Kathryn's POV
Nakaupo lang kami ni Daniel sa bench sa labas ng room ni kuya nang may biglang nagsalita...
"Princess.."
Kilalang kilala ko yung boses na yun..
Pagtingin ko tama nga....si daddy..
Tiningnan ko lang siya at tumakbo na ako palayo..
Sinundan ako ni Daniel.
"Uy Kath! Bakit ka tumakbo? Kilala mo ba yung lalaki dun?" Daniel
"Oo Daniel! Daddy namin yun." Kathryn
"Oh kilala mo pala eh bakit mo tinakbuhan? Anong problema?" Daniel
"Daniel, hindi lang ganun kadali yun! Ayoko sa kanya! Ayoko na siya makausap! Ayoko na siya makita!" Kathryn
"Kath, pero bakit?" Daniel
"Iniwan niya kami! Iniwan niya kami para sa ibang babae! Wala na nga si mommy pati ba naman siya. Ang sama sama niya! Ni hindi man lang akuhang dumalaw o mangamusta. Wala na yung pakialam samin. Di ko nga alam kung anong ginagawa niyan ngayon dito eh" Kathryn
"Pero Kath siya parin ang daddy mo, daddy niyo. Kahit pagbalibaliktarin mo siya pa rin. I think your dad deserves a second chance" Daniel
"Lika Daniel samahan mo ko, kakausapin ko ang daddy ko" Kathryn
Pumunta na ulit kami ni Daniel dun sa labas ng room ni kuya...nakaupo si daddy dun sa bench..
Tumingin siya samin...
"Princess.." Daddy
Lumapit siya at niyakap ako..pero di ko siya niyakap pabalik.
Umalis muna si Daniel para makapag-usap kami ni daddy..
"Kamusta ka na princess?" Daddy
Hindi ako tumitingin sa kanya..
"3 years, 3 years! Bakit ka pa bumalik? Okay na kami oh. Di ka na namin kailangan!" Kathryn
Naiiyak na ako di ako makatingin sa kanya..
A part of me hates him but a bigger part of me wants him back..
"Princess, sorry" Daddy
"Princess, Princess. Tigilan niyo na po yan. Nung umalis kayo araw-araw akong naghintay na babalik kayo. Araw araw akong umasang dadating kayo. Pero araw araw din akong nasasaktan. Araw araw akong nabibigo." Kathryn
Di ko na napigilan at naiyak na ako..
Hindi nagsasalita si daddy...
"Alam niyo nung iniwan niyo kami nagkanda gulo-gulo na lahat. Birthday, Pasko, New Year, pag may activities sa school wala kayo. Sana naman kahit text o tumawag nagawa niyo.” Kathryn
“Sana ngayon magawa niyong tanggapin ako ulit. Sana patawarin niyo na ako. Hindi ko na kayo iiwan..” Daddy
Hindi iiwan. Hindi iiwan. Sawang sawa na akong marinig yan.
“Bakit iniwan na ba kayo nung babae niyo kaya bumalik kayo ngayon? Don’t give us false hopes again. Sana bago kayo umalis inisip niyo yan.” Kathryn
Umalis na ako at iniwan ko na si daddy. Alam ko mali yung nagawa ko pero kaialngan ko lang talaga mailabas lahat.
Tumakbo na ako palayo at nakita ko si Daniel...niyakap ko siya at umiyak lang..
"Kath..wag ka na umiyak" Daniel
"Daniel, Kath anong nangyari dito?" Yaya Vicky
"Dumating po yung daddy ni Kath, nag-usap po sila tapos ito na po" Daniel
"Kath, nak. Bakit anong nangyari?" Yaya Vicky
"Y-yaya nasagot ko po si daddy. Sorry po pero nilabas ko lang po lahat." Kathryn
"Oh tahan na. Naiintindihan kita. Alam ko hindi madali pero sana bigyan mo naman ng second chance ang daddy mo. Halika puntahan natin siya" Yaya Vicky
"Ayoko po yaya. Kailangan ko po muna mag-isip isip. Okay lang po ba?" Kathryn
"O sige kung yan ang gusto mo. Daniel paki samahan nalang ang alaga ko ha" Yaya
"Sige po ako na po ang bahala" Daniel
Daniel's POV
Naiwan na kami ni Kath dito buti nalang tumigil na din siya sa pag-iyak pero kailangan niya daw ng time mag-isip isip...
"Ah Kath gusto mo ba ng time mapag-isa?" Daniel
"Hindi Daniel. Pwede ba kita makausap?" Kathryn
"O sige" Daniel
Umupo kami ni Kath dun sa may bench at nagkwento na siya..
"Alam mo Daniel. 5 years old ako nung namatay mommy namin. Nagpromise si daddy nun na hindi niya kami iiwan...Pero dumaan ang ilang taon nag-iba siya. Parang di ko na siya kilala. Umuuwi ng lasing, laging galit. Tapos isang araw 12 years old na ako nun...bigla nalang siyang umalis. Hndi ko alam kung saan siya pumunta, kung bakit siya umalis...basta araw-araw naghihintay ako na bumalik siya..araw-araw din akong nasasaktan. Araw-araw umaasa ako na babalik siya pero wala. Masakit pala yung ganun, yung umasa sa wala. Sobrang sakit." Kathryn
"Pero Kath nandian na siya oh. Binalikan ka na niya, kayo ng kuya mo." Daniel
"Hindi Daniel. Bumalik lang yan kasi iniwan siya nung akala niyang hindi siya iiwan. Yung babae niya. Ngayon naramdaman na niya kung gaano kasakit yung naramdaman ko, namin ni kuya.." Kathryn
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Kath...
"Kath, alam ko mali yung nagawa ng daddy mo pero sana mapatawad mo siya. Siya pa rin ang daddy niyo. Buti nga kayo may daddy pa marami dian wala na parehong magulang" Daniel
Hindi na sumagot si Kath..sumandal lang siya sa mga balikat ko..
Nang biglang dumating si yaya Vicky
"Kath.." Yaya Vicky
Hindi kumikibo si Kath..
"Kath, sana mapatawad mo ang daddy mo. Alam ko mali yung nagawa niya pero sana bigyan mo siya ng second chance." Yaya
Umalis na si yaya..
"Daniel, masama ba akong anak?" Kathryn
Tumingin ako kay Kathryn..
"Hindi Kath..hindi ka masamang anak." Daniel
"Eh bakit ganun? Hindi ko mapatawad yung daddy ko?" Kathryn
"Dadating din ang panahon na mapapatawad mo siya. Siguro hindi mo pa kaya ngayon pero mangyayari din yun" Daniel
"Thank you Daniel ha. Sorry pati ikaw naabala pa" Kathryn
"Hindi, ayos lang yun. Basta lagi lang akong nandito" Daniel
"Daniel, uwi na tayo" Kathryn
"Hindi ka ba magpapaalam?" Daniel
"Pwede Daniel ikaw nalang pumunta dun tapos paki sabi kay yaya uuwi na ako" Kathryn
"O sige antayin mo ko dian ah" Daniel
Pinuntahan ko na si yaya at nagpaalam na. Pumayag naman siya basta daw samahan ko si Kath..
"Kath halika hatid na kita" Daniel
Tahimik lang si Kath...nung pauwi na kami
"Daniel pwede dito ka muna sa bahay" Kathryn
"Ha?" Daniel
"Sige na. Kailangan ko lang ng makakausap" Kathryn
"O sige" Daniel
Pumasok na kami ni Kathryn sa bahay nila..
-----------------------------------------
ANO KAYANG PAG-UUSAPAN NILA? NEXT CHAPTER!!
Vote and comment please :)
BINABASA MO ANG
So Do I (KathNiel)
Fiksi PenggemarMeet Daniel Cruz pagkatapos masaktan kaya niya pa kayang magmahal ulit? At si Kathryn Ledesma ano nga ba ang istorya sa likod ng kanyang mga ngiti?