Gulong-gulo sina Rick sa kanilang nakita sa labas hindi nila alam kung anong nangyari . Dati'y napapanood lang nila ang ganitong eksena sa pelikula ngunit paggising lang nila ay hindi sila makapaniwalang totoo itong mangyayari sa kanila.
Rick's PoV
"Carl, Beth, isarado niyong mabuti ang pinto. Carl tawagan mo si Glenn itanong mo kung asan sila at kung okay lang ba sila. Paniguradong alam nila ang nangyayari dito. " ano to? Ano tong nangyayari sa paligid? Tanong ni Rick sa sarili na hindi makapaniwala sa nakikita.
" Dad! Kanina pa tumatawag si Kuya Glenn. 46 missed calls Dad! " - Carl
"Dad ano bang nangyayari sa labas???" -Beth
" Kalma mga anak, Sa tingin ko ay isa tong Zombie outbreak hindi ito isang laro o panaginip lamang. I-secure niyo ang buong bahay! Siguraduhin niyong naka-lock ang pinto pati narin ang bintana lagyan niyo ng harang." Sinusubukang pakalmahin ni Rick ang sarili para hindi matakot ang mga anak niya. "Akin na ang cellphone Carl at ako ang tatawag sa Kuya Glenn mo. " tinawagan ni Rick ang kanyang pamangkin na si Glenn hanggang sa pangpitong tawag ito sumagot.[" Kuya Rick! Hindi ako makapaniwala sa nangyayari! Kanina pa ako tumatawag pero hindi kayo sumasagot! Manatili lang muna kayo sa bahay at maghanda ng mga gamit niyo!"] - Glenn
["Maayos lang ba kayo jan asan ang Papa mo?"]
[" Nagpaplano kami ni Papa kung paano makakaalis dito sa bahay."] - Glenn
["maaari ko bang makausap ang Papa mo?"] - Rick
["Daryl!...."] - Rick
["Mag-ayos kayo ng Gamit ng mga anak mo Rick! Damit, Makakain,Gamot at kahit anong magagamit ang pwedeng ipanlaban natin na pwedeng pampatay sa mga Walkers. Tumawag kayo pagkatapos niyong magayos at pupuntahan namin kayo sa bahay niyo."] -Daryl
Namatay ang linya at sinunod nila ang bilin ni Daryl.
Kumuha sila ng Damit, pagkain tulad ng Chocolate, Mga canned goods, First aid kid, Flashlight at inilagay sa Bag .
Nang matawagan si Daryl, Nagplano sila sa paglabas sa bahay. Upang harapin ang mga Zombies. Isa-isa silang may hawak ng mga sandata tulad ng Kutsilyo, Baseball bat, Pala at mga baril. Pulis si Rick kaya may ganito siyang gamit.
"pagbukas ng pinto lahat ng Zombie na madadaanan niya ay patayin niyo. Nasa labas ng Village. Pupunta ako sa garahe habang pinapatay niyo ang Zombies papaandarin ko ang kotse at aalis tayo dito. Maghanda kayo"
Carl's PoV
What the Fuck is Happening!!? Puro dugo, putol-putol na parte ng katawan ng tao at mga taong kumakain ng kapwa tao. Is this for real?! Para akong nananaginip matapang akong lalake pero nanginginig ang mga paa ko sa nakikita ko.
"Dad, are you sure makakaligtas tayo dito sa gagawin natin? Paano kung tayo naman ang maging zombie??"" Pwede ba Carl?! Hindi ito ang panahon para matakot!" - Beth
Really?? Lalabas kami ng bahay habang may mga lalapit sa amin para kainin kami at Ano? Pala, kutsilyo baseball bat ang gamit laban sa Daang-daang Zombies!? Hindi daw muna gagamitin ang baril dahil baka daw makatawag pa ng maraming Zombies. Narinig ko ng nagsalita si Dad.
" Get Ready. Pagbilang kong tatlo Labas, At palo sa ulo. Alalayan niyo ko papuntang garahe.. 1... 2.... 3..."
Paglabas palang sa pinto ay may tatlong Zombie sa Pinto na agad naming pinalo sa ulo. Habang naglalakad kami ay mas maraming Zombie pa ang nakakasalubong namin. May tatlong zombie akong pinapatay at hindi ko namalayan na may zombie sa likod ko buti nalang at nandyan si Beth. "Wooah! Muntik na ako dun! Thanks Beth!"
"ATE Beth." - Beth
"Whatever"- Carl
"Magingat sa susunod Carl!" sigaw ni Dad
At nandito na kami sa garahe . Kasalukuyang pinapaandar ni Dad ang sasakyan at patuloy parin kaming pumapalo ni Beth sa Zombies. Umandar na ang sasakyan naglagay muna kami ng gas sa Likod ng sasakyan. Ganito talaga si Dad may extrang Gas para hindi laging bibili. Nice magagamit namin to kung sakaling maubusan kami. Palabas na kami ng Village ng makita namin ang sasakyan ni Uncle Daryl at umalis na kami dito.
BINABASA MO ANG
The Walkers [ On-Going]
Science FictionThis is a story about Zombies with matching love story! Charot! 😂 Hindi po ako magaling gumawa ng story at hindi ako gano'n kagaling sa English kaya wag niyong tawanan ang mga pinaggagawa ko dito. 😂✌ Inspired po ito ng THE WALKING DEAD. Trip...