Juliet's Pov
" Juliet! Halika na. Inaantay na tayo ng dad mo. " Sabi ni Mom na nasa pintuan ng restaurant. Kakadating lang kasi namin ni Mommy at Daddy dito sa isang restaurant para lang makipagdinner sa family ni Zach.
" Sige na po mom. Susunod nalang ako. " Sabi ko. Nang maglalakad na sana ako papasok, ay may sumitsit sa akin. -_- Di ko alam kung ano yun pero forget about it nalang. Nang maglakad ako uli ay may sumitsit na naman. Langya oh.
" Sino ka ba ha?! " Sabi ko. Halata sa boses ko na galit na ko. Bigla namang may nagbato sa akin ng bato. Buti nalang hindi tumama sa ulo ko. :(((((
" Aba, baliw ka ba ha?! Namamato ka ah. Bwiset. Magpakita Ka nga sakin." Sabi ko. Ugh. Naiinis na talaga ako.
" Tsss. Pikon. " Sabi ni......... ni RAVEN?! Aba lakas mantrip nito oh.
" Lakas mong mantrip ah. " Sabi ko sabay irap sakanya. Si Raven nga pala yung kaklase ng kuya ko na super duper crush ko, NOON.
" Asus. Nasan ba kuya mo?" Sabi niya sabay lapit sakin.
" Nandun sa loob. " Sabi ko. Bigla namang tumunog phone ko.
From: Mom
Hey, where are you? We're waiting for you. Pumunta ka na dito.
Woah. Galit na siguro si Mom.
" Ah. Sige, babye na ah. Kita nalang tayo sa school bukas. Babush. " Sabi ko. Pero di siya sumagot. Nakita ko siyang naglakad papunta sa bench malapit sa Parking Lot. Pagkapasok ko sa loob ng restaurant nakita ko kaagad ang mommy ko na nakakunot ang noo. While si daddy nakikipag- usap kela Tito John at Tita Elise.
" Why are you late? " Bulong sa akin ni mommy.
" Wala po. " Sabi ko. Then nagsimula nang dumating ang mga waiters.
" Zach, pwedeng pakiabot yung lasagna?" Sabi ko. Then he handed me the Lasagna. Habang kumakain kami nagsalita bigla si Dad.
" Uh, Zach, Juliet. John and Me are going to announce something. " Sabi ni Dad. Bigla naman akong kinabahan. Baka kasi ipadala ako bigla sa NYC kasi puro bagsak yung grades ko. Lord, please lang. Sana mali ang iniisip ko. NapaSign of the cross tuloy ako.
" Zach, Juliet....... You're getting married! " Tito John said happily.
" HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHA. Nagjojoke ka diba Tito John? HAHAHAHAHAHAHAHA. AKO? MAGPAPAKASAL SA MUKHANG KABAYO?! HAHAHAHA " Sabi ko.
" HAHAHAHAHAHA OO NGA DAD. I CAN'T MARRY A MONKEY LOOK ALIKE. " Sabi ni Zach. Tas nag- apir pa kami.
" We're serious. " Sabi ni Mom.
" No, No way! Mom! I'm still 17, I'm still young! I dont want to marry. I dont want to marry a man That I dont love!" Sabi ko sabay Takbo palabas ng restaurant. Napaiyak ako bigla. Feeling ko kasi pinapamigay ako ng mga magulang ko. Habang tumatakbo ako ay may nabangga ako.
" Uy. Okay ka lang? " Tanong sakin ng lalaki.
" O- Oo." Sabi ko sabay tayo. Pagkatingin ko sa lalaki, Si RAVEN PALA!
"Ba't ka umiiyak?" Tanong niya.
"W- Wala. Halika, umalis tayo dito!" Sabi ko. Hahabulin kasi ako nila Mommy. Magpapalipas muna ako ng sama ng loob.
Sumakay naman kami ni Raven sa motor niya at dinala niya ko sa isang lugar na tahimik.
" Nasaan tayo." Tanong ko sabay upo sa damuhan.
" Sa lugar na di mo alam kaya mo tinatanong. " Sabi niya sabay higa sa damuhan
" Heh! Pilosopo eh. -_- " Sabi ko. Bigla na namang nanahimik kaming dalawa. NapakaAwkward grabe. Walang nagsasalita sa amin.
BINABASA MO ANG
Mission: To be One of The Boys
Romance" Kaya lang naman ako nagpanggap na tomboy sa inyong lahat! Dahil gusto akong ipakasal ng sarili kong ama sa taong hindi ko minahal, mahal, at mamahalin. "- Juliet " Tandaan mo Juliet. Nandito ako upang ipangtanggol at upang mahalin ka ng buong buo...