Beth's PoV
Kung malala ang makikita sa loob ng Village mas malala ang makikita sa labas!
Nakakapanlumo.. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Anong mangyayari saamin neto? Saan kami pupunta?
Huminto ang sasakyan sa lugar na halos konte lang ang Zombie. Hindi sila yung klase ng Zombie na nanghahabol o mabilis tumakbo. Parang pagong lang silang maglakad sa bagal. Tsk WALKERS
Lumabas si Uncle Daryl, Dad at Kuya Glenn sa sasakyan.
"Pupunta tayo sa isang mall o supermarket o kahit saang lugar makakuha lang ng pagkain at iba pang kakailanganin." - Daryl
Tumango lang ako at tiningnan si Carl. Halatang pagod. "Carl, naririnig mo ba sinabi ni Uncle Daryl? Makipag-cooperate ka naman kailangan ka dito! Buhay ang nakataya dito!""Alam ko narinig ko Beth." malamig niyang sabi. Napaka sungit talaga netong kapatid ko na 'to. Hindi rin siya sanay na tawagin akong 'Ate'. Bastos noh?!
"Carl!! "- Beth
"Oo na! Tss." sabay baba ng sasakyan.Tinawagan ni Dad si Tita Michonne para Alamin kung kumusta ito. Narinig ko pang sinabi ni Dad na pumunta dito para magkita kita at magplano.
"30minutes. Wait for Michonne. Naghahanda lang sila para makapunta dito. Sa loob muna tayo ng sasakyan. Isara niyo ang mga bintana at pinto ng sasakyan at i-lock niyo. Lagyan niyo ng tabing ang bintana para hindi tayo makita ng Zombies sa loob.""Walkers Dad. " -Beth
Tumango sila
"..Yeaah Walkers.." "Kumain muna kayo sa loob ng sasakyan. " -Rick
Nang makapasok sa sasakyan ginawa ko ang utos ni Dad nasa backseat ako ng sasakyan. Tinted naman ang sasakyan pero mas sigurado na diba? Siniksik ko ang panyo ko sa bintana. May lima akong panyo at dinala ko yun At salamat magagamit naman. Girlscout Always ready! Joke.Kumain lang kami sa loob ng sasakyan. Buti at nag grocery si Dad nung isang Araw kaya may nadala kami. Spam at tubig lang sapat na.
Rick's PoV
Maya-maya ay tumawag na si Michonne para sabihing nasa likod lang ng sasakyan namin sila. Walang walkers sa paligid kaya safe naman daw at lumabas kaming lahat. Tatlong sasakyan sila. Maganda to mas marami kaming mapaplano. Wala na kaming inaksayang oras.
"Glenn mga gamot ang kunin niyo. Kasama mo si Maggie" at may kasama pa silang dalawang lalake na kasama nila Michonne kanina .
"Beth and Carl, Mga pagkain at tubig ang kuhanin niyo. Mga canned goods, Noodles, tubig at kahit anong pagkain na makakakain sa daan.
"Daryl sa mga weapons ka pumunta. Sa mga bilihan ng baril, mga espada, mga bomba at iba pang gamit para panlaban sa Walkers. Isama mo ang ibang tauhan."
" Ang iba maghanap ng matataguan na bahay o kahit ano pa basta safe tayo. At kumuha pa ng mga bagay na kakailanganin."
" Kukuha ako mga battery para sa sasakyan at sa mga Cellphone."
" Michonne isama mo ang ibang tauhan mo. Kumuha kayo ng sasakyan at ng mga gasolina."
"Makipag agawan lang. Kailangan natin to. Tumawag kayo pag okay na. Dito tayo magkita kita. Maiiwan ang isang sasakyan at ibang tao alam niyo na ang gagawin. "
---
HAHAHAHA! PASENSYA NA PO ETO LANG TALAGA KAYA KO. 😅
BINABASA MO ANG
The Walkers [ On-Going]
Science FictionThis is a story about Zombies with matching love story! Charot! 😂 Hindi po ako magaling gumawa ng story at hindi ako gano'n kagaling sa English kaya wag niyong tawanan ang mga pinaggagawa ko dito. 😂✌ Inspired po ito ng THE WALKING DEAD. Trip...