Chapter 9: Fall Apart

1.3K 38 0
                                    


Roger POV

Lumabas ako ng office kung nasan sila Deira.Bakit nagkataon pa na nandoon si Catalina sa Underground ng matanggal ang maskara niya?Sabi ni Catalina ay mabilis din ang pagbabalik niya ng maskara kaya paanong nakuhanan niya ang mukha ni Kim?Posible bang hinihintay niya talaga ang pagkakataon na iyon?Hindi man lang nagiingat si Kim.Kahapon ko lang nalaman na siya ang Devil nang saktong pagpasok ko ng kwarto niya ay nagpapalit siya ng damit at agad kong napansin ang tattoo sa bandang bewang niya.Nung una ay itinatanggi niya pa pero inamin niya din.

Lumabas ako ng HQ para puntahan si Kim ngunit napatigil ako sa paglalakad papunta sa kotse ko ng maalala si Deira.Maling mali ang ginagawa ko ngayon.Nakikipagkita ako kay Kim kahit alam ko na ikakasira namin ito ni Deira pero anong magagawa ko?Iba ang sinisigaw ng puso ko sa isipan ko.Hanggang ngayon siya parin ang mahal ko na kahit na malaman ko na isa siya sa Black Ace ay hindi ko siya kinalaban.Dapat ay hulihin ko siya pero kapag nakikita ko siya ay gusto ko lang siyang yakapin.Hindi ko magawang magalit sa kanya.

Kahit anong gawing pagtataboy ko sa kanya at pagtuon ng pansin ko kay Deira ay sa bandang huli si Kim Liaxoa parin ang laman ng puso ko na handa akong traydorin ang shadow corp para lang sa kanya.I'm such a stupid man.Ganto nga siguro kapag tinamaan ka ng pana ni kupido.Handa kang maging tanga para sa taong mahal mo.Kapag nalaman ng lahat na si Kim ang Devil ay siguradong gagawa sila ng paraan para mahuli siya at siguradong bibigyan din siya ng parusang kamatayan...Hindi ko kayang Makita si Kim sa ganoong kalagayan.Minsan na siyang nawala sakin at hindi ko hahayaang kuhanin uli siya palayo sakin ng tadhana.Kailangan kong pigilan si Catalina...Pipigilan ko siya sa kahit anong paraan kahit pa ang paraan ay burahin siya sa mundong ito.

That's love; you're willing to risk everything just to protect the one you love.

Sumakay na ako ng kotse pero may kung anong pumipigil sakin na paandarin ito.She needs me now lalo na at mukhang natalo pa siya ng leader ng Red Vindicta.How can that person beat Kim?Kim is the Queen of Black Ace hindi ko alam na may mas gagaling papala sa kanya.

Napatingin ako sa taong tumatakbo palabas ng HQ.Bumaba naman ako ng kotse.

Deira POV

Si Kim ang Devil?Kitang kita sa litrato ang mukha niya kaya hindi mo mapagtatakpan .Hindi ko alam na doon siya dinala ng tadhana.Hindi ko inaakala na siya pala ang kalaban namin.Bakit kailangang siya pa?Lumabas nako ng office dahil nakita ko din na lumabas si Roger.May alam ba siya dito?

"San ka pupunta?" tanong sakin ni Catalina

"Susundan ko si Roger.Sa tingin ko mas maganda kung mamaya nalang ulit natin pagusapan uli ang bagay na ito" sabi ko

Tumango naman siya at mukhang may malalim na iniisip.Bumaba naman na ako ng HQ at pagkababas ko ay nakita ko na bumaba siya ng kotse.Pupuntahan niya nanaman ba si Kim?Alam ko naman na lagi silang nagkikita ni Kim.Simula ng dumating si Kim ay medyo naging cold na sakin si Roger pero syempre winalang bahala ko nalang kasi alam ko na kung bakit siya nagkakaganon.Lagi niya kong inaayang lumabas dahil may gusto siyang sabihin pero ako laging umiiwas kasi natatakot ako sa kung anong gusto niyang sabihin.Hindi pako handang marinig ang mga bagay na iyon dahil alam kong masasaktan ako.I always wish na sana hindi dumating ang panahon na iiwan niya ko pero nararamdaman ko na nalalapit na ang araw na ito.

Lumapit naman ako sa kanya at siya naman ay nanatiling nakatayo lang at parang inaantay ako.

"Pupuntahan mo siya?" malungkot na tanong ko pero pinilit ko paring ngumiti.

Mukhang kahit si Kim ang Devil ay handa niyang tanggapin ito.Sabagay bakit hindi...Siya si Kim Liaxoa ang taong mahal na mahal niya noon pa man.Kahit noon pa nga na ayaw ng mga magulang niya kay Kim pero nakikipagkita parin siya dito kahit na pag uwi niya ay matinding galit ang sasalubong sa kanya.

"She's the Devil.Ang taong matagal na nating hinahanap.Isa siya mga Black Ace na dapat parusahan" sabi ko ng hindi siya sumagot

"Kaya mo bang patayin siya?" tanong ni Roger na ikinagulat ko.

Patayin si Kim??Ang taong iniligtas ang buhay ko...Ang bestfriend ko...Ang taong dati ay palaging iniiyakan ko dahil akala ko ay patay na siya.

"Of course no" sagot ko sa tanong niya.

"Ah bakit ko ba tinatanong ang bagay na iyon kung hindi naman siya ang Devil.Nagkamali lang si Catalina.I'm sure of it" sabi niya at ngumiti sakin.

Ngiting walang laman.Isang ngiting peke.Pinagtatakpan niya si Kim siguro ay matagal niya nang alam na si kim ang Devil.Kung ganon puro pagpapanggap lang ang ginagawa niya sa harap namin.Hinayaan niyang mapagbintangan si Maxima kahit alam niyang si Kim ang totoong Devil.He's so inlove but the saddest part there is he's not inlove with me but with someone else. I love him and it's killing me.

Lumakad naman siya palapit sakin at tinap ako sa ulo.

"May pupuntahan lang ako" sabi niya at tumalikod na

Bigla ko siyang niyakap sa likod

"Stay with me ...Kapag umalis ka tapos na tayo" sabi ko

"Come on Deira naiintindihan mo ba ang sitwasyon ngayon?" tanong nito na parang nainis sa sinabi ko

"You don't have to go there.Stay here" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit pero mukhang hanggang dito na nga lang talaga kami.Mukhang gusto niya nang bumalik sa taong unang nag may ari sa kanya at iiwan niya ko.Pakakawalan ko naba ang taong pagmamayari ko ?Ay hindi kahit kelan naman ata ay hindi siya naging sakin.Mukhang si kim lang ang naging laman ng puso niya at kaya lang naging kami ay dahil may hawig kami ni Kim.

Unti unti siyang kumalas sa yakap ko.

"I'm sorry" narinig ko na sabi niya at kasabay non ang pagpatak ng luha sa mata ko.Alam ko na ang isasagot niya pero bakit sobrang sakit parin ng marinig ko ito mula sa kanya.Sumakay na siya ng kotse at umalis.

It hurts...

Revenge of the QueenWhere stories live. Discover now