Naranasan mo na bang mahulog sa isang tingin lang? Anu bang tawag don? Love at first sight.
Naranasan mo na bang ma-attract sa isang lalaki na hindi mo naman nakikilala? Yung tipong kahit hindi mo siya kilala, ay gusto mong lumapit sa kaniya, at kilalanin siya.
Bumaba ako papunta sa third floor. Nagkunwaring magpapahangin kahit ang pakay naman talaga ay sumilay sa kaniya. Pinagmasdan ko ang malawak na eskwelahan habang pasimpleng tumitingin sa kaniya. Hindi ko kasi magawang tumitig dahil baka mahalata niya ako.
Napapangiti pa ako habang sumisilay sa kaniya. Kakaiba kasi ang paraan niya ng pagtawa habang nakikipag-usap sa kaniyang mga kaibigan. Matangkad man siya at payatin, ay halata naman na mahilig siyang makipag-usap. Siya si Nalce, isang simpleng mag-aaral ng grade 11. Hindi siya katulad ng mga nasa libro. Hindi siya perpekto katulad ng iba. Pero... ang pagiging imperpekto niya ang siyang nagustuhan ko. Ang siyang bumihag sa aking puso.
Naalala ko pa nung una ko siyang makita. Kapatid siya ng kaibigan kong si Alicia. Kaya naman lahat ng kaklase ko ay kilala siya. Nakita ko na siya pero bago pa noon ay ipinakilala na siya ng isa kong kaibigan sa church. Ka-close siya ng kaibigan ko kaya naman feeling close ako sa kaniya.
At ng titigan ko siya I feel really different. Hindi ko alam kung natatanga lang ako o naeewan. Pero iba talaga ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko gusto ko siyang nakikita lagi. Kahit na maitim ang balat niya. Kahit hindi pantay ang ngipin niya. O kaya naman ay nagkulang siya ng ilang suklay para magkaroon ng malambot na buhok ay hinahanap-hanap ko pa rin siya.
Dahil makapal ang mukha ko noon ay ako na mismo ang nag-chat sa kaniya. Palihim akong kinilig. Palihim dahil ayokong makahalata siya. Inimbitahan ko siya na makasayaw sa 18 roses sa darating na debut ko. Pumayag naman siya dahil mabait siya.
Hindi ako kinilig nung araw na yun. Sobra lang. Yun ang pinakamasayang birthday ko. Ang makasayaw ang taong pinangarap ko sa paningin.
Itinigil ko na ang pag-iisip ng bigla siyang lumapit sa akin. Nagulat naman ako at kunwaring nagmumuni-muni. Ipinatong ko pa ang dalawa kong braso sa bakal na harang at ngumiti habang tumitingin sa baba. Bigla siyang tumabi sa akin.
Ipinatong niya din ang kaniyang braso sa bakal. Parang may kuryenteng dumaloy mula sa aking braso ng idikit niya ang kaniyang braso sa aking braso. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi at pinilit na hindi mapangiti pero napangiti na lamang ako ng tawagin niya ang aking pangalan.
"Queen... Ano nga palang ginagawa mo dito?," sabi ni Nalce akin. Nataranta naman ako sa isasagot sa kaniya.
"A-ah e-eh. Wal- ah hinihintay ko lang sina Cherie at Abby sa taas. Magrerecess pa kasi kami eh. Nagccr pa sila," sabi ko na lamang. Bakit ba nauutal ako pag kaharap ko tong si Nalce. Eh samantalang napakabilis ko dumakdak kapag may teacher sa room. Nginitian ko na lamang siya para masatisfy siya sa sagot ko.
Tumango tango na lamang siya. Namayani ang katahimikan sa amin. Hindi ko alam pero napapalunok ako. Kung ano-anong pag-aassume na naman ang pumapasok sa utak ko. Para bang makina yun na basta na lamang naglalabas ng salita.
May gusto ba siya sa akin kaya napakatahimik niya pag kausap ako?
Baka hindi lang siya makaisip ng topic.
Pero hindi eh, bakit sa harap ng mga kaibigan niya.
Parang pareho sa akin yun eh hindi makapag-isip kapag kausap siya.
Napakagat na lamang ako sa ibabang labi. Ilang beses ko na ba nakagat ang labi ko kapag kausap siya? Ilang beses ko na ba napag-isipan na kausapin siya, at sabihin ang nararamdaman ko. Pero this is it. Eto na yun. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya.