So Do I - Chapter 3

269 6 0
                                    

--FLASHBACK--Daniel's POV

First year high school ako nun, first day of classes and daming new students kasama na dun si Lexi. Parang na- love at first sight na ako sa kanya kasi pagpasok niya palang ng pinto ay di na mawala ang tingin ko sa kanya. At mas lalo pa nung dun siya umupo sa tabi ko.

*awkward silence*

Di ko na pinalampas ang pagkakataon kaya..

"Hi!" Abot langit ang ngiti ko nung binati ko siya

"I'm Daniel, and you are?" I offered a handshake

"Hello Daniel, I'm Lexi!" Nakangiti niyang sabi at nakipag handshake siya sakin

Grabe ang ganda niya at natulala ako sa mukha niya at di makabitaw sa handshake

"Ahh matagal ka na ba dito sa St. Louis?" Tanong niya. Bumitaw na siya sa handshake at ngumiti sakin. Her smile is my favorite, Haay.

"uhh, oo! Simula nursery nandito na ko, ikaw new student ka diba? San ka galing?"

"Oo. I moved here from Manila. I'm from Miriam College"

Wow sosyal pala to! "Ahh bakit kayo lumipat dito?"

"I flew here for my dad. My mom left me.." Biglang nawala yung ngiti ni Lexi at napalitan ng lungkot.

"Lexi sorry di ko naman-"

"It's okay Daniel wala ka naman kasalanan ayos lang yun no" Ngumiti na naman siya sakin nang nakakatunaw. Nginitian ko rin siya.

"Ahhh Lexi gusto mo sabay tayo mag lunch mamaya?"

"Sige ba, eh ikaw palang naman ang kakilala ko dito kaya sige sabay tayo"

Dun nagsimula ang pagakaibigan namin ni Lexi at dun din nagsimula ang pagmamahal ko sa kanya. Araw-araw kami ang magkasama, nagsasabihan ng sikreto, lagi kami sabay mag-aral. Lahat ng bagay kami ang magkasama. Kaya ayun nga nahulog na ako. Tinago ko lang ito hanggang sa matapos ang school year. Tandang tanda ko pa ang date March 16, 2011. Ang araw na umamin ako sa tunay na nararamdaman ko kay Lexi.

March 16, 2011

Eto na! Ang araw na pinakahihintay ko.

I left a note inside her locker: Lexi let's meet at the park later. 4pm sharp!- D

Handang-handa na ako! Nagpagwapo lang sandali at pumunta na ko sa park.

After an hour dumating na si Lexi.

"DANIEL!!"

"Hi Lexi! Naks! Himala ata di ka na na-late ngayon. Hahaha!"

"Naman! Natakot kasi ako dun sa 4pm sharp mo! Bakit mo ba ako pinapunta dito pwede namang sa school nalang din tayo nagkita."

"Ahh wala lang. Para maiba naman. May sasabihin lang ako sa'yo"

"What's that Daniel?"

"Lexi, mahal mo ba ako?"

"Oo naman!"

"Talaga?"

"Oo, mahal kita kasi kaibigan kita, Daniel!"

"Eh yung mahal na hindi pang kaibigan? Yung mahal na mahal talaga?"

"Haaa?! Anong ibig mong sabihin, Daniel?"

"Lexi, mahal kita! Mahal na mahal!"

"Pero, Daniel bakit? Bakit ako?"

"Eh ganun eh, ikaw ang laman ng puso ko. Sana ganun ka rin."

"Daniel, sorry pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo."

Di ko na napigil ang luha ko at naiyak na ko sa harap ni Lexi. "Umasa ako Lexi, umasa ako na sasabihin mo sakin ngayon na mahal mo rin ako"

"Sorry Daniel.."

Di ko na kinaya kaya tumakbo na ko palayo. Ang sakit.

Pagtapos nun nagkailangan na kami ni Lexi...End of friendship.

---END OF FLASHBACK---

Dumaan ang mga araw, buwan at isang taon di na kami nagpansinan ni Lexi. Masakit pa rin pag naaalala ko yun. I have moved on but I don't know if I can love again...

So Do I (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon