Thought #2: Status

22 2 0
                                    

Chapter 2

This is normal, right? Yeah. You can't always be happy everytime. I just hope this ends...

"How's the patient in 305?"

"Currently in coma..."

"Ano daw ang health status?"

"Hindi ko na narinig yung sabi ni Doc. Reyes eh. Bumalik na ako ng station kasi may inattend pa akong isang pasyente sa kabila."

"Kawawa naman yung dalaga..."

"Hindi ito ang unang beses siyang sinugod sa ospital."

"Talaga?"

"Saan mo narinig yan?"

"Ano daw nangyari?"

"Nandito rin siya limang buwan ng nakaraan. She had linear cuts on her wrists and scratches."

"Suicidal?"

"Grabe na talaga ang mga kabataan ngayon."

"Mukhang maraming napagdaanan ang batang iyan."

"Mayroon atang problema sa pamilya niya..."

"Matalino iyan. Kakilala ng pamangkin ko, parehas pa yata ng eskwelahan. Active daw ang batang iyan. Palaging pinupuri ng mga teacher."

"Narinig ko din na may personality disorders daw siya. Mostly anxiety o depression. Iba't-ibang mga behavioural disorders pa."

"Sayang. Bakit naman niya itatapon ang buhay niya para lang sa problema?"

"Ano ka ba naman! Bakit ganyan ka mag-isip?"

"Nakakapagtaka nga lang kasi."

"Alam mo, hindi porket nakikita mong maayos ang buhay ng isang tao ay wala na silang problema. Ang mga nakakatakot ay yung mga palaging nakangiti dahil hindi mo alam kung ayos lang ba sila o hindi..."

"Tama. Hilig pa naman ng mga kabataan ngayon, naghahanap ng kung mga habits para makalimot ng problema."

"Iba na talaga ang ginagawa ng depression, noh?"

"Yang depresyon depresyon na iyan! Nung kapanahunan ko, walang ganyan sa amin. Kung may problema, lalaban pa rin dapat!"

"Iba na ho ngayon, eh. Madali ng sumuko ang mga tao ngayon."

"Kaya nga sinasabihan ko na rin ang mga anak ko na kung may problema sila ay sabihin lang sa akin."

"Hindi naman lahat ng mga bata expressive. Meron ding mahilig na kimkimin na lamang ang saloobin nila."

"Pwede rin naman silang magpaschedule sa therapist or psychiatrist."

"Alam mo namang hindi lahat gustong makipag-usap sa hindi kakilala tungkol sa problema nila."

"May kakailala akong sinubok sa psychiatrist. Hindi daw kasi makatulog sa gabi at baka kung ano pa ang magawa niya sa sarili."

"Oh talaga? Ayos naman na ba siya?"

"Mukhang hindi. Naging dependent sa mga anti-depressants. Eh alam niyo namang kapag nasobrahan nun may mga kung ano-anong epekto."

"Nakakalungkot naman."

"Oo nga eh, paano ba naman kasi. Hindi na naaasikaso ng magulang. Nagiging pariwara pa ang buhay dahil siguro sa impluwensiya ng barkada."

"Paano na lang din kaya kung mapunta rin yun dito?"

"Huwag naman sana! Huwag ka ngang ganyan fren!"

"Marami na ring namatay dahil sa pagpapatiwakal noh."

Thoughts of a SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon