A/N: Just sharing the video of Stone Martin from The X Factor. He's my visual peg for Uno Syquia. :)
********
"Jonerys for the win!" bulalas ni Evs. Senyales iyon na tinatapos na niya ang debate namin tungkol sa magiging ending ng 'A Song of Ice and Fire' ni George RR Martin.
Evelyn Macario ang buo niyang pangalan at kaibigan ko siya mula pa noong Grade 9 kami. Pareho kami ng interes at parehong uncool (sa standards ng mabababaw kong classmates) at usual easy targets ng mga bullies kaya nagkasundo kami. May mga books at TV shows kaming binasa at pinanood na dahil lang sa impluwensya ng isa't isa.
Siya at ako ang bumubuo sa 'The Antisocial Social Climbers' Club.' Joke. Walang pangalan ang barkada namin, masyadong mainstream ang group names. Duh.
Inigkas ko ang ulo ko para umayos ang bangs ko. "Feeling mo magaling ka na niyan?" supladong sabi ko, di matanggap na mas may sense ang argument niya.
Nang-iinis na nginisihan niya lang ako.
"Samahan mo na pala ako sa library, doon ka na lang din gumawa ng assignment. Pero merienda muna tayo sa canteen, nagrereklamo na 'yung mga bulate ko sa tiyan."
"Wala akong perang pang-merienda," angal ni Evs na di na ko na bilang kung ilang beses na niyang sinabi. Tindera ng gulay sa palengke ang mama niya at isang regular office employee ang tatay, tapos pangalawa siya sa limang magkakapatid, expected nang hindi kakasya sa kanila ang kinikita ng parents niya.
"Sige na, ililibre kita." Binigyan naman ako ng ekstrang allowance ni 'To Paq anyway. I-share ko na sa kaisa-isang nagtitiyaga sa company ko dito sa campus, di ba? "Banana cue lang, ah. Bahala ka sa drinks mo."
Ngumiti siya sa akin; iyong tipong nakaisa. "Thank you, par. Saka na bayad, ah. Pag yumaman na—"
"Shut up. S'abi nang ayoko nang madaldal." Kaswal na isinampay ko ang isang braso ko sa balikat niya. Dahil hanggang balikat ko lang siya, napaka-convenient niyon para sa akin. Minsan nga ginagawa ko na ring desk yung ulo niya at pinapatungan ng siko, ng notebook kung nagsusulat ako... na siyempre ikabubuwisit niya.... na ikinakatuwa ko naman. Masarap siyang inisin eh.
Kaya kong sabihin sa 'yo nang derecho sa mata na wala iyong malisya. Pure platonic ang relasyon namin. Cute si Evs, sure. Mukha siyang anghel sa kainosentehan niya—iyong 'anghel' na tinatapakan ni San Miguel sa bote ng Ginebra. Hehe, joke! Wag ninyo akong isumbong at baka makatikim ako ng uppercut!
Seriously, magandang pagmasdan ang mukha ni Evs kahit ni hindi yata siya nagpupulbo man lang. Pero parang lalaki rin siya kaya paano ako papasukan ng malisya? Lalo na sa uniform niya, baggy at shapeless! Pati mga suot niyang shirts at pants kapag wash day, pulos panlalaki. Mga pinagkaliitan daw kasi iyon ng mga pinsan niyang puro barako.
Mabait siya, masayahin, hindi masyadong studious pero pumapasa naman. Kung hindi lang ito palaban kapag ginalit, baka hindi na siya tinigilan ever ng mga bullies sa school. Pero takot na sila ngayon sa BFF ko, di gaya dati. Hindi halata dahil mukha siyang lampa sa payat niya, pero nakipagbasagan siya ng mukha sa isang bully noon na kumuha ng bag niya at itinapon sa cr ng mga lalaki. Putok ang nguso ng walang-magawa at walahiyang bully. Mula noon, hindi na siya pinakikialaman ng mga bullies, pinagtatawanan na lang secretly.
To me, Evs is like a red dwarf star. Most common among stars, hindi ganoon kakinang, pero mas mahaba ang lifespan. Mas madaming maiilawan.
...Aaand ayan na naman ang pilit na astronomy references ko, sorry na.
Ganadong-ganado ako sa pagnguya ng merienda ko nang parang biglang natahimik ang canteen. Pati si Evs ay napahinto sa pagnguya at napatuon ang tingin sa entrance.
BINABASA MO ANG
The Planets Between Us
Fiksi RemajaThey were worlds apart. Si Uno---na kung minsan ay parang 90-year-old kung mag-isip---ay tila singularity sa daigdig ng mga average na 16-year-olds. Si Julia, sikat man sa makeup tutorials niya sa YouTube, ay may mga sikretong hindi kakayaning itago...