CHAPTER 3

119 4 1
                                    

KATH's POV

        "Aaaaaahhh!", Lord kayo na po bahala sa lahat. Hinintay ko nalang na mabasa at maputikan ako. Ang lalim ng drainage... HUHUHUHU. Teka, kanina pa ko tumitili ah pero walla pa rin akong naramdaman na bumagsak nako. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.

        "Hala!", ommmphh. Napakagat ako ng labi. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Dubdubdubdub. Parang huminto ang mundo ko... Nasalo niya ko... Wait... Ang lapit ng mukha niya... Ang... Ang... Ang gwapo niya... At ang tangos ng ilong... Ang bango niya... At...

        "Miss, ang bigat mo", sabi niya. At nagising nako sa katotohanan. Ano bayun, kung ano nalang pinagsasasabi ko. Aaaaaahh! Nakakahiya. Nramdaman kong parang nag-iinit na yung pisngi ko. Agad-agad akong tumindig ng maayos at nag-ayos ng sarili.

        "Ang bigat mo ah, nangalay tuloy ang mga braso ko. Ba't ba kasi atras ka ng atras di naman ako kumakain ng tao. BWAHAHAHAHA", pabiro niyang sabi.

        "Leche! Ba't kaba lapit ng lapit? At pwede ba tantanan mo nako", sabi ko. Aalis na sana ako ng hawakan niya ko sa braso.

        "May dapat ka pang bayaran sa 'kin, UTANG for short", sabi niya sabay wink at smile. Hala! Oo nga pala, tinapakan ko yung paa niya kahapon. Lagot!

        "Ano? Kapal ng mukha mo! Anong utang yang pinagsasasabi mo? Di ako mahilig mangutang noh kahit kaunti lang ang pera ko marunong akong magtipid. Kaya wala akong dahilan para mangutang!", waaaaaa! Ang layo ng sinabi ko. Wooooo Help! Push ko nalang to. Kunwari di ko talaga alam ang pinagsasasabi niya.

        "Nakalimutan mo na? Tinapakan mo lang naman yung Vans shoes ko, galing pa yung US ah. Tsk! At ngayon? Tinulungan kita", REMEMBER?", sabi niya. Ang kapal ng mukha! Diniin talaga yung REMEMBER. Ang hangin mga dre. Urrrggghhh! Pinapamukha talaga niya na mayaman siya? Pwes! Di kita uurungan. Si Kathryn Manuel yata to. :D Fight!

        "Eh bakit? Nasira ba?Hmm. Hindi naman siguro, di naman siguro higante tong paa ko noh?", pamimilosopo ko sa kanya. "Marumi lang siguo. Asan na? Lilinisin ko PO!", diniin ko yung po. Akala naman niya kung sino siya. "At yung kanina? Maraming maraming maraming salamt po sa pagsalo niyo sa akin. Pwede na?", pamimilosopo ko uli.

        "Tapos na. Nalinis na. Pinalinis ko sa maid namin. Iba ang gusto kong maging gawin mo", sabi niya sabay cross-arms. Hala! Ano kaya pakulo nitong lalaking to. My GGG!

        "Magkano ba yung sapatos mo?", tanong  ko sa kanya.

        "One hundred thousand", sagot niya. Halos malaglag ang panga ko sa narrinig ko. Schuuucks!! ANG MAHAL. Ang yaman talga ng mokong. Kung ako siya di ako bibili ng ganun kamahal na sapatos marami pang mas importanteng dapat bilhin kesa sa isang sapatos na ang mahal. Kung sabagay mayaman siya, walang-wala lang yang one hundred thousand sa kanila.

          "Aaaaaah, okay. So ano yung gusto mong gawin ko?", sabi ko sabay kamot ng ulo ko. Ano ba kasi ginagawa mo Kath. Asan na yung palaban at matigas na Kathryn? HUHUHU. Help! At isa pa ba't ko kasi siya tinapakan. Ayan tuloy napasubo ka. Tsk! Tsk! Tsk!

        "Let's have a deal at kung matapos mo na yung deal natin well then bayad kana", sabi niya sabay smile

        "Oo na nga. Ano ba kasi yan?", pasigaw kong sabi.

        Sasagot na sana siya ng magring ang phone niya.

   -Ring Ring-

        "Hello?", sabi niya.

        (...)

        "What? Ngayon agad? But why?", sabi niya.

        (...)

        "Okay, I'll be there in 10 minutes", sabi niya sabay tingin sa 'kin. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. Maya-maya binaba niya na yung phone niya. Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya.

        "Give me your number", sabay abot niya ng phone niya. Hindi ako nakatanggi baka ano pa gawin sa 'kin eh, alam naman natin na maraming nagagawa ang pera. Binalik ko agad yung phone niya. Kinuha naman niya agad at tumakbo sa isang Dodge Challenger na kotse ngunit bago niya sinara yung pintuanng sasakyan niya sumigaw siya ng...

        "By the way, I'm Daniel John Villarama, tawagan nalang kita. Emergency lang kasi eh", sabay wave niya ng kamay niya at pinaandar na ang sasakyan niya. Maya-maya pinaharurot niya na paalis. Npako ako sa kinatatayuan ko. Ang bilis ng pangyayari.

        "Sana di na kami magkita", sabi ko sa sarili ko.

DANIEL's POV

         Maya-maya narating ko na ang kompanya namin, dito daw gagawin yung photoshoot nami. Anong meron? Model ako. Model ako ng sarili naming damit. Kami ang nagmamay-ari ng BluePrint na brand ng mga damit, pants at kung ano-ano pa. Di ko to gusto, itong pagmomodelo si mommy kasi. Kainis! pinilit ako. Eh, mahal ko si mommy kaya pumayag ako. Kasalukuyan akong nagbibihis ng maalala ko yung babae. Bigla nalang akong natawa, nag epic talaga ng mukha niya. HAHAHA. Parang ewan. Lol. Yung mukha niya pag nagagalit halos di maipinta. Hahaha. 

        "Daniel! Daniel! Labas kana, magsisimula na", sabi ng isang bakla Lumabas naman ako agad pagkatapos kong magbihis. Tapos nagsimula na kami.

        Picture dito. Picture doon.

        Click! Click!

        Pose dito. Pose doon.

        Click! Click!

        Kapagod. Gabi na rin ng matapos kami. Papunta ako sa parking lot ng maalala ko uli yong babae kanina. Okay din naman siguro yung siya. Parang natakot yata sa 'kin kanina. Matawagan nga. Pagpasok ko ng sasakyan, kinuha ko agad yong phone ko.

        "Ay mamaya nalang siguro pagdating ko sa bahay, baka busy pa yun", pinaandar ko ang sasakyan ko at nagdrive na pauwi.

        After 20 minutes, narating ko ang bahay namin. Agad akong umakyat sa kwarto ko ng maipark ko na ang sasakyan ko sa garahe. Umupo ako sa isang couch sa kwarto at tinawagan siya.

        "Hi miss!", sabi ko sabay ngiti khit di niya ko nakikita. "KIta tayo bukas 4pm sa mall. Bye", di ko na siya pinasagot agad kong binaba yung phone pagkatapos kong yung sabihin. Humiga ako sa kama. Agad naman akong nakatulog.

------------------------------------------------------------------

Ano kaya yung sinasabing deal ni Daniel? Makikipagkita kaya si Kath sa kanya? Oh no, pano pad hindi siya mupunta?

Abangan next chapieeee :))))

Haba ng update ko ah :D Hope you like it readers. :)))

Sinong excited sa SDTG? :)) Wieeee Ako? Sobrang excited nako :D Si kenji at Athena, Kenneth and Kelai, malapit na natin silang makilala 6 tulog nalang. :))))))

Comment and Vote readers.

Comment and Vote readers.

Comment and Vote readers. Please para happy si Author :D

Please follow me on twitter guys @TweetyBee08

MY UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon