Sa loob ng interrogation room ay hindi mapakali si Vincent. Natagpuan ang kanyang ina na duguan sa loob mismo ng kanilang bahay. Ipinatawag si Vincent ng mga pulis para tanungin. Lalong nabalisa si Vincent nang pumasok na sa kwarto ang pulis na mag-i-interrogate sa kanya. Nginitian siya ng imbestigador pagkatapos ay umupo sa silya na kasalungat ng pwesto ni Vincent.
"Nasaan ka kaninang alas-dose ng tanghali?" paunang tanong ng imbestigador.
"Nasa school po," sagot ni Vincent.
Tumango ang imbestigador. "Hindi ka umuwi sa inyo para mananghalian?"
"Hindi po," nakayukong sagot ni Vincent.
"Nag-do-droga ka ba?"
"Naku, hindi po," mariin na pagtanggi ni Vincent.
Tinitigan lang siya ng imbestigador. Kinabahan lalo si Vincent.
"Pinatay mo ang nanay mo, hindi ba? Dahil hindi ka niya binigyan ng perang pambili ng droga," sabi ng imbestigador na mabilis na nakapagpainit ng ulo ni Vincent. Pinaparatangan siya nito!
"Pinagbibintangan mo ko na pinatay ko ang sarili kong ina? Anong ebidensya mo ha?" galit na singhal ni Vincent sa imbestigador.
"May testigo kami..."
Tumayo si Vincent sa kinauupuan niya at nagpupuyos na sinagot ang imbestigador, "asan ang testigo niyo?! Nagsisinungaling yun!"
"Hindi ka pa bihasa gumawa ng krimen," natatawang tugon ng imbestigador.
Pagkasabi niyon ay inutusan nito ang mga pulis na nakaantabay na posasan na si Vincent. Nagwala ang binata ngunit mas malakas sa kanya ang mga maskuladong pulis.
Paglabas ng interrogation room ay nalaman ni Vincent kung sino ang sinasabing testigo.
Nang malaman niya kung sino ang testigong ito ay nagpalahaw siya ng iyak sapagkat batid niyang hindi na niya matatakasan pa ang batas.
Sino ang testigo?;-)
BINABASA MO ANG
Spooky Palaisipan (vol. 1) (completed)
HororNa-inspire akong gumawa ng mga nakakatakot na palaisipan dahil sa nabasa kong scary riddles dito sa wattpad. Pero itong mga palaisipan na ito ay sariling akin, hehehe! Pinaghirapan at pinulbos ng sarili kong dugo't pawis. walang mali o tamang sagot...