CHAPTER 62: The Funeral

897 20 2
                                    

SINALUBONG si Tanya ng isang malagim na balita na bumalot sa buong Ciudad de Oro. Umagang-umaga pa lang ay nagulat sya sa balita sa telebisyon.

"Inatake kagabi ng isang hindi pa nakilalang lalaki ang mansion ng mga Cuenvilla habang namamahinga ang mag-ina mula sa trahedyang nangyari kagabi sa fashion gala ni Ms. Victoria", napakunot-noo si Tanya sa balitang nakikita nya sa telebisyon. "Maswerteng nakaligtas naman ang tinaguriang Queen of Philippine Fashion mula sa kamay ng lalaki, ngunit hindi nakaligtas ang kanyang ina na si Ms. Margarita Cuenvilla, matapos manlaban sa suspek".

"I heard a loud scream, then kasabay noon ay isang malakas na putok ng baril", umaarte si Victoria sa press habang nasa isang interview sya. Tumutulo sa kanyang mga pisngi ang mga plastikadong mga luha. "Then, I saw my mother lying on the floor with a wound in her chest. May lalaking tumalon sa bintana, at alam kong sya ang bumaril sa ina ko".

"Sa tingin nyo, Ms. Cuenvilla, ano ang intensyon ng lalaki sa pagpatay sa iyong ina?", tanong ng isang lalaki.

"Nawala ang ilang mga alahas at pera ko. At mayroon kaming matinding kumakalaban sa pamilya namin, na syang may kagagawan ng lahat nang nangyayari sa amin", umiiyak na sinabi ni Victoria sa lahat.

"Sa tingin nyo, sino ang kumakalaban at may kagagawan sa lahat ng mga ito?", tanong ng lalaking tumanong palang sa kanya kanina.

"Hinahamon ko si Ruth Reyes na lumabas! Alam kong ikaw ang nagpapatay sa ina ko! Alam kong ikaw ang nagpasabog ng mga kotse ko! Alam kong magkakampi kayo ni Tanya! Kalabanin nyo ako ng harapan!", galit na galit na paghahamon ni Victoria kay Ruth at Tanya habang nakatutok sa camera.

Sa sobrang galit ni Tanya ay kaagad na pinatay nya ang TV at padabog na itinapon ang remote control. Nanggigigil sya kay Victoria dahil gumagawa ito ng kwento.

"Hayop ka, Victoria. Huwag na huwag mong babahiran ng kahihiyan ang pagkatao ko. Humanda ka sa akin, humanda ka sa karmang haharapin mo", nanggigigil at kumukulo na ang dugo ni Tanya sa sobrang galit. "Hindi ako naniniwala na pinapatay ang ina mo, alam kong IKAW ANG PUMATAY KAY MARGA".

Nag-usap si Tanya at Alexis sa opisina nya. Naroon na rin si Leo, dahil kinausap na siya ni Tanya. Makikitang kanina pa kumakalikot ang babae sa kanyang laptop. Nag-aalala ang babae dahil malamang ay malaman ni Victoria na si Tanya ang may pakana sa pagpapasabog ng mga wardrobe.

"I heard that, Victoria is continuing to investigate the limo incident", sumbong ni Alexis. "Natatakot ako, at baka malaman niya, and baka ito na ang maging katapusan natin".

Isang seryosong paningin ang ibinigay ni Tanya sa babae. "Malinis gumawa ang isang Tanya Heralva, pero si Victoria...", sabay harap ng laptop kina Alexis at Leo. "...hindi".

Ipinakita nya ang CCTV footage sa kwarto ni Victoria habang pinagbabaril nya ang kanyang ina. Nagulat sina Alexis at Leo kung saan nya nakuha ang kopya ng CCTV footage na iyon.

"I am Tanya Heralva, and I have lots of connections", makahulugang sinabi ni Tanya sa dalawa, at saka ngumiti nang napakatalim. "Sa mga mata palang ng babaeng iyon, parang nagsisinungaling. So, I decided to get the email address of her technician. Inunahan ko na si Victoria bago nya pa gawin ang iniisip nya. I offered a hundred million pesos for her technician to send me a copies of CCTV footage about that night, without her knowledge. Total, mawawalan naman ng yaman si Victoria, so I convinced him to secure his financial situation in the future. Dyan kasi ako magaling, ang silawin ang mga tao sa pera. Burahin man ni Victoria sa kanyang isipan o sa mga records sa CCTV niya, pero ako mismo ang bangungot na tatakot sa kanyang konsensya. Nararamdaman ko na, balat palang ang nasusunog kay Victoria, hindi pa ang kanyang laman, at hindi pa ang kanyang kaluluwa", nanggigigil na sinabi ni Tanya sa dalawa. "Matakot na sya".

Tres Amantes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon