Electric Fan

11.6K 238 109
                                    

Sobrang minalas ang pamilya namin ngayong taon na ito. Parehas na nawalan ng trabaho si mama at papa. At dahil wala nang pumapasok na pera para sa aming pamilya ay naputulan kami ng kuryente, pinapalayas na kami ng landlord, tumigil kaming magkakapatid sa pag-aaral, at napilitan kaming magtrabaho sa aming murang edad. Parating madilim ang aming bahay tuwing uuwi ako galing sa maghapong pagtitinda ng mais sa may malapit na eskwelahan.  

Nung minsang umuwi ako ng bahay ay wala akong nadatnan na tao. Nagsindi ako ng kandila at tumungo sa sala para kainin ang nabili kong lugaw sa kanto. Napatingin ako sa may hagdanan namin nang may madinig akong mga yabag na nanggagaling dito.  Hindi ko maaninag kung may tao roon dahil sa dilim na bumabalot sa buong bahay. Tanging ang sala lamang ang may ilaw na dulot ng aking paubos na na kandila. Tinawag ko ang aking nanay, tatay, at mga kapatid sa pag-aakalang sila iyun ngunit wala akong sagot na nadinig. Pinagpatuloy ko ang pagkain ng mainit na lugaw.

Pagkatapos kumain ay nakaramdam na ako ng antok kaya't umakyat na ko sa aking kwarto. Dahil sa tindi ng init ay naisipan kong buksan ang electric fan na nasa tabi ng aking nakasarang bintana. Lumakad ang kilabot sa buo kong katawan nang haplusin ng napakalamig na hangin ang aking mukha.

;-)

Spooky Palaisipan (vol. 1) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon