doon, nakita ko na dyaran .. ang daming istorya.
Hindi ko naman alam kung paanong mababasa yung mga istoryang 'yun. Bobo at mangmang pa kasi ako noong mga panahong 'yun. At tunay na naduduling yung mata ko sa kulay pink. Kesa tuluyang mabulag, ibinabalik ko na lang yung tab doon sa homepage.
Lumipas ang mga araw.
Dati, hindi ko pa alam na pwede mo palang makita kung sino yung 'online' doon sa site na 'yon. Isang beses, sinaniban ata ako nang masamang espiritu at naisipan kong pindutin yung lugar na 'yon. Presto! Nakita ko yung activity ng ilang myembro.
.L. - viewing the topic AFGITMOLFM ~ Want soft copy?!
Ito yung unang - una kong nakita. Natuwa ako pagkabasa ko nito. Bakit? Isipin niyo na lang ha. Kakaiba yung username niya pati na rin yung binabasa niyang istorya. Naisip ko tuloy, parang ang hilig naman niya sa letra.
Hanggang sa napagdesisyunan ko siyang isama sa mga 'buddy list' ko.
Ewan ko ba, dala na rin siguro ng kainosentehan, add lang ako ng add ng mga online noong mga panahong 'yun. Hindi ko pa kasi alam ang kalakaran sa site na 'yon. Malay ko ba kung parang Facebook ang peg niya?! E di para magkaroon ng maraming friends, add lang ng add.
Tapos, pinadalhan ko siya ng pribadong mensahe, dahil siya yung unang - una doon sa listahan ng mga online. Tiningnan ko rin yung profile niya at napansin kong ang kewl noong avatar niya. GIF e. Halu - halo yung picture. Merong saging. Merong mga letra lang. Merong si L ng deathnote. Meron ding siya. Ang ganda niya.
Ganito yung sinabi ko sa kanya dati e ... Ibinase ko kasi doon sa komento ng ibang tao ukol sa kanya.
"Hi miss L. Inadd po kita sa buddy list ko. Balita ko magaganda po stories mo. ehehehe. Keep it up po. aun. sorry FC."
E di ko naman sukat akalain na sasagot siya.
"ay nako po wag po kayo nagpapaniwala sa mga chismis.. hahahaha. salamat salamat oks lang maging FC walang fc fc sken haha."
O___o - Ganitong - ganito 'yung expresyon ng mukha ko pagkabasa sa sagot niya.
Tapos hindi ko na alam ang isasagot ko. Kinalaunan, napagdesisyunan kong 'wag na lang sumagot dahil sobrang nahihiya talaga 'ko sa kanya.
Isang beses, tiningnan ko yung binabasa niyang istorya.
Hanap dito, hanap doon. Syet. Hindi ko makita, di ko mahanap. =___=
E meron naman pala kasing 'search' button.
Ako naman si gaga, tinipa ko doon sa bar yung pamagat ng binabasa niyang istorya na nakita ko dati. Pero takte lang.