CHAPTER 9

61 1 0
                                    

Daniel's POV

Nandito ako sa labas ng gate, hinihintay si Kath. "Asan na ba yun, kanila pa nakaalis si kuya Toto ah pero wala pa rin sila hanggang ngayon". Lakad dito, lakad doon. Hindi talaga ako mapakali.

"6:20pm na. Malapit nang magsimula ang party. Ayyyyyyys! Hindi yata yun pupunta. Tssssk! Ay naku! Kung ano na naman pinagsasabi ko", bulong ko sa sarili.

"Ehem! Ehem!", napatinin ako sa likuran ko.

"Aaah Lolo, ba't po kayo nandito?", sabi ko at nilapitan si Lolo.

"Magsisimula ang party. Di ka pa ba papasok?", tanong ni lolo.


"Aaaaaah...", lumingon muna ako sa labas ng gate bago sumagot. Agad ko naman ding tiningnan si Lolo.

"Tara na po sa loob Lo". At sabay kaming naglakad ni Lolo papunta sa may pintuan. Ngunit hindi pa kami nakakarating sa may pintuan biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino. Agad naman ako tumingin kay Lolo at huminto ito sa paglalakad.

"She's here na Lo", sabi ko kay Lolo sabay ngiti.

"Mauna na lang po kayo, sabay nalang po kaming pumasok", sabi ko.

"Okay. See you inside Dj", sabi ni lolo at naglakad na papasok.

Tumakbo agad ako papuntang gate. Binuksan ko agad ang passenger's door ng kotse at tumayo sa gilid ng pintuan with my hands on my pocket.

"Alam mo ba ang tagal mo. Magsisimula na. Ikaw na lang ang hinihintay!", sabi ko sa kanya nang hindi tinitingnan.

"Sorry Dj, traffic kasi ee. Di ba kuya?", sabi niya na parang lumingon pa kay kuya Toto.

"Opo, sobrang traffic ho talaga kaya natagalan po kami sir", pagsang-ayon naman ni kuya Toto.

"Halika na Dj", sabi niya sabay hawak sa braso ko. Napatingin ako sa mga kamay niyang nakapatong sa kaliwang braso ko, hanggang umabot ang tingin ko sa mga mukha niya.

*o* Napanganga ako sa nakita ko. Woaaah! parang di siya yung Kathryn na kilala ko.

And by that time my heart beats fast. I don't know. Hindi ko alam bakit ganito yung epekto sa 'kin ng aura niya. All I can say is she's so beautiful. Yung tipong babae na magugustuhan ng mga lalaki. Wow! She looks so perfect.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon