Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na ang bangkang susundo kay Leo. Kaagad naman nyang inakay ang babae at una nitong pinasakay.
"Bagong girlfriend nyo ho, Sir Leo?" tanong ng bangkero. Napatawa si Leo.
"No-no-no, Manong!" kaagad na siningitan ni Ruth ang bangkero habang pinapaandar ang makina ng bangka. "I'm married". Pinakita nya ang singsing.
"Ah, pero mas bagay kayo!" singit uli ng bangkero.
"Pasensya ka na Ruth, palabiro talaga itong si manong!" kaagad namang sumingit si Leo upang pagtakpan ang mga biro ng bangkero.
Napangiti lang si Ruth.
"Baka nag-aalala si Marco sa akin. Kailangan kong ipahiwatig sa kanila na buhay pa ako!"
Dinukot ni Leo ang kanyang phone at ibinigay kay Ruth. Hindi na nagdalawang-isip na tawagan ang asawa, kabisado nya naman ang phone number ng asawa. Panay ang ring ng phone ni Marco at ilang sandali—
"Hon! Hon!" masayang tinawag ni Ruth ang asawa.
Sa kabilang banda ay si Victoria pala ang sumagot ng phone ni Marco. Nagulat sya at tila natatakot sa narinig. Buhay pa si Ruth! Ilang sandali ay dumating si Marco at napansin nyang hawak-hawak ni Victoria ang phone. Kaagad nya itong kinuha at tiningnan. Tumatawag ang unregistered contact number. Kaagad nya itong sinagot. Narinig nya ang boses ng asawa. Nanlaki ang mga mata ni Marco. Ang kanyang kaba ay napalitan ng saya.
"Hon! Nasaan ka? Pupuntahan kita!" abot-tenga ang ngiti ni Marco sa sandaling iyon.
"Pauwi na ako ngayon. Napadpad ako sa Isla Verde at nakita ko si Leo!" sagot ni Ruth na may malalim na boses.
Napatulo ang mga luha ni Marco. Nagulat din sya na andito na si Leo sa Pilipinas.
"Akala ko, wala ka na! I love you, honey!"
Lost signal
Kaagad namang pinatay ni Marco ang phone at dali-daling nag-impake.
"Aalis ka na? Hindi ka man lamang magpapaalam sa akin?" nagagalit na sinabi ni Victoria kay Marco.
"Victoria! She's my wife! My wife needs me!" bulalas ni Marco dahil hindi na makayanan ang pinagdadaanan nya.
"Yes! I'm a mistress! I'm just your mistress!" napasigaw rin si Victoria dahil sa emosyong bumabalot sa kanya. "Pero sana maisip mo rin that I need you too!"
"Mas matimbang sa akin si Ruth. And that will never change. She's my wife!" nagagalit na sinabi ni Marco habang dinuduro-duro ang babae, saka kinuha ang maleta at binuksan ang pinto.
"Sa oras na lumabas ka, guguluhin ko ang buhay nyo!" banta ni Victoria sa lalaki. Napalingon sa kanya si Marco. Hindi sya pinansin ng lalaki at saka tumuloy ito.
Napahagulhol naman si Victoria. Hanggang sa may bumaon sa kanyang isipan.
"Gagawa ako ng pasabog!"
INIHATID ni Leo si Ruth sa kanilang bahay sakay ng kotse ng lalaki. Medyo natagalan sila dahil may kalayuan ang Isla Verde sa Ciudad de Oro. Sumilip si Leo upang makita ang bahay nila.
"Ang ganda ng bahay nyo, at ang laki!" napamangha si Leo sa bahay nilang mag-asawa.
Ngiti lang ang ginanti ni Ruth.
"Maraming salamat, Leo!" pasasalamat ni Ruth sa lalaki, saka bumaba ng kotse. "Pumasok ka nalang kaya muna. Hintayin mo nalang si Marco dito. Total, nasa byahe na sya!"
Hindi na nagdalawang-isip si Leo. Wala naman syang gagawin sa araw na iyon. Gusto nyang makita ang kanyang kaibigan dahil hindi na sila nagkikita nang napakatagal na panahon.
Nang pumasok na sya ay nakita nya ang kanyang ina, at ang mga magulang ni Marco na tila alalang-ala sa nangyari sa kanya. Kaagad syang niyakap nito, at aang mag-asawang Montrillo.
"Thank God at walang nangyari sa'yo!" nagagalak na sinabi ni Helena. "Almost 4 hours ka nang pinaghahanap ng mga rescue team!"
"Napadpad ako sa Isla Verde, buti nalang at nakita ko si Leo!" sagot ni Ruth.
Saka pumasok ang lalaki at nagulat ang mag-asawang Montrillo. Pamangkin kasi nila si Leo. Kaagad namang niyakap ni Veronica at Don Roberto ang lalaki.
"How's your life? Where's your dad?" tanong ni Don Roberto sa lalaki at nagagalak na nakita ang pamangkin. Pinsan ng don ang ama ni Leo.
"He's here. Aasikasuhin nya ang shop namin!" sagot ni Leo, gumagawa sila ng footwear, ang Vestige.
Tinapunan ulit nila ng pansin si Ruth.
"Oh, may sugat ka!" nag-aalalang sinabi ni Helena habang tinitingnan ang braso ng anak na may nakatakip na bandage.
"Wala ito, Ma! It's nothing. Gasgas lang ito" sagot ni Ruth. "I need to wash. Maiwan ko muna kayo, at ilang oras nalang baka dumating na si Marco". Kaagad silang iniwan ng babae at nagkwentuhan.
Matapos mag-ayos si Ruth sa kanyang sarili ay bumungad ang gandang binahiran ng trahedya. Nakatingala ang lahat sa kanya habang bumaba sya. Para syang dyosa at prinsesang sumasabog ng kagandahan.
Napatulala si Leo sa kanyang kagandahan. Parang may bumagabag sa kanyang isipan. Parang umiba ang kilos ng tibok ng kanyang puso. Love at first sight? Pero kilala na nya dati pa si Ruth. Pero ang problema ay hindi nya pa ito nakita in person. At ngayon, nasa harap na nya ang babaeng minsan nyang hinangaan.
Ginantihan ni Ruth si Leo ng isang ngiti. Napansin ni Ruth na kanina pa nakatingala si Leo sa kanya.
"Leo," naputol ang kanyang pagkatulala nang tinawag sya ni Helena. "Sa susunod na araw na ang birthday celebration ko. I want you to be there!"
"Sure!" sagot agad ni Leo, at tila nasiyahan sa sinabi ni Helena. "Gusto kong sulitin ang mga araw na wala ako dito sa Ciudad de Oro".
"Nagpahanda na ako ng pagkain. Let's eat habang hinihintay natin si Marco!" yaya ni Don Roberto, at kaagad na tumungo sila sa hapag-kainan.
Maraming pagkain ang hinain para sa pagdating ni Leo at dahil na 'rin sa pasasalamat nila dahil ligtas na nakauwi si Ruth mula sa trahedya. Medyo nanghihina pa si Ruth kaya medyo matamlay sya pero pinapakita nya sa kanila na malakas pa sya.
Nasa dulo nakaupo si Don Roberto, kahit na bahay iyon nila Marco at Ruth. Si Don Roberto kasi ang nagregalo ng bahay at lupa para sa kanila noong ikinasal sila. Kaya malaki ang respeto nila sa matandang donyo.
Isang plato ng tempura ang inilapag sa hapag-kainan. Tiningnan ito nang tiningnan ni Ruth. Ngunit allergic sya dito. Allergic sya sa prawns at shrimps.
"I'm with the steak!" nakangiting sinabi ni Ruth sabay abot sa kanya ng beef steak na nasa plato.
Ilang sandali ay dumating na si Marco at dali-dali nitong niyakap ang asawa. Napahagulhol ito dahil sa nangyari. Niyakap sya nang niyakap na parang hindi na nya papakawalan pa.
Napatawa nalang si Ruth sa ginawa g asawa. Ang mga taong nakapalibot naman sa kanila ay tila kinikilig sa nangyayari.
"I thought, I'm gonna loose you! I think you will leave me!" umiiyak na sinabi ni Marco.
"It's okay, hon. At least I am safe now. Umupo ka na! I'm okay, and I'm always alright!" matamis na sinabi sa asawa at hinalikan ito sa noo.
"I'm always here for you" tugon ni Marco kay Ruth na tila napapawi na ang naghahalong pangamba at lungkot.
Habang nakatingin sa kanila si Leo. Isang malungkot na tingin na parang nais may iparating.

BINABASA MO ANG
Tres Amantes [Completed]
RomanceSi Ruth, isang simple at magandang asawa ni Marco Montrillo, ngunit sa isang iglap ay magbabago ang kanyang buhay dahil sa pangangaliwa ng kanyang asawa at sa isang aksidente. Muli syang babangon bilang isang bagong karakter na handang pabagsakin an...