Chapter 2

0 0 0
                                    

Others

Hanggang sa makauwi ako sa bahay nang hapon, hindi pa din natatanggal ang ngiti sa labi ko. Well, I just met 'baliw'. Ke-kwento ko 'to kay Ateeee!

Ate Ayana Amfy Mandarit, my older sister. Kaya lang wala na siya sa bahay kasi maagang nakapangasawa. But it's okay for Dad, as long as Ate will finish her Education.

"Anak, how's the first day?" Mama said and embraced me. Niyakap ko din siya at hinalikan sa pisngi.

I smiled when I remember my first day. "My first day was a blast, Ma! Sobrang dami kong bagong kaibigan!" then I remembered my whole Gang. Sobrang dami nga.

Umakyat na 'ko sa kwarto ko para magpahinga bago kami kumain mamaya. It's just 5 in the afternoon, I have a lot of time to sleep.

Nag-palit lang ako ng pang-tulog na pajama partner. And went to bed to sleep!

*tok*tok*tok*

"Anak, dinner's ready!" Mama shouted from the door.

Anong oras na ba? I checked my phone and it's 8:30 in the evening.

Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Walang pake kahit nakapantulog lang ako at magulo pa ang buhok ko. It's Papa and Mama lang naman so no worries…

Tamad akong bumaba ng hagdan. Ng napaka-laki naming hagdan. Ewan ko ba kay Mama! She chose a very big house like a Mansion for us. E, pwede namang maliit na bahay lang. Kaya naman tinatamad akong mag-libot dito sa bahay namin, I prefer sleeping in my room.

Nang makababa ng hagdan, nakarinig ako ng tawanan sa may bandang Dining area. Hindi naman ganun ang tawa kapag si Mama at Papa lang. They used to laugh, we used to laugh often pero ngayon… madaming tao ang tumatawa kasabay nila Papa. May bisita ba kami?

Ganun na lang ang gulat ko ng makita kung sino ang aming bisita…… Phoenix is laughing with his family and mine!!!

Kami pala ang family friend na sinasabi niya?!? Waahh.

Nang makita nila 'kong pumasok sa dining area ay natigil sila sa kakatawa. Oh my god!

Nagkamot ako ng buhok kong magulo. "A-Ano… Hi?" and I smiled awkwardly. I can see amusement in Phoenix's eyes kaya agad kong naalala ang itsura ko. "Ma, Pa. A-Akyat lang p-po ako sa-saglit." at kumaripas na 'ko ng takbo paalis duon.

Bakit hindi sinabi ni Mama na may dadating pala kaming bisita?! At bakit hindi sinabi ni Phoenix na kami ang kasama nila sa dinner?! My god! Pahiya to the highest level ako duon! Ano na lang sasabihin ng mga magulang ni Phoenix?! Na ang anak ng mga Mandarit ay hindi marunong mag-ayos?! Wwaaahhhh!

…… Wait.…

Bakit ba ako affected?! Ano naman ngayon kung nakita nila 'kong naka-pantulog lang at magulo ang buhok at 'di alam kung may muta ba o ano?! Ha?!

Imbes na sisihin pa ang kung sino, nag-ayos na lang ako. Naghilamos ng mukha at nag-palit ng pang-bahay na damit. Dark Blue Blouse at black short shorts. Nag-pulbo lamg din ako at bumaba na. What's the use of lipstick kung mabubura lang din naman kapag kumain?

Naabutan ko si Mama na inaayos na ang kakaluto lang na ulam. Ha? Akala ko nagsimula na silang kumain kanina pa.

"Oh ayan na pala ang anak ko. Mukha nang Mandarit." Papa said and they all laughed.

Umirap na lang ako kay Papa at lumapit sa usual seat ko sa table. I'm always in the right side.

Pansin ko ang ngiti at titig sa akin ng Mom ni Baliw. She's pretty. Phoenix got her blue eyes. "I'm Elena Serentino. Phoenix's Mom. You call me Tita." I accepted Tita's hand and shake it. "Avon po."

Irreplaceable Where stories live. Discover now