CHAPTER 61: The Death

853 19 1
                                    

NAGKAGULO na ang lahat ng mga tao sa buong hotel dahil panay ang sigaw ni Victoria. Pilit syang pinapakalma ng kanyang ina ngunit hindi sya mapigilan nito, hanggang sa makita nya si Tanya na palihim na nakangiti sa kanya. Para syang iniinsulto nito. Dahil doon ay biglang dumilim ang kanyang isipan at dali-daling sinugodi si Tanya. Tinulak ni Victoria si Tanya nang napakalakas na dahilan ng pagkakatumba nito. Biglang inatake ni Victoria si Tanya at pinagsasampal ang babae habang wala itong pwersang makaganti sa kanya.

"Hayop ka! Alam ko ikaw ang may kagagawan sa lahat ng mga ito! Pagbabayaran mo lahat!", sumisigaw at galit na galit na banta ni Victoria sa babae habang pinagsasampal nya ito. Pilit syang inaaawat ng mga tao.

Kaagad namang niligtas ni Leo si Tanya, ngunit dahil sumabog na ang galit ni Tanya ay bigla niyang inatake si Victoria at itinulak papunta sa mesa. Doon, pinahiga nya ang babae habang hawak-hawak nya ito sa balikat at binibigyan ng mga nakakatakot na mga mata na punong-puno ng pagbabanta.

"Eto ang tatandaan mo, Victoria. Mahirap akong kaaway. Kaya huwag na huwag mo akong pagbibintangan sa mga kahayupang nangyayari sa pamilya mo!", banta ni Tanya na punong-puno na sa galit sa babae. "Baka gusto mong kunin ko talaga ang lahat ng meron ka. Tandaan mo, Victoria, hindi isang tulad mo ang kaiinggitan ko! Tandaan mo yan!", saka malakas na binitawan ni Tanya ang babae at saka umalis papunta sa labas. Kaagad naman syang sinundan ni Leo, napansin iyon ni Marco, imbes na damayan si Victoria ay sinundan nya si Tanya.

"Tanya! Tanya!", panay ang tawag ni Leo kay Tanya habang hinahabol nya ito. Ngunit hindi sya nililingon ng babae.  Kaagad itong sumakay sa kanyang kotse at saka umandar palayo. Ilang sandali ay dumating din si Marco. Napalingon si Leo sa lalaki na tila nag-aalala rin sa babae. Hindi sya kinausap ng kaibigan, at saka kaagad na sumakay si Leo sa kanyang kotse upang sundan ang babae. Nakadama ng selos si Marco. Naguguluhan sya. Akala nya, siya ang pinili ni Tanya, pero bakit tila sumisingit si Leo sa kanyang plano.

Napadaan si Tanya sa pinangyarian ng aksidente. Maraming mga tao ang naroroon at mga pulis, hindi nya binuksan ang bintana ng kotse. Pinagmamasdan nya ang nasusunog na buhay ni Victoria. Pinagmamasdan nya ang apoy na unti-unting lumalamon sa mga pinaghirapan ni Tanya.

"Nararamdaman mo na ba Victoria ang impyernong unti-unting susunog sa'yo?", bulong ni Tanya sa kanyang sarili, sabay taas-noo at may mga luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. "Hindi hustisya ang maniningil sayo, kundi paghihiganti".

SA GILID NG SWIMMING POOL makikita si Victoria na tila nanghihina. Nakakailang bote na sya ng wine at panay ang iyak at hikbi nya. Hindi nya nakayanan ang sakit na nangyari sa kanya at ang kahihiyan. Mawawalan na sya ng pangalan, mawawalan na sya ng kabuhayan, at mawawalan na sya ng kayamanan. Hindi nya matanggap ang nanagyari sa kanya, para syang mamamatay sa mga oras na iyon. Nagagalit sya sa gabing iyon, nagagalit sya sa mga taong nasa paligid nya. Wala sya sa kanyang sarili. Wala syang kinikilalang tao! Wala! Ilang sandali ay bigla syang tumayo at pumunta sa looban, dala-dala ang isang bote ng alak. Habang papunta sya sa kanyang kwarto ay napalingon sya sa kanyang napakalaking larawan. Ang larawang minsan nang naging simbolo ng kanyang kasikatan, at ang larawang simbolo ng kanyang pangalan. Napaluhod sya dito, niluhuran nya ang larawan ng sarili na parang diyos. Habang umiiyak, at habang nagdadalamhati.

"Isa kang reyna 'di ba? Isang reyna! Pero anong nangyayari sa'yo? Pabagsak ka nan nang pabagsak! Nasaan na ang tapang mo? Nasaan na ang kamandag mo?", sigaw niya sa kanyang larawan habang umiiyak, at kaagad na ibinato nya ang bote ng alak dito.

Dinamdam nya ang sakit na unti-unting pumapatay sa kanyang pagkatao. Bakit nangyayari iyon sa kanya? Bakit patuloy syang minumulto ng paghihiganti ni Ruth? Doon, dumilim ang kanyang isipan at dali-dali syang umakyat papunta sa kanyang kwarto. May kinuha syang isang black box, at doon lumitaw ang isang baril. Isang baril na tatapos sa isang buhay na kinagagalit nya—si TANYA!

"Magiging katapusan mo na ngayon, Tanya! Papatayin kita bago ko sunugin nang buhay si Ruth!", banta ni Victoria sa hangin. Parang nababaliw na sya at uhaw na uhaw sya sa paghihiganti, at saka kaagad kinasa ang baril na hawak-hawak nya.

Nang lumabas sya ay biglang nakasalubong nya ang kanyang ina na galit na galit sa kanya. Kaagad na sinampal sya nito dahil nanggigigil ito, at saka ipinasok sya sa kwarto at pinagsasakal sa kama.

"Hindi mangyayari ito kung tatatanga-tanga ka!", mas hinigpitan ni Marga ang pagkakasakal sa anak. "Wala akong anak na tanga! Palagi ka nalang palpak! Isa kang malaking kahihiyan! Isa kang talunan!".

Hindi makahinga si Victoria, at hindi nya pwedeng labanan ang kanyang ina dahil nasanay na syang sinasaktan sya nito. Hanggang sa nandilim ang kanyang paningin at ipinukpok sa ulo ang ina ng hawak nyang baril, at saka itinulak nang napakalakas papunta sa pader. Nagulat si Marga sa ginawa ng kanyang anak.

"Hayop ka! How dare you to do that to me! Wala kang karapatan na ganyanin mo ako!", sigaw ng kanyang ina. "Halika!", sabay hawak sa kanyang braso at pinagpipilitan syang lumuhod, "Lumuhod ka! At kukunin ko ang latigo sa kwarto ko! Lumuhod ka!".

Naglalaban naman si Victoria at ginamit nya ang kanyang kalasingan para kalabanin ang ina. Hinila ni Victoria ang ina at itinulak sa kama, at doon naisipan nyang tutukan ito ng baril. Hinahabol si Victoria nang kanyang hininga dahil sa sobrang galit sa kanyang ina. Hindi na nya kailangan maging alipin dito, at hindi na nya hahayaan na saktan pa sya nito. Nagulat si Marga sa mga oras na iyon pero hindi sya natatakot dito.

"So, matapang ka na ngayon?", parang iniinsulto ni Marga ang anak. "Look at yourself, Victoria. Ni isa walang nagmamahal sa'yo! Ni isa hindi ka kayang makasama! Dahil isa kang talunan!".

"Alam ko! Alam ko! Kung wala namang magmamahal sa akin, it's better to kill my haters than to let them live happily!", nanggigigil ang mga kamay ni Victoria habang nakatutok pa ito sa ina. Umaatake pa rin ang mga luha at galit ni Victoria.

"Then, go ahead! Kill me!", paghahamon ni Marga. "Wala akong pakialam sa'yo! You never been my daughter that I'm wishing for. Wala akong anak na isang tanga, at isang baliw!".

Pinaputok ni Victoria iyon sa kisame na umalingawngaw sa buong mansyon. Nakakabingi ang mga sandaling iyon kaya napatakip ng tenga si Marga. Tinutukan ulit ni Victoria ang ina ng baril.

"Kailan man, hindi mo ako tinuring na isang anak. Kailan man hindi ako nakadama ng pagmamahal sa'yo! Ikaw! Ikaw ang nagparamdam sa akin na nag-iisa ako!", mas hinigpitan ni Victoria ang pagkakahawak sa baril habang nakatutok kay Marga. "I have my last bullet, it should be for Tanya, pero sumingit ka sa eksena, Mamá! And I knew it if who deserves this last bullet in my gun!", sabay tawa si Victoria habang tinututukan ng baril ang ina.

Nakadama ng takot na si Marga dahil hindi nya aasahan na papatayin nga sya ni Victoria.

"You ruined my life! You ruined everything! Ang dapat na sisihin sa lahat ng mga ito, ay hindi si Tanya! Kundi ikaw! Ikaw ang gumamit sa kahinaan ko! Ikaw mismo ang pumapatay sa akin!", banta ni Victoria sa ina.

"Yes, Victoria. Dahil kailanman, hindi ko hahayaan na maging masaya ka. Hindi ko hahayaan na maging masaya kayong lahat!", sigaw ni Marga sa anak na parang puputok na ang ugat sa leeg sa sobrang galit. Pinagpapawisan na silang dalawa.

Napakunot-noo si Victoria. Hindi nya maintindihan ang pinagsasabi ng kanyang ina.

"You heard me! Ang tanga-tanga mo pa 'rin! Kailan man, hindi ako MAGKAKAANAK NG ISANG KATULAD MO! YES! DAHIL HINDI KITA ANAK, VICTORIA! HINDI KITA ANAK!", sa huling sigaw ni Marga ay nandilim ang isipan ni Victoria at pinaputukan ang kanyang baril diretso sa dibdib ng kanyang ina. Nanggigigil sya sa mga sandaling iyon.

Pinatay nya si Marga.
Pinatay nya ang kanyang ina.

Natauhan si Victoria sa ginawa at nangyari. Nakita nyang nakahandusay ang kanyang ina sa sahig na wala nang buhay. Kaagad syang lumapit dito at saka umiyak dahil sising-sisi sya ginawa nya dito. Panay ang iyak nya. Hindi nya matanggap na magagawa nya iyon kay Marga, ang babaeng kinilala nyang, INA.

Tres Amantes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon