Chapter 5
Pillar's P.O.V
"Roger." Sagot naman ni Trist sa ear piece habang nilalagyan ng virus ang buong system ng lugar.
"3rd Floor all clear!" Sagot rin ni Laxx sa ear piece pagkatapos nyang linisin ang mga asungot na nagkalat sa 3rd floor.
"My turn." Naghihikab na pagkakasagot ko sa kanila habang pinupugutan ko ng ulo ang lahat ng yakuza na humaharang sa daraanan ko.
"Puyat ka ba Pill? " Derityahang malamig na tanong naman sakin ni Reem sa kabilang banda.
"Nanood lang naman ako ng anime kagabi at saka patapos na rin naman." Nagmamadaling sagot ko sa kanila habang binabali isa isa ang mga buto ng Leader ng Yakuza dahil muntik na akong tamaan ng bala. Tch istorbo.
"Tch. Wag nyo nga akong kausapin, istorbo." Walang gana kong sabi sa kanila.
"Hahaha kapag pinatay mo ako-ahh ay wala na kayong makukuhang impormasyon laban samin." Tumatawa na parang baliw ang Leader ng mga asungot na halang ang kaluluwa habang nagyayabang.
"Tch, ako ba ang kinakausap mo? Me? "the Detailed Lady/the Walking Info" of the group. Don't underestimate me! Masyado mo naman yata akong minamaliit." Nakangising sabi ko sa kanya.
Inilabas ko ang USB na naglalaman ng lahat ng files ng mga illegal transactions nila at ng iba pa nilang deals sa mga bigatin na organizations at business man sa buong mundo.
"Ito ba yun?" Halos mawalan naman ng kulay ang mukha ng Leader ng mga asungot. Haha nakakatawa naman.
"P-pa-ano m-mo nakuh-ha yan?" Halos magkanda bulol bulol na tanong nya sakin.
"Pano ba yan mamamatay ka na? Parang kanina lang tumatawa ka pa. Itanong mo nalang kay Satanas kung pano ko nakuha to. Tiyak namang magkakasundo kayo agad dahil pareho kayong halang ang kaluluwa." Nangaasar na sabi ko naman sa kanya.
"Pa-parang a-awa m-mo n-na. H-huw-wag m-mo a-akong p-p-patayin. M-may pu-punt-tahan p-pa a-akong anak s-sa o-ospital." Nagmamakaawa nyang sabi habang nakaluhod. Ang dami dami mong oras asungot ka tapos ngayon mo lang naalala yang anak mo!
"Tingnan mo nga naman, ngayon mo lang naalala yung anak mo?!" Naiinis na sabi ko sa kanya habang papalapit ako. Nang makalapit ako sa kanya ng husto ay tiningnan ko sya ng diretyo sa mata at--
*PAKKKKKKKKKKKK*
"You Bastard! Ngayon mo lang naalala yung anak mo!? Anong klase kang AMA???" Binulyawan ko sya pagkatapos ko sya bigyan ng malutong na sampal. Halos bumakat na ang buong palad ko sa mukha nya dahil sa galit.
"Ano natauhan ka ba!? O dadagdagan pa natin yang sampal ko sayo?Bibigyan kita ng isang pagkakataon para magbagong buhay. Pasalamat ka at may anak kang asungot ka." Naiiritang tanong at sabi ko sa kanya.
"S-salamat! M-m-maram-ming salamat!" Nagagalak na nagpapasalamat sakin si asungot habang nakaluhod. Pinatayo ko na sya at nagsalita muli.
" Tch. Siguraduhin mo lang na magbabagong buhay ka, kundi ako mismo papatay sayo." Mahigpit at Seryosong may bawat diin ang mga salitang binitawan ko habang nakatingin sa kanya ng diretyo.
"Pangako." Naiilang na sabi nya sakin bago tumalikod at naglakad. Tch ngayon pa nailang.
"Wag na wag kang mangako sakin, gawin mo!" Muli syang humarap sakin at tumango kaagad sabay alis saking harapan.
"Tsk, hind ka pa rin nagbago." Malamig na sabi naman sakin ni Reem habang nasa likod ko. Ang aga naman nyang natapos.
"Tch. Manahimik ka. Puntahan nalang natin yung dalawang yon bago pa sila mag rambulan."
"Hala! Bakit mo naman pinatay Trist!?" Naiinis na bulyaw patanong naman ni Laxx kay Trist sa kabilang kwarto. Ang lakas talaga ng bunganga ng babaeng yon ang sakit sa tenga. Ang layo layo pa lang namin rinig na rinig ko na.
"Tsk, don rin naman punta nya." Naiiritang sagot naman pabalik ni Trist kay Laxx.
"Che! Hind mo ba alam na sya yung nakasira sa heels ko!?" Naiinis na tanong naman ni Laxx pabalik kay Trist
"Sino ba kasing nagsabi na mag heels ka dto aber? Ehh wala namang cat walk dto ahh! Kung makaporma ka naman dyan ehh kita mong may misyon tayo." Trist shot back again.
"Aba kinampihan mo pa talaga yang asungot na yan! Hind tuloy ako nakaganti." Naiinis namang napairap si Laxx.
"Tsk. Tara na tapos na tayo dto. Yung mga agents na ang bahala sa mga kalat." Walang ganang sabi ko sa kanila. Inistorbo ko talaga sila dahil walang katapusang pagtatalo ang magaganap at para na rin makaalis dto.
"By the way Trist bantayan mo yung Leader ng mga asungot na yun and don't take your eyes off of him! Are we clear?" Mahigpit at Seryosong pagkakasabi at pagtatanong ko sa kanya.
"Yes na yes yan Big Boss!" Natutuwang sabi naman ni Trist dahil kahit papaano ay may medyo matino na syang gagawin na galing sakin.
"Ikaw naman Laxx, you better improve your tech,machines and skills." Seryosong saad ko rin kay Laxx dahil sigurado ako na magagamit din namin yon bukas sa pupuntahan namin.
"Oo naman Pill! Maaasahan mo to!" Active na sagot naman ni Laxx sakin.
"Ikaw naman Reem bahala ka na and of course surprise me. Hind ka naman siguro magiging "the Fashionable Boyish" of the group para lang sa wala." Tumango naman sya saakin.
"Hala, bakit naman may favoritism Pill!?" Parang batang pagmamaktol naman ni Laxx, "the Techy/Brilliant Girl" of the group.
"Wala namang ganyanan Pill! Ang daya!" Naiinis namang sabi ni Trist, "the Hacker/the Virus" of the group.
Paano nga ulit nasali yung dalawang to sa grupo naming "Shattered Silence?"
"Tch umuwi na nga tayo at ng makagising tayo ng maaga dahil magre record pa ako ng mga files na nasa USB." Walang ganang sabi ko sa kanila na sinang ayunan naman ni Reem.
"Oo nga. Kanina pa tayo nagaayaan na umuwi wala namang nangyayari ehh may pasok pa tayo bukas." Malamig na tugon naman ni snowman. Magdidiwang na ba ako ang haba ehh!?
"Ang haba ng sinabi natin ngayon snowman ahh!" Natatawang asar naman ni Trist kay Reem. Binigyan naman ni Reem ng Malamig at nakakapangilabot na tingin si Trist kaya napaatras ito ng konti.
"Chill ka lang naman Bossing!" Nagpipigil tawang sambit naman ni Laxx. Gusto ko sanang tumawa sa pagtawag nya ng snowman kay Reem kaya lang baka masira yung serious image ko eh.
Sinabihan ko na silang umuwi dahil nga magre record pa ako ng mga files. Nagtatrabaho kami sa "Hope Organization" kung saan nadun ang mga agents, detectives, good reapers at mga assassins na kagaya namin na ang trabaho ay pumatay ng kailangan patayin, hulihin, ikulong at pabagsakin lahat ng Mafia, Yakuza Gangsters at mga bigatin na organizations at businesses man ma walang ginawa kundi ang gumawa ng mga illegal na bagay at kung ano ano pang masasama na hind dapat nandto sa lipunan.
Nakauwi na kami sa mansyon. Pumunta na ako sa kwarto ko at muli nanaman akong napatitig sa agaw pansing isang pirasong hikaw na dragon na nakapalibot sa kaliwang tenga ko. Makikita ko rin kayo balang araw! Pangako ko yan sa sarili ko.
Bukas ay gigising kami ng maaga dahil bukas na ang punta namin sa Zaid Academy. 10:30 na pala at halos 30 minutes din kami dun sa lumang building at dahil na rin yun sa paguusap namin. Hind naman gaanong malayo ang mansyon sa building kaya naman halos 10 minutes lang ang byahe namin.
____________________________________________________________________Bel/Dev: Hi guys! Haha ngayon lang ulit ako nag UD ng medyo mahaba so pagpasensyahan na po.
Thank you po pala sa mga sumusoporta sa story and sa mga readers!
Maraming thank you din po pala sa mga patient dyan na nagabang! Love you guys!
Don't forget to VOTE and Follow ME!
Thank you po ulit!
BINABASA MO ANG
Zaid Academy
FantasíaMay bago na po akong account! Please kindly type BellaViance1 Thank you The Girl who suffered enough and the girl who lives in Pain will take her responsibility whole heartedly even if it'll cause her too much Pain again! Pillar Phenixe wants to ge...