A/N : That's my peg for Uno, that cute guy in the gif. :)
*****************************
I've always thought life is like gravity that keeps dragging me down.
Hahaha, joke. Sinabi ko lang iyon para makuha ang atensyon mo. Eto na iyong totoong opening quote ko: May isang journalist na nagsabi na 'Astronomers, like burglars and jazz musicians, operate best at night.'
Ako, si Juan Lorenzo Siquia ay hindi burglar, di ko type ang jazz music at wish ko lang maging astronomer, pero somehow, totoo ito sa akin. Mas creative ako kapag gabi, kagaya ngayon.
Itinuon ko ang atensyon sa tinatapos kong pinakabagong project at saka ngumiti pagkakita sa final result.
Hah! Ang genius ko talaga!
"Wow, 'yan na ba 'yung napundi nating light bulb kanina?" tanong ni 'To Luc. Yes, parang yung nasa tainga ng taong di marunong gumamit ng cotton buds, pero short for Tito Lucas talaga iyon. Siya ang pinakabata sa tatlong magkakapatid na lalaki na nagpalaki sa akin.
Bunsong kapatid nila ang nanay ko na namatay limang araw pagkapanganak sa akin. Dahil ulilang lubos na sila at nasa tiyan pa lang ako nung naaksidente ang tatay ko at namatay, ang mga titos kong sina Rogelio ('To Yo), Paquito ('To Paq) at Lucas ('To Luc) ang kumupkop sa akin.
"Ang galing ah, nagawa mong kandila," sabi ni 'To.
Ngumiti ako sabay suklay papalis sa bangs kong medyo humarang sa mata ko; pigil ang sariling magyabang. "Nabasa ko lang po ito sa net, 'To. Ginaya ko lang." Siyempre kaunting pa-humble. Kakahiya naman nang kaunti; kung makangiti kasi si Tito, akala mo, gamot para sa cancer o kaya sagot sa giyera sa Israel ang naimbento ko.
"Iba talaga itong pamangkin ko. Guwaping na, artistic pa."
Lumapad ang ngiti ko. Ay, korek ka diyan, Tito.
Malaking tulong talaga sa pride ko na naa-appreciate ng pamilya ko ang mga katangian ko. Sa school kasi, 'uncool' at 'weirdo' ang tawag sa akin. Loser, sa madaling salita.
"Kaya lang, Uno, gabi na. Baka naman sumakit ulit ang ulo mo sa ginagawa mong ganyan? Saka baka lalong lumabo ang mga mata mo."
Napasulyap ako sa wallclock sa isang panig ng dingding. 10:12 pm ang oras doon. Hindi pa talaga late kung iyong normal na oras ng pagtulog ko ang pagbabasehan. Pero sa isip kasi yata ni Tito, forever nang seven years old lang ako, imbis na sixteen. At naa-appreciate ko ang concern niya.
"Okay na po, 'To. Ililigpit ko na lang ito 'tapos, pahinga na." Sinimulan ko nang damputin ang mga kalat ko.
"Sige, manonood muna ako ng balita, habang hinihintay 'yung tiyuhin mong babaero," tukoy niya kay 'To Paq na sales manager sa isang malaking car company. Madalas iyong mag-bar at yes, mambabae. 'Paq Boy' nga tawag doon ng mga kapatid niya, katunog ng opinion nila para sa kanya.
Ang Tito 'Yo ko naman, pag-gy-gym ang paboritong hobby. Magkasosyo siya at si Tito Luc sa electronics servicing shop na naroon lang din sa tapat ng bahay namin.
Sa tatlo, sa bunsong si 'To Luc ang medyo kahawig ko ng hilig—magkumpuni ng kung anu-ano, manood/magbasa ng kahit anong nakakatawa, saka kumain.
Pero may isa pa 'kong hilig na hindi ko pa masabi sa mga tiyuhin na siyang gusto ko sanang i-pursue. Iyon nga lang, alam ko kasing eksakto lang ang kita nila para sa mga pangangailangan namin. Hindi nila kakayaning pag-aralin ako ng kursong gusto ko lalo pa't ngayong Disyembre ay nagpaplano nang magpakasal si 'To Yo at ang girlfriend niya of seven years, na susundan ng 'To Luc sa susunod na taon.
BINABASA MO ANG
The Planets Between Us
Teen FictionThey were worlds apart. Si Uno---na kung minsan ay parang 90-year-old kung mag-isip---ay tila singularity sa daigdig ng mga average na 16-year-olds. Si Julia, sikat man sa makeup tutorials niya sa YouTube, ay may mga sikretong hindi kakayaning itago...