Chapter 7: Queen vs Queen

1.5K 47 1
                                    


Gian POV

Napangiti ako ng Makita ang babaeng pumasok sa underground.Sigurado akong siya ang lider ng Red Vindicta.Iba ang dating niya at pula ang suot niyang maskara.Sigurado akong isa sa mga simbolo iyon ng Red Vindicta.What's with her?Bakit gusto niyang manipulahin ang Black Ace underlings lalo ang mga underlings ni Demon?Tsk nasaan na nga ba ang King ng Black Ace dapat nandito rin siya lalo na at may umaagaw ng mga tauhan niya.Sabagay ano ba ang aasahan ko sa taong iyon kung kaya niya naman pasunurin ang lahat kahit hindi niya tauhan.Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng gumawa na ito ng palabas at sanggain ang bala mula kay Devil gamit lang ang katana.She must be a sword master especially in katana.Kapag gumagamit ako nito ay medyo nahihirapan ako sa pagwasiwas ng katana.Nagkaroon na ng komosyon sa paligid ng tumakbo ito papunta kay Devil.There she is again losing her patience .I'm sure na hindi niya mapigilan ang sarili niya kaya pinaputukan niya ng baril ang lider ng Vindicta.Napakunot ang noo ko ng mabilis na dumaan sakin ang babaeng nakasuot ng maskara.Kahit mabilis ang takbo niya ay nahuli ng mata ko ang dala dala niyang Katana.Sakin ang katana na iyon kaya alam ko ang dragon na nakadisenyo sa hawakan ng katana.Sa pagkakaalam ko si Maxima ang nagmamay ari ngayon nito pero pinapatay na siya kaya nasa pangangalaga na dapat ng Shadow Corp ang armas niya.Ninakaw ba ng babaeng ito ang katana ni Maxima o si Maxima ang babaneg kaharap namin ngayon?Sa pagkakaalam ko ay isang bangkay palang ang nahahanap nila at yun yung lalaking nakielam sa pagbitay sa kanya.There's a 80% possibility na buhay pa si Maxima dahil hindi pa naman nahahanap ang katawan niya pero imposible ding mabuhay pa siya sa dami ng natamong sugat sa katawan niya.Ipinapaalam niya ba sa lahat na buhay pa siya?O nililinlang niya lang kami gamit ang Katana?Red Vindicta...Maybe Red means blood or war and what about Vindicta?

Revenge?Is it a latin word?Ah I get it.Paghihiganti ang pakay ng grupong ito.Either this girl is Maxima or this girl is someone who wants to avenge her death.Umakyat ako sa second floor para mas Makita ang nangyayari.This will be fun.Tignan natin kung sino ang mas malakas ang Devil ng Black Ace o ang Leader ng Red Vindicta...I should not underestimate the power of Red Vindicta .If they want revenge they must be damage and suffering right now.

Damaged people are the wisest and people who suffered are the strongest

Maxima POV

Tumungtong ako sa may lamesa para umakyat pataas pero sunod sunod na paputok pa ang ginawa niya kaya naman pinangsangga ko ang katana at inilabas ang baril ko.I should shoot her too.I should show her what Maxima can do.Itinutok ko ang baril ko sa kanya at pinaputok.Alam ko na iilag siya kaya naman nagpaputok pako ng isa patama sa lugar na iilagan niya.Tinamaan ko siya sa balikat kaya medyo napaatras siya.Tumalon ako at humawak sa isa sa mga bakal para tuluyang makaakyat sa ikalawang palapag.Nakita ko na nakahawak siya sa balikat niya.

"That's how you shoot Devil." Cold na sabi ko at sumugod na.

Inilabas niya naman ang dalawa niyang baril at inasinta ako .Mabilis akong nagpaslide papunta sa kanya at pinatamaan ang dalawang baril niya gamit ang katana.Malakas kong iwinasiwas ang katana ko kaya napatalsik ang dalawa niyang hawak na baril.

"Damn!" narinig ko na bulong niya saka sinipa ako.Hindi ako agad nakailag at tinamaan ako sa tiyan.Agad akong tumayo at itinago ang baril ko.Let's make it fair.

Nakita ko na inilabas niya ang isang Ontario 490 M9 Bayonet System.Isang klase ng kutsilyo na ginagamit sa military.Tsk.Inilagay ko sa likod ko ang katana at kinuha ang sa pocket sa bandang hita ko.I want to use this kunai while fighting and I think this will be my chance to use it perfectly.Palaging katana lang ang prinapractice ko.

"Feeling mapagpakumbaba?Kahit katana ang gamit mo kaya kitang talunin kahit itong armas lang na ito ang hawak ko" Nakangising sabi niya.Kahit natatakpan ng kalahati ang mukha niya ng maskara ay kitang kita ko parin na si Kim Liaxoa ang kaharap ko

Napasmirk naman ako.

"Yun lang?Ako kahit walang armas kaya kong patayin ang isang katulad mo" mapang asar na sabi ko.

Siguradong maaasar siya sa sinabi ko.Kung ibabalik molang sa kanya ang sinasabi niya ay tiyak na maiirita siya.

Magsasalita pa sana siya pero sinipa ko siya sa mukha kaya napaatras siya.Agad naman siyang nakarecover sa pagkakaatras at sumugog sakin.Iwinasasiwas niya patama sa akin ang Kutsilyo pero sinasangga kolang ito ng kunai.Medyo napaatras ako ng malakas niyang pinatama sakin ang kutsilyo.Dala narin ng lakas niya ay napaatras ako kahit nasangga ko ito.Bigla siyang naglabas ng isang bagay sa bulsa niya at mabilis na itinapat sa mukha ko.Isang baril.

*Bang*

Buti nalang at mabilis ang mata ko at nagawa kong makailag pero dumaplis ito sa mukha ko.Damn...Hinawakan ko ang isang kamay niya na may baril at binaluktot ito kaya nabitawan niya ang hawak.Muntik ng tumama sakin ang kutsilyong hawak hawak niya kung hindi ko siya naunahan sa pagtira.

Nakita ko ang pagkagulat niya ng hawakan ko siya sa magkabilang balikat saka ako tumapak sa tuhod niya at mabilis na umikot sa ere.Medyo binend ko ang tuhod ko para matamaan siya sa mukha.Pagkatapak ko sa lupa ay nilabas ko ang isa pang kunai sa bulsa ko.

Hawak hawak niya ang panga at pinunasan ang tumulong dugo dito.Pagkatingin niya sakin ay agad kong initsa ang kunai malapit sa mukha niya.Lumingon siya para ilagan ito at ito ang hinihintay kong pagkakataon.Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at iniharap sa likod ang patalim ng kunai.Tumingin naman siya sakin.

"This is how you hit hard!" madiin na sabi ko at buong lakas na sinuntok siya.Tumama sa mukha niya ang bakal na hawakan ng kunai.

I know it hurts but it is just nothing compared to my pain. Kinewelyuhan ko siya.This scene looks familiar.Araw kung saan ako niligtas ni Damon sa pagkakahulog sa second floor.Dito ko siya unang nakilala bilang Demon ng Black Ace pero sa araw na ito walang Damon na magliligtas kapag nahulog ako.

Isinandal ko siya sa may handrail

"I won't kill you now but I'll leave something that everyone will remember" sabi ko at malakas siyang sinipa.

"Argh" inda niya at tuluyan siyang nahulog sa unang palapag.Tumama siya sa isang lamesa.

Tumingin ako sa ibaba at mukhang lahat ay nagulat.Initsa ko ang isang kunai sa ibaba na may nakasulat na Red Vindicta.Tumama ito sa malapit sa leeg ni Kim.

Ngumiti ako sa kanya.

Now the show is over...

Tumalikod na ako at naglakad paalis sa lugar na iyon

Revenge of the QueenWhere stories live. Discover now