After a few days....
<Kamyl's POV>
Hindi ako pumasok ngayong araw kasi nasa hospital ako, nakaramdam kasi ako ng hilo at pagsusuka....
Pumasok si mommy sa room kung nasaan ako..
Umiiyak si mommy, hindi ko alam kung bakit kaya tinanong ko siya,..
Kamyl: Ma? Bakit ka po umiiyak?
Mom: Anak, nakuha ko na yung resulta :<
Kamyl: Bakit po? Anong meron?
Mom: May cancer ka nak, ngayon lang lumabas at ngayon lang kumalat
Kamyl: Ha? Ano po? Cancer? Di po ba kayo nagloloko? *Naluluhang tanong ko*
Mom: Hindi nak, bilang na ang araw mo =((
Grabe naman, masyado pa akong bata, bakit ganon? Nagkacancer ako =(
<John's POV>
Bakit kaya absent si Kamyl? Ano kaya ang nangyari sa kanya? Okay lang kaya siya? Sana oo, sana pumasok na siya. Bakit ganon? Hindi lang siya pumasok ngayong araw eh namiss ko kaagad siya. Sa tuwing magkasama kami ni Angel eh si Kamyl padin ang nasa isip ko. Maraming wala si Angel na nakita ko kay Kamyl, Sana talaga pumasok na siya =(
Kinabukasan...
<Kamyl's POV>
Yes! Nakapasok na din ako sa school pero hindi ko magawang maging masaya dahil sa aking nalaman. Tinawag ko ang bestfriend ko na si Ysa.
Kamyl: Best, pwede ba kitang makausap saglit?
Ysa: Oh sige best, doon tayo sa may table.
Kamyl: Sige, tara.
Ysa: Oh, ano na? Bakit ka nga pala absent?
Kamyl: Yon nga ang sasabihin ko sayo, ako kasi ay galing hospital.
Ysa: Hospital? Bakit? Sino may sakit?
Kamyl: Ako.....
Ysa: Ano ang sakit mo best? o.O
Kamyl: Cancer.... =(
Ysa: Ha? Ano? Alam na ba ni John yan/
Kamyl: Hindi best, wag mo sasabihin, please. Ayokong malaman niya ito, wala naman siya pakialam eh, may Angel na siya.
Ysa: Anong wala? Eh bakit ka pa pumasok nga?
Kamyl: Gusto ko pa kasi kayo makasama, kasi ang sabi, kahit anong oras, araw o buwan, pwede na akong mamatay =(
Ysa: Whhhhhhaaaaaaaaaaat!!!!!? Hindi to pwede best, masyado ka pang bata ah.
Kamyl: Basta....
Nakita namin si Alex na nasa kabilang table lang, narinig niya yata yung aming pinaguusapan sa lakas nang boses namin, Shet, baka sabihin niya kay John, hindi to pwede.
Nang biglang tumayo si Alex at napatingin sa akin. Umalis na siya, sana talaga hindi niya narinig......
<John's POV>
Ayoooooooon! Pumasok si Kamyl, ang saya ko naman. Lalapitan ko sana siya nang biglang pumunta siya kay Ysa, si Ysa ang bestfriend ni Kamyl. Pumunta sila doon sa table at naguusap, ano kaya ang pinaguusapan nila, siguro malalim kasi napatak pareho ang luha nila. Ano kaya ang meron? o.O...
Pupunta sana ako kila Kamyl at Ysa para itanong kung anong meron nang biglang lumapit sa akin si Alex.....
Alex: Bro *Sabay hawak sa aking balikat*
John: Ano yon?
Alex: Wala lang, ingatan mo si Kamyl ha?
John: Bakit?
Alex: Basta, malalaman mo din balang araw o kaya itanong mo nalang sa kanya.
John: Ha? Ikaw na, sabihin mo na.
Alex: Hindi pwede, mas maganda kung sa kanya mo malalaman *Sabay alis*
Ano kayang meron? o.O May mabigat bang problema si Kamyl? o.O
![](https://img.wattpad.com/cover/1714142-288-k8ae321.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Never Dies
RomanceIto ay tungkol sa dalawang taong may gusto sa isa't isa, alam na nang lahat maliban sa kanilang dalawa =) Love Never Dies BY: Cristine Sunga