Isa ako sa mga masasabing pinakamaswerteng babae sa mundo. Hindi dahil sa maganda, seksi, matalino, o mayaman ako, kundi dahil sa kasintahan kong labis ang pagmamahal at pag-a-aruga sa akin. Hinding hindi nito nakakalimutan na regaluhan ako tuwing aming anniversary.
Nung 1st anniversary namin ay niregaluhan niya ako ng paborito kong libro.
Nung 2nd anniversary namin ay niregaluhan niya ako ng kwintas.
Nung 3rd anniversary namin ay niregaluhan niya ako ng sapatos.
Nung 4th anniversary namin ay natuklasan naming may terminal colon cancer siya at tinaningan ng walang-hiyang doktor ang kanyang buhay. Hindi na raw siya tatagal ng isa pang taon. Ngunit dahil nga mahal na mahal ako ng aking kasintahan ay niregaluhan pa rin niya ako. Hindi ko maipaliwanag ang ligayang aking nadama ng iabot niya sa akin ang regalo niyang singsing at yayain na niya kong magpakasal. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad na pumayag na pakasalan ang aking mapagmahal na nobyo.
Kaya naman hinding hindi ko malilimutan ang aming unang anniversary bilang mag-asawa. Hinagkan niya ako habang inaayos ko ang bulaklak at pagkain na dala dala ko sa aming tipanan, at pagkatapos niyon ay niyakap niya ako ng mahigpit habang patuloy ang pag-ihip ng masamyong hangin mula sa mga punong nagsisilbi naming lilim.
=)
BINABASA MO ANG
Spooky Palaisipan (vol. 1) (completed)
HorrorNa-inspire akong gumawa ng mga nakakatakot na palaisipan dahil sa nabasa kong scary riddles dito sa wattpad. Pero itong mga palaisipan na ito ay sariling akin, hehehe! Pinaghirapan at pinulbos ng sarili kong dugo't pawis. walang mali o tamang sagot...