Niregaluhan ako ng aking mommy at daddy ng isang manika para sa aking ikawalong kaarawan. Tuwang tuwa ako dahil halos kasinglaki ko ang bago kong manika. Agad kong binuksan ang kahon at inilapag sa sahig ang manika pagkatapos ay pinindot ko ang switch na nasa likuran nito. Sumayaw ito ng mahinhin sa saliw ng awiting nanggagaling sa maliit na speaker na nakakabit sa kanya. Pumapalakpak ako sa tuwa at nagsimula na ring sumayaw. Dahil na rin sa kagaslawan ko ay nasagi ko ang aking bagong manika. Bumagsak ito nang padapa. Nang itinayo ko ito ay may biglang nahulog mula sa likuran nito. Tumambad sa akin ang bukas na likuran ng aking bagong manika. Gumapang ang kilabot sa buo kong katawan. At mas nahintatakutan ako nang kindatan ako nito.
Nagtatakbo ako palabas ng aking kwarto sa matinding takot. Doon ko nasalubong ang aking mommy at daddy na kagagaling lang sa grocery. Iniabot nila sa akin ang bagay na nalimutan daw nilang ibigay sa akin kanina para malaro ko ang aking bagong manika.
Ano nga ba ang dapat niyang ikatakot?
=)
***the whole book is available at https://stories-on-the-go.myshopify.com. salamat po :)
BINABASA MO ANG
Spooky Palaisipan (vol. 1) (completed)
HorrorNa-inspire akong gumawa ng mga nakakatakot na palaisipan dahil sa nabasa kong scary riddles dito sa wattpad. Pero itong mga palaisipan na ito ay sariling akin, hehehe! Pinaghirapan at pinulbos ng sarili kong dugo't pawis. walang mali o tamang sagot...