So Do I - Chapter 12

146 3 1
                                    

Kathryn's POV

Hinatid na ako nila Miles sa bahay..grabe super enjoy yung lakad namin. Ang saya saya lang..puro tawanan, biruan. Okay lang kahit nakakatakot yung pinanuod namin. Hahaha.

Hindi pa ako pumapasok sa bahay namin..nandito lang ako sa garden sa harap ng bahay. Ito ang favorite spot nila mommy, lagi kaming naglalaro dito..we were a picture of a perfect family back then...

Na miss ko bigla yung mga times na yun..kung maibabalik ko lang sana..

Pumasok na din ako sa bahay..baka maiyak pa ako..

"Yayaa!!!" Kathryn

"Oh..kamusta naman yung lakad niyo?" Yaya

"Ay nako yaya! Yung pinanuod ba naman naming movie super nakakatakot!! Namaos na ako kakasigaw eh" Kathryn

"Saan ka galing?" Kuya Diego

Nagulat naman ako nandito na si kuya Diego...

"Kuya, nanuod kami ng movie nila Miles, Paul and Daniel.." Kathryn

Parang nainis si kuya nung nabanggit ko yung pangalan ni Daniel..

"Bakit ba dikit ka ng dikit sa Daniel na yun ha?" Kuya Diego

"Kuya ano bang problema dun ha? Wala naman siyang ginagawang masama. Mabait na kaibigan si Daniel." Kathryn

"Teka nga! Bakit ba kayo nag-aaway? Ganyan ba kayo nung wala ako ha? Diego bakit ano ba ang problema dun sa kaibigan ni Kath ha at nagkakaganyan ka?" Yaya

"W-wala po yaya. Sorry po. Sorry Kath" Kuya Diego

Di ko pinapansin si kuya...naiinis ako di ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan..

"O sige para matahimik na kayo. Kath gusto ko makilala yang kaibigan mo ha" Yaya

"Ay sige yaya! Bukas papakilala ko siya sayo" Kath

"O kumain na kayo" Yaya

"Ya, wala akong gana." Kuya Diego

"Kumain na po kami yaya eh.." Kathryn

"O sige sige. Magliligpit na ako.. Wag magpupuyat ha" Yaya

Umakyat na ako sa kwarto ko baka mag-away na naman kami ni kuya nito eh..

Tinext ko si Daniel kasi gusto raw siya makilala ni yaya..

Daniel's POV

"Alam mo insan kung babae lang ako sinulat ko na yung nangyari ngayong araw!" Daniel

"Kuya! Wala ka na. Malala na!!" Paul

"Insan naman eh, itutuloy tuloy ko na to gusto ko talaga si Kath.." Daniel

*buzz buzz*

1 text message from Kathryn Ledesma

Kung sineswerte ka nga naman oh!

"Insan!! Speaking of may nagtext!" Daniel

"May nagtext? Sino si Vice Ganda?" Paul

Binato ko si Paul ng unan! Pilosopo talaga eh

"Aray kuya ano ba! Joke lang! Alam ko namang si ate Kath yan eh. Dali na ano sabi?" Paul

"Eh kasi kakana ka na naman eh..wait eto na.." Daniel

Daniel, pwede ka ba bukas? Gusto ka raw makilala ni yaya :)

"Oh my!! Insan!! Ipapakilala niya daw ako sa yaya niya. Magkikita na naman kami!!!" 

"Excited ka naman masyado kuya! Masungit kaya yaya nun.. Hala ka! Hahaha!" Paul

"Ewan ko sa'yo. Matulog ka na nga dian!" Daniel

Nagreply ako kay Kathryn..

Kath, Sige saan ba pati anong oras tayo magkikita?

*buzz buzz*

1 message from Kathryn Ledesma

Text nalang kita kung saan and what time bukas ng umaga. Goodnight Daniel! :)

Nagreply ulit ako..

Sige Kath. See you tomorrow. Goodnight! Sweet dreams. :)

Natulog na ako.. Para gwapo ako pagnagkita kami bukas ni miss ganda..

--------------

Update ulit me tomorrow. =))

Watch kayo The Reunion. Ang ganda!! 

Vote and comment ha! =)

So Do I (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon