Chapter 14 : First Target:Locked

1.4K 47 1
                                    


Zhavria POV

Napatingin ako kay Tanner.Kunot ang noo nito at may katanungan sa mukha habang nakatingin sa mga papel na nasa harap ng lamesa niya.

"May problema ba?" tanong ko at lumapit sa kanya

Tinignan niya naman ako

"Nawawala lahat ng pera ko sa bangko.Lahat ng mga property ko wala nadin sa pangalan ko.Damn" Sabi nito.

Napakunot naman ang noo ko.Posible bang may kinalaman dito ang leader ng Red Vindicta?Sinisimulan na siguro niya ang mga plano niya at ang una niyang target ay si Tanner.

Kailangan ko ng gumawa din ng hakbang ko.

"Tignan mo kung kanino inilipat ang mga ari arian mo at kung sino ang kumuha ng pera mo sa bangko" sabi ko kay Tanner

"That's one of the problem.Hindi nila matrace.Tagong tago ang identity ng taong kumuha nito.Ni katiting ay walang natira sakin!" madiin na sabi nito

Pumasok ako ng kwarto at nagpalit ng damit.Kinuha ko din ang nakatagong maskara sa ilalim ng kama ko at lumabas na ng kwarto.Napatingin naman sakin si Tanner

"Bakit suot mo ang damit ng Black Ace?Akala ko nagusap na tayo tungkol dito" sabi nito

Tama nangako nga ako sa kanya na hindi na ako babalik sa Black Ace pero eto ako ngayon at suot nanaman ang isang simbolo na ako ang Reaper.

"Zhavria?" tawag nito ng hindi ako sumagot

"May kailangan lang akong gawin" sabi ko at naglakad papunta ng pinto pero agad niya kong pinigilan at hinawakan sa braso

"Anong gagawin?Kapag lumabas ka ng ganyan malalaman nila na buhay pa ang Reaper.Remember nagtataka na sila dahil hindi nila nakita ang bangkay mo at isa pa masyadong mapanganib ang buhay ng Black Ace.Itigil mo nayan" sabi niya

"Mapanganib din ang buhay ng isang assassin" sabi ko

"Mas mapanganib ang buhay ng Black Ace dahil lahat kalaban nila" sabi naman nito

"Para sayo din ang gagawin ko" sabi ko

"Balewala ang gagawin mo para sakin kung mapapahamak ka .Just stay here and wait for me to come home" sabi niya na parang nagmamakaawa

"At pano kung ikaw naman ang hindi makauwi?Nagegets mo ba ako?Target ka ng Red Vindicta Group at sigurado akong ikaw ang una sa listahan nila" sabi ko na ikinagulat niya

"Isa ako sa pinakamalakas na assassin at hindi nila ako matatalo ng ganun kadali" sabi nito

"Ang Queen nga ng Black Ace natalo na ikaw pa ban a hindi rin kilala ang kalaban" sabi ko

"At ano?Ikaw ang haharap sa kanila?Stop it.Hindi ko makakaya kung mawawala ka pa ulit sa tabi ko." Sabi niya na parang naiinis na

"Kasama ko si Kim" sabi ko

"Wala akong tiwala na sasagipin ka niya kapag nasa panganib ang buhay mo.Baka isakripisyo ka panga niya kapag nanganganib siya" cold na sabi nito

"May dahilan kaya ginagawa ni Kim ang mga bagay na iyon.Ilang taon nadin kaming magkasama" sabi ko

Totoo naman .Lahat ng ginagawa namin ay may dahilan

"Ilang taon ko nadin kasama si Maxima pero nagawa ko paring ipagkanulo siya.Minsan ko na ding minahal ang taong iyon pero inilagay ko parin siya sa panganib" sabi nito

Hindi naman ako nakasagot agad.Tumingin ako sa kanya.

"Ako ba...Kaya mo ring ipagkanulo para sagipinang kompanya at daddy mo?" tanong ko

Nagawa niya kay Maxima ...Posibleng magawa niya rin yon sakin.Nakakalungkot isipin...

"Pinili na kita kesa sa pamilya ko dati.Ano bang klaseng tanong yan.At gusto ko naring kalimutan ang ginawa kong kasalanang iyon" sabi nito

"Kung nagawa mo sa kanya ...Magagawa mo din yon sakin...Kung ginawa mong minsan...Siguradong magagawa mo ulit" sabi ko

"Let's stop this argument.Walang patutunguhan ito" sabi niya at naupo na

Ayo slang kahit na ibetray niya ko basta sana ay lagi siyang ligtas.Naglakad na ako papunta sa pinto.

"Zhavria" tawag niya

Napatigil naman ako.Hawak hawak ko na ang doorknob.

"Stay here" sabi niya.Mga katagang nagpapabigat sa paa ko para lumakad paalis

"Babalik din ako.May kailangan lang talaga akong gawin" pagpupumilit ko

"No.You stay here" pigil niya

"Trust me" sabi ko

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"Bumalik ka dito ng ligtas.Please ..." sabi niya

Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti kahit malungkot ang kalooban ko.Hindi rin naman ako makakuwi mamaya dahil kailangan kong hanapin ang Red Vindicta.Hindi ako mamatay hanggang hindi ko napapatay ang taong may target kay Tanner.

"Ikaw na lang ang meron ako" dagdag niya na nagpatibok ng puso ko

"Marry me" sabi ko

"I will" sagot niya

Iniunlock ko na ang pinto pero napatigil ng may biglang palaso na tumama sa pinto.

Napatingin ako sa likuran at doon sa may balcony ay may nakaupong babae na nakamaskara ng pula .May hawak hawak itong pana habang ang buhok ay tinatangay ng malakas na hangin.

Isa lang ang agad na pumasok sa isip ko.

'Red Vindicta'

Kakaiba ang presensya na ito at alam kong nakatingin ito sakin ng diretso.

Bakit ako kinakabahan?May takot sakin na halos katulad ng pagkatakot ko kapag kaharap ko si Demon pero may kakaiba sa nararamdaman ko.

Nakakaramdam ako ng lungkot habang tinitignan ang babaeng ito at the same time kitang kita ko ang galit sa paligid nito.

"Hindi pa ata ako bihasa sa pana kaya sumablay" sabi nito

So balak niya pala itong ipatama sakin?

"But I think it hits the black dot can you check it for me reaper?"

Sabi nito na ikinagulat ko.how did she know?Tinignan ko ang pinto at tinamaan nga nito ang itim na bilog na kasinglaki ng centavos.

"Bloody Queen" mahinang sabi ni Tanner

Agad naman akong napatingin sa babaeng tinawag niya na Bloody Queen.

Bakit siya nandito? Paano niyang nalaman kung nasaan kami nakatira ni Tanner?

Hindi ito maganda

"Ako ba ang hahanapin mo?Hindi na kailangan dahil nandito na ako" sabi niya sakin

Paano niyang nalaman na siya ang pakay ko?

"Isa pa , kung aalis ka ay hindi mo masasaksihan ang mapait na kamatayan ng pinakamamahal mo" sabi niya at tumayo saka naglakad papasok sa loob

Napatiklop ang kamao ko.

Kinuha ko ang baril sa gilid ko at itinutok ko sa kanya

"Ibabaon ko lang sa impyerno si Mr.Tanner Sanchez pero kung makikielam ka ay isasama kita sa hukay niya" cold na sabi nito at inilabas ang isang pamilyar na katana.

Ang sandata ni Black Shadow .Ang katana ni Maxima Reed.

Revenge of the QueenWhere stories live. Discover now