Chapter 6
Pillar's P.O.V
"Ano kakanta ka o tutula?" Nakakalokong tanong ko kay unggoy. Hind naman sya sumagot kaya halos mawalan naman sya ng kulay ng mas lalo ko pang idiin ang hawak kong kunai sa kanyang lalamunan ngunit sapat lang para magka sugat sya ng hind ganon kalalim.
"Tsk, kung hind mo lang sana kami sinundan." Iiling-iling na sabi naman ni Trist.
"Yeah right." Tugon din naman ni Laxx habang kumakain ng cotton candy nya. Tsk ngayon pa talaga nya naisip lumamon.
"Tch, malelate na tayo Pill, bilisan mo naman dyan." Malamig na sabi naman ni snowma-este Reem.
"Pasalamat ka talaga at naghahabol kami ng oras! Nakuuu... kundi talaga nabangasan na kita." Puno ng kayabangang saad naman ni Laxx. Hays kahit kailan talaga ang ingay ng bunga-nga ng babaeng to. Buti hind sya nauubusan ng sasabihin, samantalang itong si Reem halos mapanisan na ng laway sa dalas magsalita.
"Oo na sno-este Reem susunod na lang ako sa inyo, mauna na kayo sakin." Wooo muntik pa akong madulas dun ah.
Nagsikilos naman sila at umalis na. Papunta na kami ngayon sa Zaid Academy, nahinto nga lang yung biyahe dahil kay unggoy.
Pinasundan kasi kami ng mga kalaban hanggang dto.Sa ngayon ay hihinto muna kami sa pagta-trabaho sa Hope organization dahil na rin malayo daw yung school namin sabi ni La. Buti nga at makakahabol na rin kami sa pasukan, dahil one week kaming hind nakapasok simula nung unang pasukan. Gusto ko nga sanang huwag nang mag-aral at magtrabaho na lang sa Hope organization, kaya lang ay hind naman ako pinayagan ni La.
Muntik ko na pa lang makalimutan si unggoy. Inasikaso ko na at wala nga pala akong kasamahan rito na aasikaso sa kanya, hapon na rin pala. Umabot pa kami sa huggotan ng kuko dahil lang sa ayaw ni unggoy magsalita. Naku kung nandito lang si Laxxus baka natahi na nya si unggoy sa bibig, ang brutal talaga ng babaeng yun! Buti na lang ako hind, pinugot ko lang naman yung ulo ni unggoy dahil tinatamad ako magtanggal ng lamang loob. Sayang naman kasi yung white t-shirt ko kung malalagyan lang ng madumi nyang dugo di ba?
Pagkatapos ko ay pumasok na ako sa kotse ko at nag drive. Nangunot ang nuo ko ng tingnan ko yung mapa, may nakita kasi akong falls na medyo nasa bandang gitna ng gubat, pero sabi nga ni La ay sundan ko lang kung ano yung nakalagay sa mapa.
Nagpatuloy lang ako, at ng makarating ako ay pumunta ako sa dulo ng falls kung saan nahuhulog ang maraming tubig, nasa 5 feet lang naman ang tubig kaya hind gaanong malalim.Kinuha ko ang cellphone ko na ginawa ni Laxxus, buti na lang at water proof to. Pinindot ko ang isa sa mga buttons na konektado sa maletang ginawa ko, pinalipad ko ito at pinasunod sakin. Ang dilim sa loob kaya pinailaw ko ang flashlight sa gilid ng maleta ko. Hind kaya naligaw dto si Laxx? Tatanga tanga pa naman yung babaeng yun sa directions.
Pagkalipas ng ilang minuto ay narating ko ang dulo ng kweba ng falls. May nakita akong gate na itim na halos lamunin na ng mga lumot, may mga bato rin doong nakadikit na ang pagkakahugis ay letra ng Zaid Academy. Tinulak ko ang kanang bahagi ng gate at dahil dito ay gumawa ito ng malakas na ingay, at kasabay ng pagtulak ko ay ang pagka wala ng tubig sa falls, naging patag din ang lupa at mga batong nasa ilalim nito.
Ang falls kanina ay para na ngayong malawak na daan. Tch pinalipad ko pa maleta ko, nagsayang lang tuloy ako ng battery. Naglakad ako pabalik sa kotse ko at pumasok sa gate, kusang sumara naman ang gate na para bang nadetect na nakapasok na ng buo yung sasakyan ko. Pagharap ko ay panibagong gubat nanaman ang kaharap ko, seriously?
Hayyys basa pa nga pala ako. Buti nalang at heavy tinted tong sasakyan ko. Nagbihis ako sa loob, nagpalit ako ng panloob at ng gray crop top sweater at fitted jogging pants na itim. Dumiretyo lang ako dahil yun lang ang simentadong daan. Lahat ng nakapaligid sakin ay puro damo at puno, minsan ay may mga bulaklak, marami ring hayop na nagkalat, teka lang school ba to o zoo?
Sa di kalayuan ay may natanaw akong parking lot. Wow bakit parking lot yung natanaw ko? Nasaan na yung academy? Putspa naman ohh! Pinarada ko na yung sasakyan at ibinaba ko naman lahat ng gamit ko. Naglakad pa ako ng 10 minutes bago ako may nakitang malaking gawa sa kawayang gate. Teka nga lang, taghirap na ba ngayon at ganyan ang gate ng academy?
Papasok na sana ako ng may nabangga ako, hala sya pano nagkanuno dto?
"Hind ako nuno Miss." Sagot naman ng lalaking hanggang tuhod ko lang ang laki. Masyado na ba akong malakas magsalita sa isip ko at nai-share ko pa sa iba yung laman nito? Naggulat naman ako ng may nagsalita.
"Ahh Miss, anong pangalan mo?" Ngayon ko lang napansin na may hawak pala syang ahhh, father ng pabo? Iba kasi yung kulay ng feather, may hawak rin syang parang scroll na dahon? Seriously parang mali yata yung napasukan kong academy.
"Pillar Phenixe nga pala." Sinagot ko na sya dahil baka mabagot sakin, ang dami naman kasing tanong na gumagala sa utak ko.
"Pumasok ka na Miss Phenixe." Pagkasabi nya non ay tinatakan nya ako sa kanang kamay ng bilog? Wait what? Bakit may ganito pa? Sa loob ng bilog ay kulay puti, parang normal na tatak lang pero para itong kumikinang pag natatamaan ng flashlight. Teka nga lang, flashlight? Paktay na, hind ko pala napatay yung flashlight sa maleta, nasayang tuloy yung battery.
Pumasok na ako sa loob at namangha ako sa ganda at lawak ng loob. May apat na malalaking building na talaga namang kapansin pansin dahil sa taas at kulay nito. May mga mansyon din na nagkalat na may kanya kanyang street. May malaking garden na parang maze na kasing lawak ng palasyo sa gitna ng apat na building.
Teka nga ba't ako tumitingin ehh kailangan ko pa palang hanapin yung tatlong abnoy. Pailing iling nalang akong naglakad sa tuwing naiisip ko na mahihirapan ako sa pagghahanap sa kanila, dahil sa palagay ko ay naghiwa-hiwalay nanaman sila ng direksyon. Hayyyy yung mga abnoy na yun sakit sa ulo!
Magga-gabi na rin pala kaya mahihirapan akong hanapin sila. Hayyy sana naman hind ako pahirapan ng mga yun, may pasok pa naman bukas.
Reem's P.O.V
Tch ang dami naman naming dinaanan, makatulog na muna nga sa bench na nandito sa gitna ng maze.
Trist P.O.V
Shemas talaga yung dalawang yun, iwan daw ba ako? Tch, makabili na nga muna ng bagong pc sa isa sa mga shop dto sa Blue building.
Nagikot-ikot ako para makakita ng magandang quality, kung kasama ko sana si Laxx mas madali kaya lang baka magtalo pa kami, ang lakas pa naman ng bunganga ng babaeng yun.
Laxx P.O.V
Pagpasok ko sa mansyon ay natapatan kaagad ng mata ko ang stock ng mga snacks na nasa gilid lang ng sala.Wow cotton candy! Halos tumulo naman ang laway ko sa dami ng flavors ng cotton candy sa harapan ko.
Nandto na ako ngayon sa loob ng mansyon na titirhan namin, bigla na lang kasing sumulpot sa kanang kamay ko na may tatak na bilog yung number ng mansyon ng matapatan ko 'to, kaya pumasok na ako.
Hind ko alam kung namamalikmata ba ako or what? Nakaka-tatlong garapon na ako ng cotton candy pero parang hind nauubos yung stocks ng cotton candies, bahala na nga basta ako gutom! Yummmm.
Dev/Bel: Haha Pillar yung mga kasamahan mo nag-eenjoy na ikaw problemado pa rin! Payting! Hahaha.
Thank you po sa mga nagintay! Love yah!
BINABASA MO ANG
Zaid Academy
FantasyMay bago na po akong account! Please kindly type BellaViance1 Thank you The Girl who suffered enough and the girl who lives in Pain will take her responsibility whole heartedly even if it'll cause her too much Pain again! Pillar Phenixe wants to ge...